forty~~ plan?

3.2K 76 0
                                    

Daphne's POV

Nakatingin lang ako kay Jonathan na nakapormahan ang suot. Bakit siya nandito, diba pinapahinto ko na ito.

"Bakit ka nandito Jonathan, diba sinabihan na kita--"

Nabigla ako ng lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nabigla ako doon, pero mas nakakapagtaka ng may nakarinig na naman ako na 'click' kung saan, o sa isip ko lang talaga yun.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kita makita, gusto mo bang lumabas. Masyado ka nang nakulong sa mansion, baka gusto mong gumala..."

"Jonathan --"

"Tanggap ko na Alexis, bilang magkaibigan lang naman. Maaga din kita ibabalik, kape-kape lang naman sa labas. Huwag mo naman sana yun tanggihan."

Napatingin ako sa kaniya ng mariin. Bilang magkaibigan lang naman pala kaya sige, papayag na ako.

"Sige, magbibihis lang ako, teka-- si Cyn ba kasama?"

"O-Oo nandoon na nga siya sa coffee shop ko, hinihintay ka na"

"Talaga! Yung babaeng yun, marami kaming dapat pag-usapan. Sige pala, mag-aayos na ako"

Tumango lang siya at ngumiti. Maganda toh, magkikita-kita kaming tatlo.

Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko at nang ok na ako ay bumaba na ako. Nagpaalam ako kay Manang Celia at tumango lang siya. Parang may nararamdaman akong kaba na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko. Nakita kong naghihintay si Jonathan at may kausap ito sa cellphone niya.

"Oo.....linawan mo ang kuha....oo..."

Napatingin sa akin si Jonathan habang may kausap ito. Parang nawalan siya ng dugo sa mukha sa bigla at agad na binaba ang tawag.

"K-Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi, kakarating ko lang, so punta na tayo?"

"Yup!"

Habang nasa biyahe ay iniisip ko na ang mga sasabihin ko kay Cyn. Patay yun sa akin, hindi ko alam ang nangyayari sa buhay niya. Wala na kasi akong masyadong balita sa kaniya kaya wala akong kaalam-alam ngayon.

Napatingin ako kay Jonathan na seryoso sa pagmamaneho, naghihintay sa akin si Cyn. Pero teka lang, paano niya nakilala si Cyn. Pinakilala ko na ba siya kay Cyn, paano...

"Jonathan, paano mo pala nakilala si--"

"Alexis, masama kausapin ang taong nagmamaneho baka madisgrasya tayo."

Seryosong sabi nito kaya tumahimik nalang ako. Tama naman siya ehhh.

Napatingin ako sa cellphone ko na may tumatawag. Agad na napalaki ang mata ko ng makita ko ang caller name at si Blaze yun. Agad ko naman sinagot.

"Blaze? Hello?"

(Alexis, mapapaaga ang uwi ko, siguro 10 ay nandiyan na ako. Wala masyado akong gagawin at mga appointment kaya uuwi nalang ako. I miss you already...)

"Ah...ammm...sige"

(Nasaan ang ' i miss you too'..)

"Nasabi mo na, bye!"

Agad ko nang binaba ang tawag. Napatingin ako sa oras at 8:30 na.

"Jonathan, mabilis lang to ahhh. Uuwi na si Blaze, ayaw ko nang gulo kaya mabilis lang to"

"Sure..." sabi nito.

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko dahil eto na siguro ang dahilan kung bakit ako kaninang kinakabahan.

Nakarating kami sa coffee shop at parang walang tao. Pero nang makapasok kami doon ay nakahanda na ang lahat. Halos lahat ay napapalibutan ng mga balloons at flowers. Maganda ang set na ito para sa isang .......date.

Napatingin ako sa paligid nang kami lang ang nandito.

"Jonathan, nasaan si Cyn?"

"Hindi na siya makakarating. Siya yung kausap ko kanina."

"Bakit walang tao dito?"

"Totally, naka-close ito pero pinasadya kong buksan dahil sabi ko sayo ay magkakape tayo."

"Pero bakit maraming ganito?"

"M-May nagdate kasi dito pero hindi pa naaayos kaya nandito parin ang mga design, tara upo na tayo.."

Nakakarinig na naman ako ng mga click sa paligid kaya napatingin ako sa buong paligid. Pero wala naman akong nakikita kundi balloons at flowers lang.

Nag-order si Jonathan ng pagkain namin. Marami siyang in-order pero ako ay simpleng chocolate drink at chocolate cake lang. Kinakabahan kasi ako na para bang hindi ko maipaliwanag kanina, kanina yun pero ngayon. Alam ko na ang dahilan, dahil uuwi ng maaga si Blaze at kasama ko ngayon si Jonathan. Akala ko kasi nandito si Cyn. Nagmamadali akong inubos ang in-order ko para makauwi na ako.

"Alexis, pakinggan mo ang song sa cellphone ko..."

Naglabas siya ng cellphone at nagpatugtog ng music doon. Sweet music yun, kung kasama ko ngayon ay si Blaze ay baka sobrang kinikilig na ako pero si Jonathan ito.

"Jonathan, mabilis lang tayo dito dahil wala naman si Cyn. Kaya ako nagmamadali..."

Pero parang nananadya si Jonathan at mabagl siyang kumain. Ubos ko na yung cake at ang inuubos ko nalang ay ang inumin ko. Pero siya....wala pa siya sa kalahati. Tumayo na ako at humarap sa kaniya.

"Uuwi nalang akong mag-isa.."

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinaupo niya ako.

"Alexis, tinanggihan mo ang pag-ibig ko. Tanggap ko na yun, kahit masakit sa akin na mas pinili mo siya ay tanggap ko na, na hanggang kaibigan na nga lang. Sinasabihan mo akong tigilan ko na, tumigil na ako. Pero itong hinihingi ko sayo ay isang pagkain lang sa labas bilang kaibigan nalang ay ayaw mo, alam mo ba kung gaanong kasakit ang matanggihan sa lahat..."

Hindi ko alam kong sinasadya niyang magsalita ng mahaba para tumagal ang pag-uusap namin pero ang mga sinabi niya ay tavos sa puso ko. Ramdam ko ang bawat sakit sa lahat ng sinabi niya sa kin.

"Sorry kung yun ang nararamdaman mo, ayaw ko lang naman ng gulo. Ayaw kong magkaroon ng away sa pagitan niyo ni Blaze pero nangyayari yun sa tuwing nagkikita tayo. Alam kong seloso si Blaze, kaya ako na ang gumagawa ng paraan para walang away na maganap..."

Napatingin ako sa kamay niyang dumapo sa kamay ko. Napalaki ang mata ko na palapit na ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam pero naistatwa ako. Sobrang lapit na kaya agad akong lumayo pero kasabay ng paglayo ko ay ang sigaw mula sa gilid namin.

"Alexis!!!"

Napatingin kami doon at nandoon si Blaze. Punong-puno ng galit at sakit ang makikita sa mata niya. Napatingin ako kay Jonathan na nakatingin kay Blaze at may ngiti sa labi.

Teka....plano ba ito ni Jonathan?....

...

..

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now