Epilogue

6.2K 107 0
                                    

Blaze's POV

Napatingin ako sa mga litrato na kuha ko kay Alexis noon, lagi nalang ako pinagsasabihan ni kuya na masyado na akong baliw sa babaeng ito dahil pinipinta ko pa kasi at sinasabit sa kwarto ko.

Pero masaya ako na naging asawa ko siya, ako ang nakauna sa kaniya. Inayos ko ang mga nakakalat na gamit sa tabi-tabi. Dito kasi mahilig maglaro ang bata.

Napatingin ako sa inayos kong bulaklak. Pupuntahan ko kasi siya ngayon, siguradong naiinip na siya doon. Ilang taon na nga ba ang lumipas?

Wala na pala si Manang Celia dito, umuwi na siya sa probinsiya nila at doon na mananatili. Malungkot dahil napamahal na siya sa akin. Siya na ang tumayong nanay ko.

Nasa Mental Hospital si Claire at nagpapagaling, nakakalungkot din para kay Brent pero napapasaya naman siya ngayon ni Cynthia na bagong mommy niya. Pagkatapos na maayos ang divorce paper at hiwalay na sina Claire at Kuya ay nagpakasal sila ni Cyn. Masaya ako para sa kanila at sa mga anak nila.

At si Jonathan ay namatay ng mahulog sila sa talon. Tumama ang ulo niya sa mga bato roon. Naaawa ako kaniya dahil nagawa lang naman niya iyun dahil mahal niya ang asawa ko at nakita ko kung ano ang kaya niyang gawin para kay Alexis.

At si Alexis naman ay---

Shit!! Anong oras na, baka mainip na sa akin yun. Mainit kasi ang pwesto niya doon.

Agad na akong nagmadali at kinuha ang mga bulaklak at sumakay na kotse.

Habang nasa biyahe napapatingin ako sa mga bulaklak. Siguradong matutuwa siya dito. Sa tingin ko ay magugustuhan niya ito.

Nang makarating na ako ay agad kong pinark ang sasakyan at bumaba.

Napatingin ako sa malawak na damuhan. Saan ba siya ulit nakapwesto--

"Daddy!!!"

"Daddy!!!"

Agad akong napalingon sa dalawa kong anak, sina Alex at Alexa.

"Baby, alam niyo ba kung saan nakapwesto si mommy?"

"Lagot ka daddy, kanina pa yun naghibintay.."

Agad na kaming pumunta sa pwesto ni Alexis, patay ako nito.

"Alexis....."

...

..
.

"BAKIT NGAYON KA LANG!!!!!"





Daphne's POV

Napatingin ako sa malawak na damuhan. Nandito kasi ako ngayon sa lilim ng puno dahil yung una kong pinagpwestuhan ay mainit na. Natatawa ako kapag nakikita kong nagsisitawanan ang mga anak ko.

3 years old na sila ngayon, hindi ko inexpect na kambal ang anak ko kaya masakit manganak lalo na at normal delivery. Pero nang makita ko sila ay parang nawala ang sakit dahil nakita ko na ang mga anak ko.

Masaya akong makita silang masaya ngayon.

Ang tagal naman ni Blaze, ang sabi niya ay maaga siyang uuwi galing sa trabaho pero bakit ang tagal naman. Napatingin ako sa malaki kong tiyan.

Iisipin ng iba kapag naglakad ako sa palengke ay nagnakaw ako ng pakwan.

Ang pangatlong anak namin ni Blaze, naghahabol sa edad kasi si Blaze para daw makarami daw at nakatikim naman siya ng sapok doon.

Naalala ko na nahulog ako sa talon ay grabe talaga ang kaba ko nun walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Palubong na ako ng makita ko ang pagtalon pa ng isang tao bago ako nawalan ng malay.

Nagising nalang ako na nasa hospital na ako. Una kong nakita pagkagising ko ay si Blaze at sumunod na ang parents ko.

Natawa ako ng maalala ko ang pangyayari sa hospital, dumating kasi si kuya nun. Agad na lumapit sa akin si kuya at niyakap ako dahil sa pag-alala.

Dahil possessive masyado ang asawa ko at hindi niya pa nakikita si kuya ay bigla niyang hinila si kuya at kinuwelyuhan.

Kung hindi ko pa sinabi na kuya ay hindi bibitawan ni Blaze si kuya. Nakita ko sa pagmumukha ni Blaze na napahiya siya at humingi agad ng patawad kay Kuya at si Kuya naman ay masyadong OA at nagsumbong pa kina mama na tinawanan lang siya.

Pero kalaunan din naman ay magkasundo na sila. Nakakalungkot ng malaman ko na namatay si Jonathan dahil nabagok ang ulo niya dahil sa mga bato sa talon. Tumama ang ulo niya doon. Kahit na may ginawa siyang masama ay naging mabuti namna siya sa akin. Pero iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nalulungkot ako sa mga naiwan na kapamilya ni Jonathan.

Kinasal kami pagkalipas ng mga buwan ng malunod ako at ako ang pinakamasayang babae sa mundo.

At biniyayaan kami ng anak, kambal pa. Nagulat ako ng sabihin ng doctor na kambal dahil nang lumabas ang isa ay nakaramdam ako ulit na parang may lalabas pa. Gusto kasi namin ni Blaze na surprise ang gender ng anak namin. Maraming nagsabi na kambal ang anak namin dahil masyado daw malaki ang tiyan ko pero ang sinasabi ko lang na mataba ang baby ko pero deep inside of me ay kinakabahan ako na baka kambal nga.

Pero blessing din naman yun sa akin dahil masaya ako sa mga anak ko ngayon. Sana naman ay hindi ito kambal ulit. Isa-isa lang, pwede?

Napatingin ako sa kambal nang marinig kong tinawag nila ang daddy nila kaya alam kong nandoon na si Blaze, anong oras na?

Siya may sabi nitong picnic-picnic tapos siya ang sobrang tagal na dumating.

"Alexis...."

"BAKIT NGAYON KA LANG!!!!!"

Napakamot pa sa ulo ang magaling kong asawa. Mas lalo akong nainis doon.

"Dumaan kasi ako sa mansion at ammm flowers for you.." sabi nito at may inabot sa akin na bulaklak na galing sa likod nito. Kaya pala ang isa niyang kamay ay nasa likod.

"Ano ako? Mauuto mo sa mga bulaklak..." inamoy ko ang mga bulaklak at mababango sila at mga favorite ko pa...." pasalamat ka at asawa kita, hmmm..akin na nga yan.." sabi ko at inabot naman sa akin ng asawa ko yun. Kita ko na nakangiti na nag loko.

"Oo nga pala may reunion daw na magaganap, lahat pupunta kaya pupunta tayo sa bahay nina papa gaganapin, lahat ng kapamilya at friends ay pupunta..."

"Hmm ganun ba.."

Inakbayan niya ako ng may dumaang mga lalaki na napatingin sa akin. Napangiti ako ng lihim.

"Alex, Alexa. Yayakapin natin si mommy kapag may dumadaang mga guy dito para walang magkagusto sa mommy niyo,ok?"

"Opo!!!" Sabi ni Alex.

"Yup!!!" Sabi ni Alexa.

Napatawa ako sa sinabi ni Blaze, ilang taon na nag lumipas at may dalawang anak na kami at may parating pa na nasa tiyan ko, ganyan parin ang ugali.

Well, after all...

...........still, my possessive husband...





[A/N: end na po yan..well ang reunion naman ay gagawin ko pero special chapter na yun. All cast na sa lahat ng story na yun....hahahaha]

CS4: My Possessive Husband Kde žijí příběhy. Začni objevovat