forty-two~~ forgiveness

3.5K 85 0
                                    

Blaze's POV

Napatingin ako sa gate na nilabasan ni Alexis. Gusto ko siyang habulin pero tama na muna ang paghabol.

Masaya sa nangyari sa amin ni Alexis, natutuwa ako ng ako angbuna niya. Nang makatanggap ako ng message sa kanino man ay sinabi doon na may lalaki ang asawa ko kaya dapat ko nang iwan. Nagsend din siya ng picture na nasa kotse si Alexis at kasama si Jonathan. Nasa labas yin ng gate namin kaya nagmumukhang hinatid siya nito. Ang damit ni Alexis ay parehas na nasa baba ng kama kaya kanina lang yun nnagyari pero wala akong pakealam nun dahil masaya parin ako sa nangyari sa amin ni Alexis.

Nang nasa trabaho ako sa kompanya ko ay nakatanggap ulit ako ng picture ni Jonathan at Alexis at ang masakit doon ay nagdadate sila. Bakit sila nagdadate doon at kita ko ang ngiti ng hinayupak na yun habang hawak ang kamay ng asawa ko.

Hindi ako nakapangtimpi pa ng puntahan ko ang lugar dahil tinext din ng unknown number ang lugar.

Nakarating ako doon na malapit ang mukha sa isa't-isa at mukhang maghahalikan pa. Doon na ako napuno at hindi ko na alam ang pinaggagawa ko.

Galit ako sa lalaki ni Alexis at pati na rin sa kaniya na hindi ko man lang nilingon ang bawat tawag niya sa akin.

Pumunta ako sa office ko at doon na uminom pa. Lahat ng sakit ay nilulunod ko nalang sa alak pero hindi man lang ako nalasing.

Nagpasama ako kay Katie na mukhang go sa lahat ng gusto ko. Gusto kong ipamukha sa asawa ko na hindi lang siya ang kayang manglalake dahil kaya ko rin na mangbabae pero sa bawat lapit ni Katie at hindi ko rin kayang gumawa ng kalokohan kaya umuwi nalang ako at sumalubong sa amin ang magaling kong asawa at nagsalita ng kung ano-ano sa Secretary ko. Napuno ako doon dahil anong karapatan niyang magalit ehh siya itong gumawa ng mali.

Galit ako sa kaniya kaya nagsabi ko ang mga nasabi ko na at tuluyan na siyang umalis.

Lumakad na ako papasok sa pinto ng maramdaman ko na nakapalibot pa din ang braso ni Katie sa akin. Agad ko yung tinanggal at humarap sa kaniya.

"Magcommute ka na pauwi o ipapahatid na kita sa mga guards "

"But baby--"

"Leave! Now!"

Hindi ko na initindi ang mga sinasabi niya at pumasok na sa kwarto ko na kahit ang boses ni Manang na tinatawag ako.

Dumeretso ako sa kama at tuluyan nang humiga. Pero kahit na ang antok ay wala. Agad akong umupo at pumunta sa kusina at nagtimpla ng kape. Laging maingay ang mansion dahil sa boses ni Alexis pero ngayong wala siya ay tahimik ang buong paligid, nagsinungaling akong inaayos ko na ang mga divorce paper dahil wala naman. Siguro sadyang dala ng galit ko sa kaniya nang sinabi ko yun.

"Iho, alam kong may problema kayo ng asawa mo pero nalulutasan yan ng matinong pag-uusap. Ganyan talaga kapag nagmamahal, nasasaktan...ikaw talaga..."

"Nagmamahal?"

"Ano pa nga ba ang tawag sa inyo. At saka umamin na sa akin ang asawa ayy kayo talaga.."

"Umamin?"

"Na mahal ka niya, ano pa nga ba ehh mag-asawa kayo. Matatanda na kayo dapat marunong kayong umunawa sa isa't-isa. Hindi nadadala ang lahat sa away dahil kapag nadala ka ng emosyon lao na ang galit ay baka may masabi ka ng mga salita na pagsisihan mo sa huli na nagbanggit mo sa kaniya iyun...oh siya, baka gising pa yun sa kwarto niya at magbati na kayo..."

Hindi alam ni Manang na pinaalis ko si Alexis..

Pinaalis....

Gusto kong sapukin ang sarili na kung bakit ko siya pinaalis..

Agad akong pumunta sa labas at sumakay sa kotse ko. Nagtataka sa akin si Manang dahil basta ako lumabas pero wala na akong pakialam dahil may pupuntahan pa ako...

"Sorry.....gagawin ko ang lahat at mapatawad mo lang ako. Papakinggan na kita ngayon...."
















Daphne's POV

Napatingin ako sa buong bahay namin. Nasa labas parin ako, namimiss ko na sina mama at papa. Kinakabahan ako pero nagdoorbell na ako. Ang bumukas ay ang mga maid na kahit sila ay gulat din dahil gabi na ay nandito ako.

"Yaya, sino yan--anak..oh my! Ikaw nga!" Sumalubong sa akin si mama at agad naman akong niyakap. Nang nasa bisig niya na ako ay agad akong napaiyak na agad naman na nahalata ni mama.

"Anak, anong problema?"

"Galit siya sa akin...hindi ko na alam ang gagawin ko.." wika ko habang pinupunasan ang mga luha na walang tigil pa ding bumubuhos. Nakarinig ako ng mga nagmamadaling yapak na palapit sa amin.

"Bakit umiiyak ang anak ko! Sa lalaking yun ba!! Aba pupuntahan ko yun.."

Napatingin ako kay papa na malapit ng lumabas sa pinto kaya hinabol ko siya at hinawakan sa kamay. Humarap naman ito sa akin kaya agad ko siya niyakap.

"Sorry pa dahil hindi ako nag-iingat, nadismaya ko kayo. Alam niyong marami pa kayong gustong mangyari sa akin at maging matagumpay pero eto ako ngayon, nakasal na ng hindi man lang alam."

Naramdaman kong yumakap din ang mga braso ni papa sa akin.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko, malaki ka na nga gaya ng sabi ng mama mo. Hindi parin kasi ako makapaniwala na kasal ka na at malaki ka na at matanda na kami...." sabi ni papa at mas nalungkot pa siya ng sinabi niyang matanda na sila.

Napatawa ako sa sinabi niya at yumakap ulit kay papa.

"May nagawa akong kasalanan sa asawa ko kaya galit siya ngayon sa akin.."

"Mukhang napamahal ang anak ko sa asawa niya..."

Hindi ako sumagot at yumakap nalang kay papa. Nakarinig ako ng tawa mula sa kaniya.

"Mukhang magagalit si Black kapag ganun, pero eto lang ang maipapayo ko. Napagdaanan na namin yan ng mama mo at isa lang ang solusyon diyan. Pag-usapan niyo lang ng masinsinan..."

"Sana ganun kadali..."

Napatingin kami ng may nagdoorbell sa gate kaya inutusan ni papa na pagbuksan iyun at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nandoon.

Nandoon si Blaze at may dalang......

....

..bulaklak?.

Bakit siya nandito? Akala ko ba ay galit siya sa akin?.

..

..

CS4: My Possessive Husband حيث تعيش القصص. اكتشف الآن