seventeen~~ newspaper

3.9K 92 0
                                    

Daphne's POV

"Yung sa mga paintings naman ay sasabihin ko, kung sasama ka sa akin pauwi?"

Napatingin agad ako sa kanya. Sa kanya ako uuwi?

Baliw na siguro toh.

"Sa tingin mo ba ay sayo ako uuwi, ang dami kong pwedeng tuluyan. May pera din ako na pwede kong gamitin--"

"Baka nga wala.."

"Anong wala, may mga pera ako sa bangko--"

"Sa tingin mo ba ay may makukuha ka, sa tingin ko ay may ginawa ngayon ang papa mo at kasama doon ang mga pera mo--"

"Hindi! Hindi nila pwedeng magalaw yun..."

Agad kong chineck ang bank account ko at laking gulat ko na tama nga siya.

Wala na akong nagawa kundi ibalik sa purse ko ang cellphone at napatingin nalang sa paligid.

"Paano ba yan? Sa akin ka babagsak..."

"Sa tingin mo ba ay sasama ako sayo? Marami ako kaibigan na pwede kong tuluyan"

"Mga tunay na kaibigan ba?"

Napatigil ako sa sasabihin ko pa sana ng matandaan ko ang mga peke kong kaibigan. Sa ngyaon ay si Cyn at si Mitch nalang ang kaibigan kong tunay. Nakakahiyang doon ako kay Mitch at kay Cyn naman ay ipupush niya talaga ako kay Blaze. Sa mga pinsan ko naman ay pagagalitan ako sigurado ko iyun, lalo na si kuya. Ayaw ko munang magpakita sa kanila.

"Alam mo bang naayos ko na yung mga papel sa kasal natin--"

"Hindi tayo kinasal!"

"Sorry my Alexis, pero kasal ka sa akin. Dahil sa kilala akong tao, ilang oras o ngayon na ay binabalita na iyun. Baka nga nakadiyaryo na ang kasal natin."

Napatingin ako sa kanya. Gulat at galit ang binigay kong tingin sa kanya. At lalo akong nabigla na may dumaan lang na nakabusiness suit at binati kami.

"Mr. Frederick! Kinasal ka na pala. Congratulation sa inyong dalawa!"

Napatingin ako kay Blaze na parang wala lang at tumango lang sa sinabi nila.

Agad akong lumapit kay Blaze at hinampas ko siya sa braso. May pera naman ako sa purse ko kaya, kaya ko ang sarili ko. Magrerenta nalang ako ng mumurahing kwarto. At dahil hindi ko magalaw ang pera ko sa bangko ay maghahanap nalang ako ng trabaho para may pangtustos ako sa mga pangangailangan ko.

"Hindi ako sasama sayo!" Sabi ko sa kanya at umalis na. Mabuti nalang at hindi na siya sumusunod sa akin. Bahala siya. Pakialam ko kung kasal kami.

********

"Amm, eto nalang ang bakante miss, hindi nga lang siya malinis pero ok naman ito."

"Ok na po ito, kailangan ko lang talaga ng matutuluyan."

"Alam mo miss, familiar ang mukha mo. Parang nakita na kita sa TV yung kinasal sa isang business tycoon"

"Amm hindi po ako iyun.."

"Ganun ba, kamukha mo ehhh, oh siya eto na yun. Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ammm, Alex po.."

"Ahh sige Alex, iwan na kita diyan ahh. Pasensiya na talaga kasi hindi ko pa nalinisan.."

"Ok lang po, ako na po ang bahala. Amm itatanong ko lang po kung may panlinis kayo.."

"Ahh meron sa kwartong iyan.."

"Ahh sige po.."

Umalis na yung babaeng matanda. Napatingin ako sa buong kwarto, ayos na ito sa akin kaysa sa makasama ko ang lalaking iyun.

Nagsimula na ako magwalis sa buong paligid. Totoo ngang marumi talaga dahil ang dami kong nawalis at mga alikabok sa paligid. Salamat nalang at nakaplastik pa ang foam ng kama at may malinis na kumot at unan sa mga kabinet. Nang maayos ko na ay kailangan kong makabili ng pagkain. Gusto ko nang maligo pero hindi ko magawa dahil wala pa akong sapat na pera para makabili. Kailangan kong maghanap agad mg trabaho bukas at maka-advance agad kasi.kailangan ko talaga ng pera. Ayoko namang mangutang sa kaibigan ko o kapamilya.

Iisipin ko nalang challenge ito at kailangan kong malagpasan para sa kinabukasan ko.

Lumabas na ako para makabili ng pagkain. At sa bawat taong nakakasalubong ko ay lagi nilang sinasabi na familiar ang pagmumukha ko. Hindi ko nalang sila pinansin. Habang kumakain sa mesa ni Aling Mila. Siya ang may-ari nitong rentahan. Nakikain muna ako sa mesa dito. Noodles lang na nasa cup ang kinain ko dahil mura lang ito at madaling lutuin. Masarap naman iyun. Sapat na ngayong hapunan ko.

Habang kumakain ay napatingin ako sa diyaryo. Magsusubo na sana ako ng may mabasa akong Clarkson doon.

Agad kong kinuha ang diyaryo at nagulat nalang ako sa nakasulat doon.

Tama ngang nasa diyaryo na ang balitang kasal ako. May mukha ako doon at nakalagay sa headline na secret wedding....

Nakasulat ang buong pangalan ko at pati na si Blaze. At nakalagay pa doon na sekretong kinasal kami. Na may relationship kaming dalawa. Na kaya pala hindi nagkakaroon ng relasiyon si Blaze dahil may sekretong relasiyon ito at ako daw iyun.

Napahawak ako sa sentido ko at isa lang ang pumasok sa isip ko. Na kagagawan ito ni Blaze, sino pa nga ba?

Eh siya ang may gawa nitong lahat.

Binilisan ko nang kumain. Dahil baka lapitan na naman ako at sabihing familiar ako at nakita kung saan.

Agad na akong pumasok sa kwarto ko at nilock yun. Agad akong pumunta sa kama ko at inayos iyun at agad na humiga. Rinig ko ang ingay ng ibang nagrerenta. Mga kalapag ng kung ano man.

Napansin kong basa ang pisnge ko kaya hinawakan ko iyun at pansin kong lumuluha na pala ako.

Napatingin ako sa kisame. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa akin. Napatingin ako sa gilid ko at salamat nalang at may electric fan dito kundi ay hindi ako makakatulog.

Napatingin ako sa cellphone ko at in-off ko agad. Baka masayang ang battery kasi nakicharge lang ako sa mga tao dito.

Simula bukas ay kailangan ko agad mahanap nang trabaho. Hindi ko kailangan ng pera ng pamilya ko at nung lalaking iyun para mabuhay ako. Kaya ko ito, kayang-kaya....

Ako pa ba?

Kahit hindi komportable sa akin ang kinatutulugan ko ay pinilit kong makatulog. Kailangan kong maging malakas. Kahit na may naririnig akong mga bagay na maingay at tumatakbo. Ayaw kong isipin na mga daga iyun. Mga tao yun, kahit na hindi....

Ganito pala kahirap ang buhay....

Hindi ko inaasahan...

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now