twenty-three~~ struggles

3.5K 84 0
                                    

Daphne's POV

Napatingin ako sa pinto ng CR. Nasa loob kasi ako at kinakabahan akong lumabas.

Kasi maglulugay ako ng buhok at natatakot ako na baka may makapansin tapos pagsabihan ako.

Wala naman kasi akong panyo o scarf man lang. Kaya ang buhok ko lang talaga ang tangi kong pag-asa. Kapag pinagsabihan ako nito na magtali ay hindi ko parin gagawin. Bahala na kung matanggal ako basta hindi lang ito makita. Nagtanong kasi ako ng concealer sa mga kasama ko bahay pero lahat sila ay wala.

O sadyang ayaw na nilang magpahiram sa akin. Alam kasi nilang may asawa ako at yung hickeys ko. Mabilis kasing kumalat ang balita.

Lumabas na ako sa at lahat ng kasamahan ko sa trabaho ay halos nakatingin sila sa akin.

"Alex bakit ka nakaganyan? Oh gamitin mo muna itong pantali ko"

"Ok lang, kasi ayaw ko munang magganyan. Masakit sa anit."

"Pero required dito na magtali ng buhok. Gawin muna bago pa mapansin ng iba. Bahala ka kung ayaw mo"

Umalis na yung babaeng kasama ko sa trabaho kaya heto ako, binabaybay ang daan patungo sa pwesto ko.

Nakarinig ako ng bulungan pero hindi ko na pinansin pa. Patuloy lang ako sa trabaho ko, wala namang magagawa ang sinasabi nila sa akin.

Pansin ko ay halos lahat ng taong dumadating para mag-order ay sa akin tumatawag. Kakapagod nga pero dahan-dahan akong lumalakad baka kasing lumipad ang buhok at makita ang tinatago ko.

Kinuha ko na ang pinag-inuman ng mga taong om-order niyun. At dahan-dahan naglakad patungo sa lababo.

Nilapag ko na ang mga baso doon at aalis na sana ako ng makarinig ako ng usapan. Hindi ko ugaling makinig sa usapan pero nung marinig ko yung pangalan ko ay talaga nakinig na ako.

"Oo, papansin nga ehh"

"Baka yang Alex na yan ay nagpapapansin kay boss, lahat nh employee na babae dito ay nakatali ang buhok pero siya nakalugay pa. Nagpapaganda kay boss, tskk....malandi"

"Kaya nga, hayyy....ano kaya ang nakita ni boss kay Alex na yan..."

Pangatlong beses na bang nakikinig ako sa usapan ng iba at nakakaramdam ako ng sakit.

Umalis na ako doon at bumalik sa pwesto ko.

Nang tanghalian na ay nagsilabas lahat ng employee para kumain sa mga mesa dito. Kaya maiingay lahat pero tuwing mapapatingin ang ibang tumatawa sa akin ay tumatahimik. Kahit na hindi ko alam kung ano yun. Hayyy, miss ko na si Mitch. Ayaw ko muna kasi siyang tawagan kasi alam kong busy siya.

"Ang init-init Alex pero nakalugay ka, teka ayusin natin"

"Huwag!!!"

Pero huli na nang para masabi ko iyun dahil naitaas na ang buhok. Halos rinig ko ang pagkagulat ng mga kasamahan ko.

"Kaya pala nakalugay para hindi makita ang patunay na malandi talaga, tunay na malandi nohh. Sino kaya ang may gawa niyan, si boss ba o ibang lalaki"

Bulong lan yun pero rinig ko parin. Sadyang nagpaparinig lang sila. Agad akong tumayo at napatingin sa lahat. Yung tingin nila ay yung tingin na may nakitang nakakadiring bagay.

Hindi ako malandi!

Hindi!!!

Agad akong lumabas sa coffee shop at minsan pa ako lumingon doonnat kita ko ang pagkadiwang ng mga tao. Ayaw nila talaga sa akin.

Pinunasan ko ang mga luhang basta-bastang nagbagsakan. Masakit malaman na ayaw nila akong kasama, tinitiis lang nila ako doon. Wala na akong magagawa pa kundi umalis sa trabaho.

Bakit pa akong mananatili doon kung ayaw ng mga tao sa akin.

Sorry kay Jonathan pero ganun talaga.

Dumeretso ako sa bahay at napatingin ako sa mga taong nadadaanan ko. Pati rin ba dito ay ganun ang tingin nila sa akin.

"Girl, Grabe si Alex...may asawa na pala pero nagpapa-date sa ibang lalaki.."

"Sino? Yung pumunta dito nung nakaraan pa?"

"Oo..."

"Grabe naman, sinasabay.."

Dumeretso na ako sa kwarto ko. At agad akong humiga sa kama. Doon ako humagulgol ng iyak. Halos lahat ng tao na nakilala ko dito ay sa una lang mabait. Hindi ko inaasahan na ganito pala sila.

Pumunta ako sa CR at naghilamos ng mukha kasi mukha na akong sabog.

Pagkalabas ko sa pintuan ng CR ay may kumatok sa pinto kaya agad akong nagpunas ng kamay at pumunta na sa pintuan para buksan iyun.

"Oh, kayo po pala.."

Siya yung may-ari ng paupahan dito..

"Ano pong kailangan niyo--"

"Lyn, eto yung kwarto, ano eto na ba?"

Nagtaka ako sa sinabi niya, may babaeng pumasok sa loob at tinignan ang buong kwarto, sa tingin ko ay siya si Lyn.

Lumapit ako sa may-ari ng bahay.

"Ano pong nangyayari, bakit pong--"

"Pasensiya na Alex pero kailangan munang magbalot-balot at umalis dito, mas malaking magbayad siya at ikaw naman ay hindi ka pa nabibigay ng share mo sa pagbayad ng tubig."

"Wala naman po kasi kayong sinasabi na kasama po yun sa babayaran..."

"Ngayon sinasabi ko at huli na para doon, gusto ni Lyn ang kwartong ito kaya wala na akong magagawa kundi paalisin ka..."

Napatingin sa akin ang may-ari ng bahay at bumaba ang tingin niya sa leeg ko at napailing.

Napahawak ako sa leeg ko.

"Sige na Alex, umalis ka na..."

Umalis na yung babaeng Lyn at sumunod ang may-ari ng bahay. Sinarado ko na ang pinto.

Napahawak ako sa pisnge ko na basa iyun. Agad kong pinunasan ang mga luha ko doon.

Wala akong bag o anuman. Wala pa akong pera kasi ayaw ko nang bumalik sa coffee shop para kunin ang huling sweldo ko. Buti nalang at may plastic at doon ko nalang nilagay ang mga damit ko.

Lumabas na ako ng kwarto, nasa bulsa ko ang cellphone ko.

Halos ng madaanan ko ay nakatingin sa akin at nandidiri. Wala na akong pinansin pa doon.

Ngayon ay nasa kalsada na ako, palakad-lakad. Pinupunasan ko ang mga luha sa aking mga mata.

Napatingin ako sa kotseng basta-basta nalang huminto sa harapan ko. Bumukas ang pinto nun at nasa loob niyon ay si Blaze.

"Pumasok ka na Daphne, sumama ka na sa akin"

Napatingin ako sa kanya at sa hawak ko. Nagdadalawang isip pa ako kasi ayaw kong sumama sa kanya at ang mga nangyari sa akin ay mga pagsubok lang yun, mga struggle sa buhay, pero sa bandang huli ay binitawan ko na ang hawak ko at pumasok sa kotse niya....

..

...

CS4: My Possessive Husband Où les histoires vivent. Découvrez maintenant