thirty-two~~ Jealous?

3.7K 97 0
                                    

Daphne's POV

Hindi pa rin umaalis si Jonathan at nanatiling nakaupo sa tabi ko, tumayo na ako para matapos na itong dalawa. Nagkatitigan kasi sila at kung may lumalabas na kuryente sa mata nila ay baka nakuryente na ako.

"Ammm....Jonathan baka may pupuntahan ka pa kaya pwede kanang umalis..."

"Frederick, alam kong malakas ang koneksyon mo sa lahat pero isa lang ang alam ko, na hindi ka naman mahal ng asawa mo..."

"Jonathan!"

Napatingin naman sa akin si Jonathan at parang sinasabi niya na 'totoo naman '.

Ayaw ko lang na magkaroon ng away sa kanila dahil alam kong si Jonathan ang talo dahil nasa puder siya ni Blaze.

"Asawa ko siya at lahat na meron siya ay akin. Labas ka na doon Galveston.."

"Alam kong hindi ka naman mahal ni Alexis kaya alam ko ang ginagawa ko, gagawin ko ang lahat.."

"Gawin mo ang lahat ng magagawa mo pero isa lang ang alam kong mangyayari, na sa akin lang si Alexis, at wag mo siyang matawag na Alexis dahil ako lang ang pwedeng tumawag sa kaniya ng ganun!"

Halos mapatalon ako ng sumisigaw na si Blaze, lumapit na ako sa kaniya at hinawakan ang dalawa niyang pisnge ay pinatingin ko siya sa akin.

"Blaze, come on..."

Ayaw niyang sumunod dahil nakatingin parin siya ng masama kay Jonathan.

Napatingin na din ako kay Jonathan at nakiusap na ako.

"Jonathan, please...umalis ka muna. Ayaw ko nang away dahil alam kong ikaw ang magiging kawawa dahil nasa puder ka niya kaya pwede bang umalis ka muna..."

Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Jonathan, hindi ko maiwasang malungkot din dahil isa siya sa mga mahahalagang tao sa akin.

"Sige, dahil sinabi mong aalis ako rito ay gagawin ko pero, ikaw lang ang susundin ko.." sabi ni Jonathan at tumalikod na siya at umalis na.

Napatingin ako kay Blaze na hindi parin kalmado at nakatingin parin sa paalis na si Jonathan. Nang tuluyan ng nakaalis si Jonathan ay lumipat na ang tingin niya sa akin.

"Why?"

Yun lang ang sinabi niya pero ang bigat ng sagutin.

"Amm anong why?"

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay nito at nag-igting ang panga. Masasabi kong galit na talaga siya.

"Bakit mo siya pinapasok rito? Alam mo bang may asawa ka na pero nakikipagkita ka pa sa lalaki mo at dito pa sa pamamahay ko!"

"Bisitang kaibigan lang naman ahh!!"

Hindi ko na rin maiwasang sigawan siya dahil sinisigawan niya na ako.

"Kahit na! Alam mo bang may gusto siya sayo pero nakikipagkita ka parin. Alam mo bang may asawa kang tao at ako yun, kaya hindi ka pwedeng makipagkita sa kahit sinong lalaki maliban sa pamilya mo."

"Hindi mo pwedeng kontrolin ang buhay ko dahil asawa nga kita pero sa papel lang iyun. Pilit ang nangyari dahil sa hinayupak mong dahilan.."

"Sa papel man o sa ano ay asawa kita. Sa mata ng batas ay legal kang asawa ko kaya pwede kong sabihin ang mga pwedeng kong sabihin sayo at pwede kong sabihin ang mga bagay na gagawin mo.."

"Sabihin nga natin na asawa mo ako pero hindi mo pwedeng idikta lahat ng gagawin ko.."

"Asawa kita kaya yun ang dapat..."

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng asawa Blaze? Alam mo ba? Dahil wala sa pagiging asawa ang magdikta ng gagawin nito dahil mag-asawa man o hindi ay dapat malaya parin. Hindi ako robot na dapat ay susunod nalang ako sa lahat..."

Nakita kong napatigil si Blaze sa sinabi ko at napatawa ng pagak.

"Sige, ngayon ay pag-usapan natin ang salitang ASAWA. Kapag ba may asawa ka na ay kailangan meron ka paring manliligaw huh?"

"Hindi ko manliligaw si Jonathan --"

"May gusto siya sayo at hindi ka niya titigilan. Alam kong alam mo rin iyun pero nakikipagkita ka parin"

"Sa tingin mo bang magpapaligaw ako kung kasal ako? Ganun ba? Eh ikaw nga itong may babae.."

"Ako? May babae? At paano mo namang masabi na may babae ako?"

"Sa cellphone mo, nakita ko doon na nagtext yung...yung...Katie na yun. Ano? Dating place niyo ang office mo ahh.."

Nakita ko ang pagkalito sa sinabi ko at ilang sandali lang ay bigla siyang tumawa...

Napakunot ang noo ko sa pagtawa niya. Anong nakakatawa sa sinabi ko."

"Bakit? Anong nakakatawa doon?"

"Alexis, aminin mo nga sa akin kaya la nakipagkita sa Jonathan na yun dito dahil sa Katie na yun. Come on Alexis, nagseselos ka ba doon.."

Napatawa din ako.

"N-Nagtanong lang selos agad. Bakit kay Jonathan, nagseselos ka ba sa kaniya?"

"Oo..."

Napatigil ako sa pagtawa ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya na seryoso na nakatingin sa akin.

"Alam mong asawa kita kaya normal lang sa mag-asawa na magkaramdam ng ganun. Oo nagseselos ako sa lalaki mo kaya dapat mong intindihin iyun. Dapat layuan mo ang lalaki mo kung inaalala mo ang nararamdaman ko.."

"Inaalala ko?"

"So hindi mo inaalala?"

"Oo na! Oo na inaalala ko!"

Tataas na naman kasi ang boses niya at pinagtitignan na kami ng mag maids at guards rito. Pero hindi ko talaga in-expect na magseselos siya kay Jonathan.

Kanina ay galit kami sa isa't-isa pero nung sinabi niya na nagseselos siya kay Jonathan ay dapat magalit pa ako o ano man pero nakaramdam ako ng saya sa sinabi niya.

Iniwan ko siya roon sa bench at pumasok na sa bahay. Ramdam ko na sumunod siya sa akin kaya hinayaan ko nalang. Napatigil ako ng may naalala ako na parang hindi niya pa sinasabi sa akin.

Napatingin ako sa kaniya at napataas ang isa kong kilay. Lumapit ako sa kaniya at siya naman ay binaba niya ang mukha niya. Dapat ay mailang ako sa kaniya dahil ganito siya kalapit pero para wala lang ngayon.

"Hindi mo sinabi...."

"Sinabi ang alin..."

"Kung sino si Katie na yun.."

"Sinasabi ko na nga bang nagseselos ka ehhh"

"Hindi ako nagseselos..." tumayo ako ng maayos at pinaglaruan ang buhok.
"..diba kasama sa pagiging asawa na kailangan kong malaman kung sino ang kasama nito, Bakit ba ahhh!! Kung makareact ka kanina kay Jonathan ay parang gusto mo na siyang kainin--"

"Bakit ko siya kakainin kong may asawa naman ako?"

"Anong--bastos!!!!"

Lumakad na ako paalis pero bago pa ako makapasok ay narinig kong nagsalita pa si Blaze.

"Secretary ko siya! Huwag ka nang magselos.."

Selos!

Ako? Never?!!

CS4: My Possessive Husband Kde žijí příběhy. Začni objevovat