seven~~ Misis?

5.3K 133 0
                                    

Daphne's POV

"Cyn, naiihi na ako, hintayin mo ako dito ahhh.."

"Hindi ka kaya matumba, mukhang marami ka nang nainom..."

"Nahhh, kaya ko toh, ako pa ba?"

Tumawa lang si Cyn sa sinabi ko at binaybay ko na ang daanan papunta sa CR.

Umiling-iling ako dahil nagdadalawa ang paningin ko.

"Bakit dalawa ang pinto ng CR..."

Agad akong pumunta sa mga pinto ng CR at laking gulat ko ng hahawakan ko ang doorknob ay naging pader.

"Huh? Bakit pader?-- oh dito pala ang pinto! Bakit dalawa kanina? Hahahaha!"

Agad akong pumasok sa pinto ng CR at agad na nagbukas ng mga pinto ng cubicle.

"Hoy!! Bakit ka nagpupukpok ng pinto diyan! May nagsi-CR dito! Sayo ba tong CR na ito!!"

Umayos ako ng tayo pero muntik pang ako natumba kaya humawak ako sa lababo.

"O-OO!!!! Sakin tohhh!!!! Yang toilet na yan! Yan! Yan! At yan!"

Nang hindi ko na narinig ang nagsalita kanina ay pumasok ako sa pinaka dulo dahil walang tao at agad na ring doong umihi.

Nang matapos na ako ay agad akong lumabas at pumunta sa may lababo at naghugas ng kamay. Napatingin ako sa salamin ng makita kong may tao doon at nakatingin sa akin. Kahit nahihilo na ako ay hindi ko masasabing panget siya dahil ubod siya ng kagwapuhan. Parang isa siya sa mga maswerteng nabigyan ng ganyang anyo.

Napakunot ang noo ko ng makita kong ngumiti siya sa akin. Napanguso ako at tinuro ang salamin. Tinuro ko yung lalaki doon.

"B-Bakit ka hik! Nakangiti huh!!!"

Nakita ko na napailing siya at hinayaan lang ako na tignan siya ng ganuun. Agad akong naghilamos na baka imahinasyon ko lang siya. Medyo tumuwad ako dahil nga naghilamos ako pero nung maramdaman ko ang bagay na matigas sa likod ko ay agad akong napatigil. Tatayo na sana ako kaagad ng may pumasok.

"Ahhh!!! Bastos!!!"

Isang tili ng babae ang narinig ko at malakas na pagsara ng pinto. Agad akong umayos ng tayo at tinignan ang lalaki. Dahil sobrang lapit niya ay sa adams apple ko siya natignan.

Bakit familiar yun?

Agad kong tinaas ang kamay ko at hinawakan ang adams apple niya. Napakunot ang noo ko dahil bakit parang ang laki at parang lalabas na sa leeg niya.

Nakatingin lang ang lalaki sa ginagawa ko sa leeg niya. Nang mahawakan ko ang adams apple niya sa leeg ay hinawakan ko naman ang leeg ko at napanguso ako ng wala akong ganun.

Nakarinig ako ng pagtawa kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Tinatawanan mo ako?"

Nakita ko na umiling lang siya. Agad na akong umayos ng tayo at lalabas na sana nang hawakan niya ang braso ko at sinandal ako sa pinto.

"Bakit mo hawak ang mga kamay ko!! Ano ba kita?! Sayo ba tong kamay ko huh?!!"

Laking gulat ko nalang ng agad niya akong hinalikan sa labi. Hindi ako makagalaw at hindi rin makahinga. Nang humiwalay siya ay agad akong nakahinga pero agad din niya ulit akong hinalikan pero sa pagkakataong ito ang gumagalaw na ang labi niya sa akin. Naramdaman ko ang dila niya na gusto pumasok sa bibig ko.

Siguro dahil sa espirito ng alak ng binuksan ko ang bibig ko at hinayaan ko siyang halikan ako.

Agad akong napaungol ng naramdaman ko ang dila niya na parang may hinahanap sa bibig ko. At dahil sa malikot niyang dila ay parang nasiyahan akong galawin din ang dila ko. Hanggang sa napagtanto ko na na hinahalikan ko na siyang pabalik.

Binitawan niya na ang kamay ko na agad namang pumalibot sa leeg niya at ang kamay naman niya ay mas hinapit pa ako ng husto sa kanya.

Nakahawak na siya sa likod na mas lalong nagdikit sa aming dalawa. Parang nagmamadali kaming dalawa at may naghihintay ng lakad.

Walang gustong magpatalo at parehong lumalaban sa mainit na tagpong iyun.

Nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay parang nawalan ako ng lakas at humawak sa leeg at balikat niya.

Naramdaman kong humawak siya sa likod ko para hindi ako matumba.

At sa posisyong iyun ay agad na akong nawalan nang malay.

***********

Agad akong nagising ng may tumunog sa gilid ko. Agad akong bumangon pero malaking pagkakamali pala iyun dahil agad na sumakit ang ulo ko.

Napatingin ako sa paligid habang nakahawak ang kamay ko sa ulo. Hindi familiar ang kwarto ito. Agad akong napatingin sa paligid at ang nakita ko lang ay isang ballpen at ang purse ko.

Napatingin ako sa mga braso ko na may mga sulat ng ballpen na parang pinaglaruan ng bata. Agad din akong napatingin sa katawan ko na suot parin ang suot ko kagabi. Pinakiramdam ko ang sarili ko kung may masakit ba sa katawan ko lalo na ang kayamanan ko, at laking pasasalamat ko ng wala akong naramdamang sakit.

Agad akong napatingin sa cellphone kong kanina pang tumutunog. Shit! Si mama yun!

"Hello ma! Good morning!"

( nasan ka na naman?)

"Nandito lang ako sa bahay ng kaibigan ko"

( ahh akala ko kung saan ka na naman, oh sige pala mag-ingat ka diyan)

"Opo ma, sige po bye!"

Agad ko nang pinatay ang tawag. Sirry ma at nagsinungaling ako.

Napalaki ang mata ko ng maalala ko si Cynthia, kaya agad ko siyang tinawagan. Nung tinawagan ko siya ay agad na pinatay niya kaya tinawagan ko siya ulit at salamat naman at sinagot niya iyun.

"Hello? Cynthia, sorry kasi naiwan kita doon"

( dapat kang magsorry!)

"Sorry talaga, hindi ko alam kung nasaan ako?"

( oh my! Baka may kumuha sayo at....at...)

"Loko, hindi noh, eto parin ang suot kong damit at walang masakit sakin except ang ulo ko"

( ahh mabuti naman, akala ko nakipag-one night stand ka...)

"Loko ka!"

( hahahahaha)

"Pero sorry talaga.."

(Akala ko talaga iniwan mo ako doon, nangako ka sakin ehhh....pero nalaman ko naman ang dahilan kaya apology accepted...)

"Salamat--"

Agad akong nakarinig ng katok kaya nagpaalam na ako kay Cynthia at agad na bumaba sa kama at binuksan ang pinto. Laking gulat ko na isang babaeng nakauniform na may dalang pagkain at kung ano pang gamit.

"Mrs. Frederick narito na po ang pagkain at damit niyo po.."

Misis?

Ako? Mrs. Frederick?

What the fuck!....

CS4: My Possessive Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon