thirty~~ New Year (part 2)

3.4K 93 0
                                    

Daphne's POV

Napatingin ako sa kaniya habang siya naman ay kumakain sa tabi ko. Walang nagsalita sa amin ng makarating siya sa tabi ko. Hindi ko parin alam kung bakit siya nandito o ano man.

"Amm paano--"

"Tuwing pinapagalitan ako ni papa o ni kuya ay dito ako pumupunta. Hindi naman nila alam at saka hindi naman nila ako hinahanap..."

Napatingin ako sa kaniya na walang emosyong sinabi niya ang mga iyun. Grabe naman at parang wala silang pake sa kaniya. Buti nalang at hindi ganuun si Kuya ko pero strikto.

Rinig ko parin ang ingay sa loob ng mansion. Hindi nila siguro alam na nandito kaming dalawa.

" Paano ang mga bisita mo doon, hindi pwedeng iwan mo sila doon.."

"At iiwan ko dito ang asawa ko, nahh...hindi naman sila ang gusto kong kasama. Nakatanggap kasi ako ng tawag kay papa at gusto niyang sa mansion daw mag new year ang lahat ng kapamilya namin. Kung hindi lang ako nakatanggap ay hindi ko sila papapuntahin dito dahil mga plastic sila..."

"Grabe naman....may mga mababait kang kapamilya...si Brent "

"Yahhh, gusto ko sa akin siya magnew year at hindi sa parents niya..."

"Mabait naman si Kuya Benjamin sa anak niya, sa ina lang talaga ang problema..."

"Hmmm..."

Sang-ayon niya sa sinabi ko. Napatingin ako sa kaniya na nakatingin parin sa magandang view ng lungsod. Siguro makikita ko dito ang bahay namin. Napatingin ako sa cellphone ko nang makita ko na 11:57 pm na.

"Ohhh...3 minutes nalang!"

Napatingin siya sa akin at napangiti. Dahil sa nailang ako sa tingin na iyun ay napatingin nalang ako sa cellphone.

2 minutes nalang.....
..
..

1 minute nalang....
..
..

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3..

2..

1..

12:00 am..

"Happy New Ye--"

Nagulat ako ng hinila ako ni Blaze at hinalikan mismo sa labi ko. Napakadilat parin ang mga mata ko dahil sa pagkabigla pero kalaunan naman ay pumikit na ako. Kusang gumalaw ang labi ko at sinabayan ang kaniya.

Nakakarinig na ako ng mga nagpapaputok ng mga fireworks. At ang liwanag sa paligid pero hindi ko na iyun pinansin pa dahil sa halik na binibigay sa akin ni Blaze humiwalay siya at hinawakan ako sa pisnge.

"Happy New Year my Alexis.."

Kita ko ang saya sa mga mata niya at ayaw kong mabura ang mga iyun. Kahit na may galit parin ako sa kaniya at hindi niya pa sinasabi ang tunay na dahilan sa ginawa niya ay hindi ko muna iyun iitindihin. Dahil gusto ko pang makita ang saya sa mga mata niya.

Parang gusto ko palagi siyang masaya. Na hindi ko naman alam kung bakit pero masaya ako kapag masaya siya.

Ilang minuto rin kaming nandoon sa bubong at sinabihan na ako ni Blaze na baka magkasakit kami at lamigin dito. Pumayag na ako sa sinabi niya dahil malamg na nga. Ngayon ko lang napansin na nabawasan ang ingay sa mansion at nakakarinig ako ng mga tunog ng sasakyan.

Siguro ay nagsialisan na ang mga bisita ni Blaze. Mabuti na rin yun...

Napatingin ako sa buong paligid na parang wala lang, marami paring pagkain sa mesa at sayang naman ang mag ito kung hindi kakainin. Yung mga bisita naman kasi ni Blaze ay para namang mga busog. Sana pala ay hindi nalang naghanda.

Napatingin ako sa sala at may nakaupo doon at kumakain. Napangiti ako ng si Brent iyun. Kasama niya ang ama nito.

"Hi Brent!!"

"Mommy Daphne!"

Agad na tumakbo sa akin si Brent kaya agad ko namang niyakap nito. Napatingin ako kay Kuya Benjamin na nagsuot ng jacket nito.

"Umuwi na agad kasi si Claire kaya kailangan ko siyang puntahan doon. Pwede bang ikaw muna ang umalaga kay Brent..."

"Ay! sige po.."

Nakita ko ang pagngiti nito.

"Swerte si Blaze sayo...."

Sabi nito at nagpaalam na sa anak niya at umalis na.

Napatingin ako sa mga pagkain sa mesa. Ang iba dito ay pwede pang ilagay sa ref pero karamihan ay hindi na tatagal.

Napatingin ako kay Blaze na nakatingin lang din sa akin.

"Kaya mo pa bang magdrive ngayon sa labas. Masisira itong mga pagkain kaya ipamigay nalang natin. May alam ako kung saan ito pwedeng ipamigay, sayang kasi.."

"Of course...para sa asawa ko."

Napatingin ako kay Brent at nakangiti lang ito sa akin.

"Sasama ka ba baby..."

Sabi ko habang inipit sa mga palad ko ang cute na pisnge nito. Tumawa lang ito sa ginawa ko at tumango-tango.

Pinaayos na namin sa mga maid ang mga pagkain. Kinausap ko ang mga maid na bigyan ng mga pagkain ang mga guard na nagbabantay sa labas sa gate kaya tumango lang ito.

"Pati kayo kumain na ba kayong lahat.."

Nakita ko nagtinginan ang mga maids sa isa't-isa kaya napangiti ako doon.

"Kumuha kayo ng kahit ano mang gusto niyo roon. Maaarte ang mga kapamilya ni Blaze, mga pachoosy sa pagkain.."

Nagsitawanan lang sila sa sinabi ko.

"Naayos na ba yung mga pagkain na dadalhin namin..."

"Opo ma'am...para po ba saan po iyun?"

"Hmmm..sobrang dami kasing pagkain kaya ipapamigay koniyun sa mga nagtitinda sa labas-labas...sayang dun kasi ang mga pagkain..."

"Ang bait niyo naman po, swerte po si Sir sainyo at kami rin po kasi may mabait po kaming amo..."

"Awww na touch ako...sige na pala, pupunta na kami..m"

"Sige po ma'am..."

Pumunta na ako sa loob ng kotse kasama si Brent.

Si Blaze ang nagdrive at sinunod noya ang mga direksyon na sinabi ko. Nakarating kami sa mga maraming street vendor na lagi kong pinupuntahan noon at minsan din naman kapag nakakalabas ako sa mansion.

"Ate!! Kuya!!" Bungad ko sa kanila. Kilala na halos ako rito.

"Oh Daphne maligayang bagong taon saiyo.."

"Sa inyo rin po..."

Kinuha-kuha ko na ang mga pagkain at pinamigay ko na. Masarap sa feeling na namimigay ka at makikita mo yung ngiti nila na masaya sila doon.

Napatingin ako kay Blaze na namimigay din. Napangiti ako doon at pinanood ko silang dalawa ni Brent na namimigay. Sa ngayon ay ito ang pinakamagandang bagong taon sa akin. Hindi ko masabi ang dahilan pero eto talaga ang pinaka sa lahat.

...

..

..

Ang makitang nakangiti ang mga taong mahahalaga sa iyo ay kontento na ako doon...

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now