Special Chapter

5.3K 103 4
                                    

Daphne's POV

"Nasaan na kayo Mitch,....oo...syempre dapat nandito kayo kasi magagalit si mama, ikaw din...oo na....sige, see you nalang.."

Binaba ko na ang cellphone ko habang  hawak ko ang crib ni baby. Pinangalan kong Alexander ang baby boy namin para Alex, Alexa, Alexander...diba? Ang cu-cute..

Napatingin ako sa anak ko na kalaro sina Sean at Scarlett na anak nina kuya at Ate Syrene. Napatingin ako sa kabila na maraming bata at naglalaro ng maliit na bola. Ang anak nina Ate Eris at kuya Casper na sina Athena at Althea, si Azril Chase na anak nina Kuya Eros at Ate Madison.

Napatingin ako sa gate namin ng makita kong pumasok sina Mitch at ang asawa nitong si Paul Lloyd.

Agad na tumakbo si Paulo na anak nila at lumapit sa kambal na anak nina Cyn at Benjamin na sina Bernard at Bernadette.

Agad kong binuhat ang anak ko ng magsimula na nama siyang umiyak. Halos lahat ng tao rito ay busy sa pag-aayos.

Napatingin ako sa tabi lang ng gate dahil may mini bench doon. Nandoon sina Brent at ang ampon ni Ate Eris na si Jacob at ang isip matanda na si Kate na anak nina kuya Kurt at Ate Shine.

Ang ama at ang pamilya ng asawa ni kuya ay hindi daw makakadalo dahil may pupuntahan daw sila.

Sina Blaze at kuya Eros, Casper, Kurt, Benjamin, at ang sarili kong kuya ay nasa mesa at nag-uusap, hindi ko alam kung ano, siguro usapang business na naman.

Lumapit ako kay lolo, papa ni mama.

"Lo, pwede po bang pabantay lang ang anak ko.."

"Sige ba..." binaba ko na sa crib ang anak ko at iniwan ito kay lolo.

Gusto ko sanang tumulong kina ate Madison, Syrene, Eris, Shine, at si mama at tita Cathlyn at si Cyn sa pag-aayos ng mga pagkain pero pinagbawalan ako dahil kapapanganak ko lang sa bunso ko. Matagal na sanang ginanap itong reunion pero dahil nga nanganak ako ay nilipat na sa ibang date.

Sina papa at Tito Stephen ay nag-uusap din at saan nga ulit patungkol....ahhh business.

Kakarating lang din ng kambal na barkada nina kuya na sina Drake at Jake na agad namang sumama sa usapan nila.

Lumapit ako kay Mitch na kasama sa tabi niya ang asawa.

"Salamat naman at nakapunta kayo rito..."

"Ano pa nga ba, kinulit mo ako ehhh..."

Nakaramdam ako ng may yumakap sa likod ko at hindi na ako lumingon pa para alamin iyun.

"Amm Mitch, asawa ko nga pala. Dale Blaze..."

"Hi, kaibigan ako ni Daphne simula--"

"Nakita na kita, ikaw yung laging kasama noon ni Alexis. Ikaw yung kasama niya nung niligtas niya ako sa mga bullies.."

"Ahhh, lagi kasing may napapaaway si Daphne at kasama ako, baka nga ako rin yung kasama niya...amm asawa ko rin pala si Paul Lloyd at ang anak namin na si Paulo..."

Tinuro ni Mitch anak niya na kalaro ng mga bata.

Ilang minuto din ang tinagal ng pag-uusap namin hanggang sa pinuntahan na nila ang anak nila.

Si Blaze naman ay pinuntahan ang anak namin na si Alexander na binabantayan ni lolo.

Napadaan ako kina Jacob na hawak ang pusa ni Kuya Eros na si Alice habang katabi nito si Brent at parang estudyanteng nakikinig sa harapan nila.

Sino pa nga ba ang isip-matanda na kung magsalita ay kaedaran namin.

"Eto, pagkatapos natin magcollege ay dapat pag-iisipan na natin ang mga business na pwedeng gawin. Meron na ba kayong naiisip?"

Napatawa ako sa mga pinagsasabi ni Kate at nakita kong tumaas ang kamay ni Brent.

"Pwedeng beauty products kasi usong-uso ang mga ganuun..."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Brent. Siguradong yayaman ang mga batang ito.

Napatingin ako sa lahat ng mga tao na narito. Lahat sila ay may nga ngiti sa labi. Napatingin ako sa mga kalalakihan na akbay-akbay pa ang iba at nagkwekwentuhan.

Ang mga kababaihan na nagkwekwentuhan din habang nag-aayos ng mga plato at pagkain.

Ang mga batang naglalaro at nag-uusap sa paligid ng bahay. Napangiti ako sa lahat ng nakikita ko.

Sa asawa ko na buhat ang anak namin habang may kausap din.

"Wala akong masabi sa pamilya ko ngayon, masaya ako at nagkaroon sila ng mga asawang mababait kagaya ng saiyo apo..."

Napatingin ako kay lolo at napangiti. Hindi naman ako mapupunta dito kung wala si lolo na ama ni mama.

"Salamat nga at may asawa akong naiintindihan ako sa lahat ng mga nagagawa ko. Akala ko talaga ay wala na akong mahahanap na lalaking nararapat sa akin. Sa edad kong yun ay mahirap ng maghanap ng makakasama pero dumating parin siya at napasaya niya ako..."

"Ganun din ako ng makilala ko si Miracle na ina ng mama mo. Malungkot ang mama mo noon nang mawala ang ina niya at ako rin naman. Wala nang mas hihigit pa kay Miracle kaya hanggang ngayon ay wala akong pinalit sa kanya. At masaya ako ng makahanap ang mama mo na mamahalin siya at natanggal nito ang lungkot ng mawala ang ina niya. Dumating kayo sa buhay niya ay mas sumaya kami. Naiintindihan ko nang magalit ang papa mo sa nangyari sayo pero kahit na ano man ang gawin mo ay walang magulang na makakatiis sa anak..."

Napapunas ako sa pisnge ko sa sinabi ni lolo sa akin.

Magiging mabuting magulang ako sa mga anak ko at mabuting asawa sa minamahal ko.

Sinenyasan kami ni mama na kakain na daw.

"Lo, kain na po tayo.."

Tumango ito at hinawakan ang kamay ko.

"Masaya ako para sayo apo, hinihintay ko nalang na kunin ako ng Panginoon dahil alam kong kaya niyo na ang sarili niyo..."

"Ikaw lo ahhh, nananakot ka na naman. Matagal pa yan, kago talaga..."

Tumawa lang ito at dumeretso na kami sa mahabang-mahabang mesa na pinasadya talaga namin para sa okasyong ito.

Napatingin ako sa asawa ko na hawak ngayon ang kamay ko. Napatingin ako sa iba at yakap o akbay ang mga asawa nila.

Siguro nga ay masuswerte kami sa mga asawa namin.

Hindi kailangang hanapin iyun dahil kusang darating ito sa buhay natin, gaya ng mga asawa ng mga kapamilya at kaibigan ko.

May tamang tao na darating sayo sa tamang panahon.....

......

...

CS4: My Possessive Husband Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum