twenty~~ attraction

3.4K 75 0
                                    

Daphne's POV

Another day!

Siguro isang linggo na ang lumipas. Nasanay na ako sa ingay ng mga kasama ko sa ibang kwarto. Morning alarm clock ko na sila sa paggising.

Pero nakakaramdam ako ng lungkot. Sana nandito si mama at papa. Namimiss ko na sila, nakakapagod na din na ganito nalang ako.

Kahit nasasanayan ko na, iba parin yung dati kong pamumuhay.

Sabado at Linggo ay wala akong pasok doon. Kaya ngayon ay naglalaba ako ng mga damit. Sinama ko na rin ang punda at kumot ko. Kahit na ang bedsheet ng kama ko.

"Uy! May tao dito ohh!!"

"Alangan namang hayop yan"

Napapailing nalang ako sa ingay talaga ng mga kasama ko.

"Sinong hinahanap mo kuyang pogi!!"

"Si Alex.."

Napatawa nalang ako sa mga tao dito. Nakakatawa kasi sila.

"Ahhh si Alex, doon sa likod naglalaba.."

Napakunot ang noo ko ng familiar ang boses nung lalaki at Alex....

Alex?

Shit! Ako pala yun. Minsan kasi nakakalimutan kong ako yun. Kaya hindi ko pinapansin minsan.

Agad akong nag-ayos, nagpunas ako ng kamay at itatabi na sana ang nilalaba ko ng makita kong nakatayo medyo malayo sa akin si Jonathan.

"Oh ikaw pala Jonathan, mamaya pa ako pupunta sa coffee shop mo para kumuha ng sahod ahh. Napadalaw ka.."

"Ako na mismong pumunta sayo para iabot na mismo sayo."

"Ay! Nakakahiya namang ikaw pa ang pumunta dito ehhh ikaw ang boss ko"

"Nahhh...ok lang at saka kapag wala tayo sa trabaho ay hindi mo ako boss. Ako si Jonathan na kaibigan mo"

"Ohh sige, amm naglalaba kasi ako."

"Ok lang, baka naistorbo ka rin. Sige mauna na ako. Kita nalang tayo sa coffee shop sa lunes..."

Tumango nalang ako.

Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang tumunog yun. Inaasahan kong sina mama at papa o si kuya. Pero nang makita ko kung sino yun ay si Blaze lang.

Nag-text siya sa akin. Hindi ko na sanang babasahin pero dahil sa curiosity ko ay binuksan ko na.

'Pinapaalala ko lang sayo Alexis, na ako ang asawa mo. Na may asawang naghihintay sayo. Tandaan mo yun...'

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. May tupak na naman siguro yun. Hmm...kung makasabi ay kulang nalang ay hindi ako makisalamuha sa mga lalaki. Kung makaasta ay talagang asawa ko. Well, asawa ko naman siya sa papel. Sa papel lang....hindi ako basta-basta magpapatali sa taong hindi ko ganuung kakilala. Manigas siya kung sasama ako sa kaniya.

Ilang araw na ang lumipas at ganito nalang ang nangyayari sa akin. Nakakasawa na din. Minsan ay umiiyak ako sa gabi dahil sa kamiserablehan ko. Hindi ako lumaki ng ganito lang. Pero wala akong magagawa kung ang pamilya ko ay pinalayas ako. Kahit alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit pero nakakalungkot lang talaga.

"Alex, ayos kalang ba?"

Napatingin ako kay Jonathan na nakatingin sa akin. Kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Nakakalungkot lang kasi dahil ang buti ng turing niya sa akin. Pero heto ako at nagsisinungaling sa kaniya. Gusto ko mang-aminin sa kaniya ang totoo ay hindi ko magawa dahil baka magalit siya at tanggalin niya ako sa trabaho. At kapag nawalan ako ng trabaho ay hindi ko na alam pa kung anong mangyayari sa akin.

"Alex! Kanina ka pa tinatawag nung mamang yun sa pinakadulo."

Napatingin ako sa nagsabi sa akin ng katrabaho ko. Mukhang natulala na talaga ako.

