thirty-four~~ lunch date

3.2K 81 0
                                    

Daphne's POV

"Anong nangyayari dito?!"

Napatingin kaming pareho ni Katie sa nagsalita, nandoon ang may-ari ng kompanya na ito. Ang lalaking dinalhan ko ng pagkain.

Napatingin ako kay Katie na bigla nalang ngumiti ng ubod ng tamis at lumapit kay Blaze na ngayo'y nakaupo na sa swivel chair niya.

"Mr. Frederick, may basta-basta nalang pumasok ditong babae at dinalhan kayo ng cheap na pagkain. Total Mr. Frederick ay lunch na ay sa baba nalang po kayo kumain, maraming pagkain po ngayo'y niluto, sasamahan ko po kayo kaysa sa..."

Tumingin sa akin si Katie at tinaasan pa ako ng isang kilay.

" maid niyo pong ito na nagpapansin sa inyo..." Tumingin si Katie kay Blaze ng mabanggit niya ang 'sa inyo'.

"Halika na po sir, bumaba na po tayo.."

Napatingin ako ng masama kay Katie ng kumapit pa siya sa braso ni Blaze. Naningkit ang mata ko sa ginawa niya.

Nagulat naman si Katie ng inalis ni Blaze ang kamay nito sa braso niya. Tumayo si Blaze at lumapit sa akin.

"She's my wife, Katie. Hindi ako bababa dahil may pagkaing dala ang asawa ko.." sabi ni Blaze na nakatingin sa akin bago lumingon kay Katie. Nakita ko sa mukha ni Katie ang gulat at galit, napangiti ako ng lihim. Dahil nakatingin si Blaze kay Katie at hindi sa akin, ay nilabas ko ang dila ko at pinakita ko iyun kay Katie na ngayo'y inis at galit na ang makikita sa mukha niya.

"Ikaw nalang Katie ang pumunta sa baba dahil dito na kami kakain ng asawa ko, sige na...." mahinahong sabi nito sa kaniya bago humarap sa akin. Agad akong umayos, napatingin sa akin si Blaze at sa dala ko. Nakita niya siguro na mabigat ang dala ko kaya agad niya itong kinuha.

Napatingin ako kay Katie at sinenyasan siya na umalis na. Binigyan niya ako ng nakakamatay na tingin bago umalis. Napatawa ako sa loob-loob ko.

"Niluto mo ito..." Napatingin ako kay Blaze ng binuksan niya ang tupperware na may lamang adobo. Inamoy niya pa iyun.

"Oo naman, dapat magpasalamat ka kasi nilutuan kita..."

"Salamat..." sabi nito na nakangiti. Parang nahiya agad ako dahil sa suot namin ay mukha talaga akong maid niya.

"S-Sige lang...ammm.." nilabas ko na ang lahat ng laman ng plastic bag. Inayos namin yun sa mesa. Tumayo saglit si Blaze para kumuha ng tubig namin at bumalik din agad.

Nagsimula na kaming kumain pero pinauna ko muna siya dahil gusto kong malaman sa kaniya kung masarap ba o hindi. Sinasabi ng mgq kasama ko sa mansion at ni Manang Celia na masarap daw ang luto ko pero parang mas maniniwala ako kapag si Blaze na ang nagsabi.

"Hmmm...." yun lang ang sabi niya habang nginunguya niya iyun. Napatingin siya sa akin at ngumiti..

"Masharap..." sabi niya habang may laman ba ang bunganga niya ng pagkain. Parang nabuhayaan ako doon. Hindi ko alam pero mas panatag ako kapag si Blaze na ang nagsasalita. Siguro, dahil sa kaniya talaga ang niluto ko na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit. Trip kong lutuan siya....

Maganang kumakain si Blaze. Hindi parin ako kumakain at nakatingin lang sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at nilunok ang kinakain nito.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Baka maubusan kita. Mas masarap ang luto mo kaysa sa canteen dito..." napangiti ako sa sinabi niya at kumain na rin.

Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan kami. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari doon sa baba at tinawanan niya lang ako.

"Huwag kang mag-aalala at sasabihin ko sa lahat na papayagan kang maglabas masok dito sa kompanya dahil sa atin toh...." sabi niya at sumubo ulit.

"Sayo lang ito, Anong akin ka diyan.." sabi ko at sumubo ulit ng pagkain.

Nilunok niya muna ang kinakain niya bago siya nagsalita.

"Asawa kita kaya lahat ng meron ako ay sayo din.." sabi nito at tinitigan ako. Napatingin naman ako sa kaniya.

Napangiti ito at napailing bago kumain ulit. Kahit ako ay naguluhan doon kaya kumain nalang ulit kami. Nang matapos na akong kumain ay inayos na namin yun. Nagpahinga muna ako sa sofa doon sa tabi. At siya naman ay bumalik sa mesa niya at nagtrabaho na rin.

Dati ay hindi ko na siya nasasabayan magbreakfast at sa lunch lang kaming sabay pero nagbago na yun. Sabay kaming nagbre-breakfast pero hindi naman sa lunch. Sadyang mahalaga ang oras kaya nilulubos niya.

"Anong oras kang uuwi?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin.

"Gusto mo na bang pauwiin ako?" Sabi niya na nakangisi sa akin. Agad naman akong nainis doon.

"Anong pauwiin? Loko ka!!"

Tumawa lang ito sa sinabi ko bago tumingin sa orasan na nakasabit sa pader.

"Siguro..mga four na"

"Ahhh sige, ammm uuwi na ako.."

"Uuwi ka na...ihatid na kita.."

"Hindi na, may kasama akong isang guard kaya ok na..."

"Ahhh sige, salamat ulit sa lunch date.."

"Anong lunch date ka diyan?!"

"Lunch date nga, nakakatuwa ngang pumunta ka pa dito para doon, huwag kang mag-alala dahil babawi ako kapag ako na ang nagyaya para doon"

"Ewan ko sayo, anong lunch date ka diyan?! Alis na nga ako!"

Tumatawa lang siya kaya inisnaban ko nalang siya at kinuha ang plastic bag. Mabuti nalang at magaan na iyun dahil naubos talaga ni Blaze, siya lang ang maraming kinain sa aming dalawa ehh.

Halos lahat ng madadaan ko ay binabati ako na kanina lang ay hindi. Siguro inanunsyo na, na asawa ako ni Blaze kaya sa bawat dumadaan at binabati ako ay nginingitian ko lang sila. Parang noon lang sa mga kompanya ni papa at kuya. Ganun lang ang nangyayari.

Malapit na akong lumabas sa kompanya ni Blaze ng may nakabungguan ako sa pinto. Mabuti nalang at nakaplastic ang dala ko at yung babae naman ay naka-bag lang.

"Ah shit!" rinig kong sabi niya kaya humingi agad ako ng tawad, nang humarap na siya sa akin ay laking gulat namin pareho.

Si Claire yun, bakit siya nandito sa kompanya ni Blaze.

Aalis na sana ko nang tinawag niya ako.

"Daphne, pwede ka bang makausap?"

....

...

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now