twenty-five~~ Jason Hunt

3.6K 73 0
                                    

Daphne's POV

Bigla ako napabangon ng parang may nahulog sa sahig, kaya agad kong tinignan kung ano yun.

Charger lang pala ng cellphone ko.

Napatingin ako sa paligid na parang nasa ibang lugar ako. At ngayon lang agad na rumehistro sa utak ko na nasa mansion na pala ako ni Blaze.

Nasanay kasi ako doon sa inuupahan ko.

Agad kong dinampot ang cellphone ko at agad na binuksan yun.

What the fuck! 10:00 am na. Dati nagigising ako ng mga 5 am. Siguro wala kasing maiingay dito. Hindi ko na namalayan na ganun ako katagal magising. Wala kasi ang alarm clock ko ehh...

Pumunta muna ako sa isang pinto kung saan nandoon ang CR. Agad akong naligo at nang tapos na ako ay pinalibot ko ang tuwalya sa katawan ko at pumunta sa isang pinto kung saan nandoon ang mga damit at kung ano-ano pa.

May sarili pala akong TV dito pero hindi ko naman halos binubuksan kasi ayokong manood. Parang nawalan na ako ng hilig manood..

Nang lumabas na ako sa kwarto ay katahimikan ang bumungad sa akin. Doon sa tinutuluyan ko ay mga ingay ng tao ang bubungad sa pagkalabas mo ng kwarto. Yung may nagsisidaan-daan at ang tsismisan ang bubungad pero dito ay tahimik.

Naglakad na ako papuntang sala. Sobrang laki ng bahay kaya malayo-layo.

Habang papunta ako sa sala ay may naririnig akong usapan at palakas ng palakas yun.

Nang makarating ako doon ay isang mestisong lalaki na nakaupo sa sofa habang may kausap sa cellphone nito. Nasaan si Blaze?

"Yahh, hahahaha...men, ang tagal mo. Nandito na ako sa bahay mo...pauwi ka na..sige...ano?, anong huwag kung gagalawin?.....bahala ka sige, hintayin nalang kita.."

Binaba niya na ang tawag. Nabigla ako ng lumingon siya sa kinaroroonan ko. Nakakunot ang noo nito kaya agad akong nagsalita..

"Amm, hindi ko sinasadyang makinig sa usapan ng kausap mo. Ano-ammm may hinahanap lang ako at..--"

"Aksidenteng narinig mo"

"Amm, yun nga. Pasensiya..."

"Hmm? Ikaw siguro yung sinasabihan niyang huwag gagalawin. Hahaha, yung lalaking yung talaga.."

"Ganun ba, ahh sige balik lang ako sa--"

"Wait! Hindi pa ako nagpapakilala.."

Lumapit siya sa akin at tinaas ang kamay niya at inaalok ang kamay kong makipagshake hands.

"Jason Hunt, and you?"

Hinawakan ko ang kamay niya at sinabi ko ang pangalan ko.

"Daphne Alexis Monteverde Clarkson--"


....

...

"FREDERICK!  Daphne Alexis Monteverde Clarkson-Frederick. At bitawan mo ang kamay ng asawa ko you fucker!!"

Agad akong napatingin sa pintuan at doon nakatayo si Blaze na may dalang briefcase. Nakasalubong ang dalawa niyang kilay. Ako na ang naghila sa kamay ko palayo kay Jason.

"Dude!! Ang bilis mo ahhh kausap lang kita kanina lang"

Nilapag ni Blaze yung dala niya at lumapit sa akin. Nabigla pa ako ng halikan niya ako sa pisnge at lumapit kay Jason. Hindi ko alam kung anong gagawin niya dahil hindi parin ako makagalaw ng halikan niya ako sa pisnge. Parang normal lang na halikan niya ako sa harap ng iba.

"Anong ginagawa mo rito Jason?" Tanong ni Blaze kay Jason na ngayo'y nakaupo ulit sa sofa.

"Syempre binisita ang matalik kong kaibigan na kasal na pala at hindi agad akong nasabihan. Alam mo bang nakaready na ang tuxedo ko kapag ikakasal na tapos etong kasal na, saan ko na yun gagamitin"

"Kapag namatay ka"

"Fuck you!"

"You're not my wife.."

"Huh? Gago, ibang 'fuck' ang ibig kong sabihin!!"

Napakunot ang noo ko sa topic nila. Ganito lang ba talaga silang dalawa. Walang kwenta amg usapan.

Aalis na sana ako ng hawakan ni Blaze ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. May kinuha siya sa bulsa niya at agad na pinakita sa akin. Kung may nararamdaman lang ako sa kanya ay bibigyan ko siya ng mahigpit na yakap dahil sa pinakita niyang diamond ring pero wala ehhh...

Parang kadena ang nakita ko ng sinuot niya iyun sa ring finger ko.

Nag- 'awww' pa si Jason na nasa harap namin. Kung wala lang mga maid sa paligid at si Jason ay binatuhan ko na ito ng vase si Blaze.

Alam ko kung bakit niya ako sinuotan ng singsing para wala nang lalapit sa akin.

"Huwag mong tatanggalin yan ahhh" sabi niya pa at hinalikan ang kamay ko. Namula pa ako sa ginawa niya kaya binaba ko na ang kamay ko sa gilid at hinarap namin si Jason.

"Nagpapainggit ka ba bro, purket na kasal na ay nagpapainggit na. Hmm atleast natupad na rin ang gusto mo"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jason.

"Anong, anong sinabi mong--"

"Kumain ka na ba?" Singit na tanong ni Blaze sa sinabi ko. Halatang ayaw niyang pag-usapan ang sinabi kanina ni Jason.

Umiling lang ako.

"Kakagising ko lang kasi.."

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Blaze at hinila agad ako.

"Hindi ka pa pala kumakain, magtatanghalian na. Kumain ka na pang-breakfast at mamaya yung lunch. Hindi pwedeng hindi ka kumain..."

Hinila niya ako sa kusina at pinaupo ako sa mesa. At may kinuha siya sa ref at nilagay sa microwave.

Napatingin ako kay Jason na tumatawa sa aming dalawa ni Blaze.

He mouthed,.... 'Ang OA'

Nagkibit balikat nalang ako sa inakto ni Blaze. Minsan ang OA, minsan masungit, minsan possessive, minsan makulit...paiba-iba ang mood niya. Daig niya pa ang buntis.

May nilagay siyang pagkain sa harapan ko galing sa microwave.

"Kumain ka na, bago lumamig ulit. Pangit na ang lasa kapag pinainit ulit.."

Kumain nalang ako baka kung ano-ano pa ang sabihin niya. Nahihiya na ako sa ginagawa ni Blaze pero pansin ko sa kaibigan niya na ang friendly. Sana may ganun akong kaibigan, well meron ako na sina Cyn, Mitch at Jonathan pero ang bond nina Blaze at Jason ang gusto ko.

Ilang minuto ko palang nakikilala si Jason pero magaan na ang loob ko sa kanya.

"Huwag mo siyang isipin, ako ang isipin mo!"

Sabi ni Blaze na kinabigla ko.

Kahit ba naman sa pag-iisip ko ay kontrolado niya.

Naiinggit lang naman ako sa kaniya ehhh...mabuti nga siya may Jason ehh..

Kainis talaga si Blaze.....

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now