Agad akong lumapit sa lalaking nagsenyas sa akin. Ngayong nasa tabi niya na akonay nakayuko na siya.

Nakatingin lang siya sa menu na hawak niya.

"May napili na po ba kayo?"

"Eto ba?"

Napakunot ang noo ko sa familiar na boses pero pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho.

"Ano pong eto ba? May napili na po ba kayo--"

"Eto ba Alexis ang gusto mo? Eto ba ang gusto mong gawin? Ang magtrabaho para mabuhay? Ang tumira sa isang mumurahing lugar?"

Umangat ang mukha niya at tinanggal nito ang shades na suot nito. Hindi ko pinakita sa kaniya ang pagkagulat. Pormal lang.

"Bakit hindi ka makasalita? Kinakausap kita.."

"Amm, may problema po ba sir?"

Napatingin kaming pareho ni Blaze sa bigla nalang nagsalita sa likod namin.

Si Jonathan iyun.

Lumapit sa akin si Jonathan at hinawakan ako sa braso.

"May problema po ba dito sir sa employee ko?"

Napatingin ako kay Blaze at kita ko ang pag-igting ng panga niya. Alam kong magagalit siya dahil ilang beses niyang tine-text sa akin na huwag akong makipag-usap o ano man sa mga lalaki.

Nakatingin sa braso ko si Blaze. Brasong hawak ni Jonathan. Kaya pasimple kong tinanggal iyun. Para namang hindi magkaroon ng gulo rito.

"Wala naman, nagtatanong lang ako ng magandang drinks dito.." sabi ni Blaze na nakatingin parin sa braso ko. Pinaalis na ako ni Jonathan at siya na ang kumausap kay Blaze. Kahit na kinakabahan ako at ayokong iwan sila doon ay hinayaan ko nalang.

Mukhang normal lang ang nangyari dahil walang gulo.

"Grabe nohhh, lapitin talaga si Alex ng mga gwapong lalaki."

"Kaya nga..." hindi ko na pinansin ang mga bulungan na naririnig ko at nakatingin lang ako kay Blaze na nakatingin lang din sa akin. Hindi ko nalang pinahalata.

Pero aaminin ko sa sarili ko na nabuhayan ako. Nung makita ko siya, parang nawala yung pagod ko pero ramdam ko pa rin ang kaba pero mas nanunuot ang saya sa akin.

" Eto ba yung order niya? Ako na!" rinig kong sabi ng kasama namin. Yung sinasabi nila ay yung order ni Blaze kaya napataas ang isang kilay ko.

"Ako na kasi ako na yung kumuha ng order niya kanina..." kahit na si Jonathan na ang kumuha.

"Ako na Alex, gusto mo sayo na lahat ng gwapo ehhh, magtira ka naman..."

"Ahh...ammm...geh"

Pinanood ko nalang sila na dalawa pa talaga ang nagbigay ng order kay Blaze. Kita ko ang pagkailang ni Blaze na kinatawa ko. Siguro inaasahan niyang ako ang magbibigay.

"Alex..."

Ang cute niyang tignan lalo na yung pagkunot ng noo niya. Tapos yung porma ng pakaupo niya ay parang nagpopose siya sa isang pictorial. Lahat yata ng galaw niya ay perpekto sa kaniya.

"Alex...."

Sarap niyang asarin..

Lagi kasing kumunot ang noo niya kapag inaasar siya. Kahit na ganuun ay nakakaakit parin...

"Alex.."

Nagulat ako nung hinawakan ako sa balikat. Napatingin ako sa likod ko na si Jonathan yun.

"Kanina pa kita tinatawagan, mukhang natulala ka na diyan kasi."

Napalaki ang mata ko na marealize kong nakatingin na ako kay Blaze habang pinupuri siya.

MY GOD!!!

Masama na ito....hindi....hindi.....

Hindi dapat ako ma-attract sa kaniya!!!

Hindi!!!!

CS4: My Possessive Husband Место, где живут истории. Откройте их для себя