twenty-seven~~ Benjamin

3.1K 93 0
                                    

Daphne's POV

Agad na tumakbo ang batang Brent kay Blaze na agad naman niyang sinalubong.

"Daddy! Namiss ko po kita!"

Napatingin sa akin si Blaze na parang nagtatanong na ewan tapos sinagot ang bata.

"Namiss din kita, nasaan si mama?"

"Ahhh....ano, nasa bahay po.."

Mama? Tinatanong ni Blaze kung nasaan ang mama nung bata. Great! Just great..

"Sinong kasama mong pumunta dito?"

"Isa ko lang po.."

Kita ko ang pagkabigla at takot sa sinabi ng bata. Ako rin naman dahil mukhang galing pa siya sa malayong lugar.

"Kakarating lang po namin galing sa America tapos po nandoon po kami sa bahay. Boring po, walang magawa kaya pumunta ako dito!"

"A-Alam mo ang address ng bahay ko Brent?"

Tanong ni Blaze at kita parin ang pag-alalala.

"Opo!"

"Mabuti naman at alam mo. Siguradong nag-aalala na sila sayo. Sa susunod kung gusto mong pumunta dito ay tawagan mo ako para puntahan ka, ok?"

"Opo!!!"

Napatingin ulit sa akin si Blaze.

"Brent, kilala mo na ba siya?"

Tanong ni Blaze kay Brent at iniharap niya ang bata sa akin.

"Hindi pa po!!!"

Masyadong active ang bata.

"Brent, hinaan mo ang boses mo kapag malapit ang kausap mo kasi iisipin nila na sinisigawan mo sila, kapag malayo sila ay doon mo lakasan, ok?"

Napangiti ako sa sinabi ni Blaze, halos puro payo ang pinagsasabi niya sa bata na talaga namang nakakatuwa.

"Hi po ulit! Ako po si Brent Galvez Frederick..." sabi ng bata sa akin habang kumakaway pa. Napangiti ako doon.

"Hi! Ako si Daphne Alexis Monteverde Clarkson--" napatingin ako kay Blaze na parang may gusto pa siyang idagdag sa sasabihin ko, kaya pinagbigyan ko na..." Frederick..."

"Ang haba po ng name niyo po, pwede po bang paulit." Napatawa ako sa sinabi ni Brent na kumakamot ba sa ulo.

"Daphne Alexis Monteverde Clarkson-Frederick..Ate Daphne nalang ang itawag mo sa akin--"

"Tawagin mo siyang Mommy, Brent Ok?"

Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Blaze. Nakangisi pa ang loko.

"Bakit po mommy?"

"Kasi asawa siya ni Daddy.."

Sabi ni Blaze at tinuro niya pa ang sarili niya nung sinabi niya ang word na 'daddy'.

"Ahhh opo, Mommy Daphne!" Nabigla pa ako ng tumakbo si Brent sa akin at niyakap ako sa hita. Pansin ko na parang sobrang higpit siyang yumakap kaya bumaba ako sa kaniya at niyakap siya.

"Pagbigyan mo na, kulang siya sa aruga ng isang ina.."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Blaze sa akin. Kulang sa aruga ng isang ina. Kulang?

Hindi ba siya inaalagaan ng ina niya?

"Sige, iwan ko muna kayo, tatawagan ko ang mga magulang niya na nandito siya.."

Sabi ni Blaze at umalis papunta sa kwarto niya siguro para magbihis at tatawagan daw.

Parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya na tatawagan niya ang mga magulang daw ni Brent, ibig sabibin ay hindi siya ang ama ng bata.

Teka? Ano naman kong may anak siya at si Brent yun..pake ko.

Napatingin ako kay Brent at kita ko ang saya niya. Nakayakap parin siya sa akin.

"Brent, pagod ka ba nung pumunta ka dito?"

"Opo.."

Hinagod ko ang likod niya at binuhat siya. Pumunta ako sa malapit na sofa at umupo doon. Tahimik kasi ngayon ang bata at kita ko na parang inaantok siya.

Pinahiga ko siya sa sofa at ginawa kong unan ang legs ko.

Habang nakahiga siya ay hinahaplos ko ang buhok niya. Pero kahit mukhang inaantok siya ay hindi siya makatulong. Nakatingin lang siya sa akin.

"Dapa ka..." yun lang ang sinabi ko sa kaniya kaya ginawa naman niya.

Nagsimula na akong kamutin ang likod niya. Nung bata kasi ako ay nagpapakamot ako sa likod para makatulog.

Habang dahan-dahang ko siyang kinakamot ay kita ko na papikit-pikit niya hanggang sa nakatulog na siya.

Naiisip ko kung anong klaseng magulang ang meron si Brent at hindi man lang nila napansin na nandito na ang anak nila. Nakakalungkot isipin na ganuun ang magulang ni Brent. Ang saya-saya ng bata na parang wala lang, pero may lungkot din.

Nakarinig ako na may palapit sa akin kaya lumingon ako doon at nakita ko ang palapit na si Blaze.

Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.

"A-Anong klaseng magulang ba ang meron si Brent at hindi man lang nila napansin na wala ang bata?"

" Ang totoo niyan ay mabuting ama si kuya kay Brent, alam ko yun pero ang problema lang ay sa ina nito..."

"Anong problema naman yun?..."

"Ano, kasi dati ay nililigawan ko ang ina ng batang ito."

Niligawan niya?

"Ammm tapos?"

"Ewan ko lang, pero si kuya ang pinili niya. Tanggap ko na iyun pero pansin ko naman na hindi niya gusto si kuya. Isa iyun sa problema kaya napapabayaan niya si Brent. Nagkaanak sila pero malamig ang pakikitungo niya sa mag-ama..."

"Salbahe naman nung ina.."

"Hahaha siguro..."

"At niligawan mo pa?"

"Ano, sinubukan ko lang naman noon."

"Kahit na, niligawan mo parin.."

"Nagseselos ba ang asawa ko?"

Agad akong napatingin sa kanya.

"Baliw ka na ba? Hindi! Baliw ka talaga. Doon ka nga at natutulog ang bata."

Napatingin kaming pareho ni Blaze ng may pumasok sa pinto. Isang lalaki na mukhang mas matanda pa kay Blaze.

"Kuya..."

Yan yung kuya niya, kaya pala magkamukha din sina Brent at Blaze kasi magkamukha sila ng kuya niya.

"Natutulog si Brent kay Alexis.."

"Alexis?"

"Ahh asawa ko siya..." sabi ni Blaze at napatingin pa sa akin.

"Pasensiya ka na, galing kasi ako sa kompanya at doon ko nalaman na nandito si Brent. Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ni Claire at nandito ang anak namin. By the way, I'm Benjamin..."

Benjamin Frederick...parang narinig ko na.

"Daphne Alexis, amm nakatulog na sa akin si Brent."

Nakita ko ang pagngiti ni Benjamin sa akin.

Lumapit siya sa akin at binuhat ang anak niya. Narinig ko pa ang pagdaing ni Brent.

"It's ok, it's ok...si papa toh" sabi ni Benjamin sa anak niya.

"Sige, alis na kami. Nice to meet you Daphne. Dale, masaya akong may kasama ka na dito..." sabi ni Benjamin bago umalis.

Napatingin ako kay Blaze na nakatingin lang sa paalis na kuya niya.

Kita ko sa mata ni Blaze ang lungkot, kahit naman ako ay nalulungkot para kay Brent. Anong klaseng ina naman yun....

Pag ako nagkaanak ay hindi ko hahayaang mawala siya sa paningin ko.

Teka? Anak?

Matagal pa yun! Matagal pa!

..

..

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now