forty-four~~ choices

3.8K 72 0
                                    

Blaze's POV

"Aalis nga pala ako mamaya, nagpapaalam na ako sayo.."

Napatigil ako sa pag-button ko sa polo at napalingon kay Alexis na inaayos ang necktie na susuotin ko. After ng nangyari sa amin ay nangako ako sa kaniya na maniniwal ako sa kaniya.

Na magiging matatag ang pagsasama namin. Na walang pwedeng makatibag kahit na ang martilyo ni Thor.

Nilagay niya ang necktie ko sa leeg ko at inaayos niya iyun. Pinapanood ko lang siya sa pag-ayos nun. Nagagandahan ako sa kaniya at lalo na kapag nakangiti siya sa akin.

"Huwag kang mag-alala at si Cyn ang kasama ko, oo nga pala. Alam mo ba ang relasiyon nila ni Kuya Benjamin mo..."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Siguro kapamilya na din kasi Galvez din si Cyn, tulad ni Claire.

"Maybe....kapamilya na din..."

"Yahh papunta na doon kung ikakasal sila.."

Napalayo ako sa kaniya sa sinabi niya. At dahil hawak ng maganda kong asawa ang necktie ay nahila niya din ako pabalik. Si Kuya Benjamin at si Cynthia....

Ok lang naman sa akin basta pangangalagaan niya sina kuya at Brent. At maayos ang paghihiwalay nina Claire at Benjamin.

"Hindi ko alam, dibale buhay naman nila yun. Ang magagawa ko pang ay suportahan si kuya sa mga desisyon niya sa buhay.."

"Oww...how thoughtful you are.."

Napangiti nalang ako at hinalikan siya sa labi na sinagot niya naman.

Masaya akong pumunta sa trabaho at gaya ng sabi sa akin ni Alexis ay lalaki ang Secretary ko. Hindi lang din ako rito ang possessive sa lahat.

Ilang oras ang lumipas ay nakarinig ako ng tawag mula sa cellphone ko. Napangiti ako ng makita kong si Alexis yun kaya agad kong sinagot.

"Hello? Alexis..."

Pero walang sumasagot. Napangiti ako na maisip kong pinagtitripan ako ni Alexis.

"Ok Alexis, tama na ang biruan kaya sumagot ka na, bakit ka napatawag--"

(Saan niyo kami dadalhin! Bitawan mo ako!! Hayop ka kapag nalaman to ng asawa ko ay lagot kayo!!!)

Agad ako napatayo sa swivel chair ko na marinig ko ang boses ni Alexis at para bang may kausap ito.

"Huwag mo lang ibaba, susundan ko ang location ng cellphone mo.."

Kahit na alam kong hindi niya ako maririnig ay nagsasalita parin ako. Nilabas ko ang isa konoang cellphone at tinawagan si Kuya dahil alam kong nasa kompanya niya ito at alam kong mag-aalala siya kapag nalaman niyang may dumakip sa mahal niya.

(Hello..Dale?)

"Kuya, may kumuha sa asawa ko pafi kay Cyn. Pupuntahan ko ang location nila ngayon. Magkita tayo sa park..."

Binaba ko na ang tawag at tumawag na ako ng mga pulis para may kasama ako.

Naririnig ko mula sa tawag ni Alexis ang tunog ng kotse at iyak.

(Mga wala kayong kwenta!! Pakawalan niyo kami!!---ang ingay mong babae ka!!)

Nakarinig ako ng tunog na parang may sinampal na ewan, pagatapos nang tunog na yun ay katahimikan na.

Papatayin ko ang mananakit sa asawa ko. Siguraduhin niyo lang na kaya niyong iligtas ang mga sarili ninyo kapag may nakita akong galos sa asawa ko at kay Cyn.

Nakita ko na si kuya at binuksan ko ang pinto. Agad naman itong pumasok at pinahawak ko sa kaniya ang cellphone.

Rinig ko parin ang iyak at ang ingay mula sa kotse. Hanggang sa parang huminto na ang tunog ng kotse.

(Baba na!! Teka, ano yang hawak mo!!! Akin na yan!!----bitawan niyo ako!!! Hindi!!!!-)

Nawala na ang tawag. Mukhang nahuli nila si Alexis. Subukan lang nila. Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang pinupuntahan ang location nila ngayon. Mabuti nalang at nakarating kung saan man nila itatago ang asawa ko at si Cyn bago nakita ang cellphone nito.

Parating na ako Alexis...hintayin mo lang ako. Magiging maayos din ang lahat.













Daphne's POV

"Ikaw na babae ka! Kanina ka pa.Sige hivpitan nigo ang pagtali sa kaniya ng matuto yan!!"

"Nandiyan na si boss!!"

Napatingin ako sa parating mula sa isang kotse at naglalakad na ito papunta sa akin. Napatingin ako kay Cyn na nakapiring ang mata nito pero ang akin ay hindi kaya nakikita ko ng malinaw kung sino ang palapit na ngayon sa amin.

Si Claire na nakashades pang itim. Ang babaeng yun, kapag nakatakas lang ako dito ay buburahin ko talaga ang mukha niya.

"Oww...what a scene. Anong pakiramdam Daphne, na nakaupo at nakatali. Siguro ay masakit, pwes! Walang akong pakialam. Ikaw na mang-aagaw na dapat ay akin lang!!"

Sinampal niya ako ng ubod ng lakas. Muntik pa ako mawalan ng malay sa lakas ng sampal niya. Sinubukan kong pumiglas at gumalaw pero nasaktan lang din ako dahil na din sa higpit ng pagkatali.

"Kung hindi ka lang dumating ay ako ang makakasama niya!!"

"Para sabihin ko sayong babae ka! Nauna akong nakilala niya. Teenagers palang kami ay gusto niya ako kaya ginawa niya ang lahat makuha lang ako at ikaw ay niligawan ka lang niya dahil gusto niyang subukang magkagusto sa iba pero wala pa ding nangyari dahil ako lang ang gusto niya! At mga walang kwenta ang mga kinikilos mo! Naghanap ka pa ng mga tauhan mo!"

Mas lalo siyang nagalit kaya sinampal niya ulit ako. Inagaw niya ang baril na hawak ng mga tauhan niya at tinutukan ako.

"Tama na Claire..."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Nandoon nakatayo si Jonathan. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa pisnge. Agad namang lumayo si Claire.

"Sabibin mo lang na ako ang pipiliin mo ay ilalayo kita dito. Kaya kitang paligayahin sa abot ng makakaya ko Alexis.."

Nangilabot ako sa sinabi ni Jonathan, parang hindi na siya ang Jonathan na kilala ko.

"Jonathan, hindi ikaw ang gusto ko at alam mo yun.."

Ang pagkahawak niya sa pisnge ko kanina ay humigpit iyun. Nakaramdam ako ng sakit.

"Jo-Jonathan..."

"Ako ang pipiliin mo Alexis! Ako lang!!"

Binitawan niya na ako kaya nakahinga ako ng maluwag doon pero nung lumapit siya kay Cyn ay kinabahan ako ng husto.

Agad niyang tinanggal ang piring sa mata ni Cyn at may nilabas siya sa likod nito. Baril iyun at tinutok kay Cyn.

"Pumili ka Alexis, Ang pagsama mo sa akin at papalayain ko itong kaibigan mo o papatayin ko siya sa harap mo...
Now my Alexis....you have two choices, pick one.."

...

..
.

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now