twenty-six~~ Brent

3.3K 86 0
                                    

Daphne's POV

Ilang araw na akong nandito sa mansion ni Blaze. At ang alam ko lang ay maaga siyang umaalis papunta sa trabaho niya at uuwi siya mga tanghali na. Hindi kasi niya daw kailangang tumagal sa kompanya niya dahil umaangat naman yun kahit wala siya doon ng buong araw. Ok lang naman sa akin na nandoon siya ng buong araw o doon muna siya matulog o ano man pero isa lang lagi ang sagot niya.

"Dahil gusto kong may nakalaang oras sa asawa ko"

Yun lang.

Hindi ko alam kung bakit siya ganuun o ano man. Bakit niya ginawa ito, hindi ko na alam...

Pero ngayon, maaga akong nagising. As in maaga talaga para maabutan siya. Hindi sa gusto kong maabutan siya dahil ammm trip ko lang. Sa tingin ko ay nagbibihis siya sa kwarto niya kaya bumaba ako. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at pumunta sa labas ng mansion at umupo sa bench doon habang tinitignan ang mga bulaklak.

Medyo madilim pa at malamig ang simoy ng hangin. Malapit na palang magpasko. November 30 pala ngayon, hindi ko namalayan ang mga araw dahil sa mga nangyari sa akin.

Nakarinig ako ng mga yapak mula sa pinto at huminto ang mga iyun. At maya-maya lang ay nakarinig ulit ako ng mga yapak pero mukhang palapit na sa akin.

"Bakit ang aga mong magising? Madilim pa ahh, dapat natutulog ka pa.."

"Wala lang, gusto ko kasing maagang magising ngayon, hindi ko alam"

"Baka naalimpungatan ka.."

"Huh?"

"Wala, ammm...sige, kailangan ko nang umalis.."

Napakunot ang noo ko dahil hindi pa siya kumakain. Hindi ba siya kumakain o nagkakape man lang bago pumunta sa kompanya niya. Hindi sa nag-aalala ako sa kaniya amm ano, dapat kasi ay kumakain ng breakfast. Magkasabay kaming kumakain ng lunch at dinner pero hindi ang breakfast. At ngayon ko lang nalaman na hindi siya nagbre-breakfast at hindi iyun maganda.

"B-Blaze!!"

Tawag ko sa kaniya na malapit ng pumasok sa kotse niya.

"Ano, amm" Napatingin ako sa hawak kong malaking mug at inangat ko sa kaniya iyun. Nakita ko ang pagkakunot ng noo niya na nakatingin sa mug na may kape at tumingin sa akin.

"Nagpapakuha ako ng kape kapag na sa office na ako..." sabi niya na nakatingin sa akin. Parang nawalan ako ng kaluluwa at napatingin sa mug. Binaba ko na yun, nakakahiya kaya napayuko na ako.

Tanga mo talaga Daphne, boss siya doon, kaya pwede siyang magpakuha ng kape.

"Yung Secretary ko ang inuutusan ko sa pagkuha ng kape ko.." sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at laking gulat ko nalang na palapit na siya sa akin.

"Pero, nandiyan ka, inaalokan mo ako niyan at sino naman ako para tanggihan ang asawa ko.."

Lumapit siya at hinawakan ang kamay kong hawak ang mug at uminom doon habang nakatingin sa akin. Umiinom siya pero ang paninhin niya ay nasa akin. Dinilaan niya pa ang pinag-inuman niya. Napatingin ako sa kaniya at pansin ko ang paglapit ng mukha niya sa akin.

Magrereact na sana ako pero huki na dahil naglapat na ang mga labi namin. Gusto ko siyang itulak pero iba ang ginawa ngbisa kong kamay dahil nakapalibot na iyun sa leeg niya at ang isa kong kamay ay nakahawak pa din sa hawakan ng mug na may kape.

Humiwalay agad ako dahil kinakapus na ako. Napatingin ako kay Blaze na nakangiti lang at nakatingin sa akin.

"Hmm, parang mas gusto ko ang kape dito kaysa sa kompanya." Sabi niya at uminom ulit sa mug ko.

"Am....baka late ka na doon..ammm"

Nakangiti lang siya at hinalikan ako sa noo bago siya umalis. Ramdam ko ang pagkamula ng pisnge ko, mabuti nalang at medyo madilim pa at hindi niya iyun nakita. Nakarinig ako ng tunog ng paalis na sasakyan at alam kong si Blaze iyun at nakaalis na ito.

Napatingin ako sa mug at uminom doon. Naalala kong uminom din dito si Blaze. Napalunok ako ng dahan-dahan at iniisip kung paano siya uminom dito kanina. Talaga bang dinilaan niya iyun.

Ayaw ko namang sayangin ang kape kaya inubos ko na iyun.

Nagtagal pa ako dito sa bench hanggang sa lumiwanag na kaya pumasok na ako at dinala ang mug sa lababo at pumasok na sa kwarto para makaligo.

Habang nasa ilalim ng shower ay naalala ko ang naganap kanina lang kaya agad kong nilakasan ang shower dahil nakaramdam ako ng init. Tinodo ko ang lakas ng shower na parang nasa malakas ako na bagyo.

"Umayos ka....umayos...huwag kang OA, hindi mo first time, wala na ang first time mo"

Pero sa tuwing lumalapat ang labi niya sa labi ko ay para laging first time naming humalik. Pinatay ko na ang shower at lumabas na roon. Nakabalot sa akin ang tuwalya habang papunta sa isang kwarto na puno ng mga damit ko at ano man.

Nang makaayos na ako ay lumabas na ako sa kwarto at habang papunta ako sa sala ay naririnig ko ang ingay. Hindi ang ingay na lagi ko naririnig, kundi ingay ng isang bata. Ngayon ko lang narinig...

"Nasaan si Daddy!!!!Daddy!!!!"

"Nasa trabaho pa Brent iho, hintayin natin siya ahhh"

Brent?

Daddy??

Nasa trabaho pa, si Blaze ba ang sinasabihan nung bata. Napatingin ako sa bata at medyo makamukha sila.

May anak si Brent?

Paano?

Amm, ano...bakit pala hindi niya sinabi? Alam ko namna kung paano nabubuo nag bata.

Hindi niya sinabi sa akin na may anak siya tapos pakakasalan niya ako. May pamilya na pala siya.

Ang malamang may anak siya sa ibang babae ay parang tinusok ng milyong-milyon ang puso ko.

Napatingin sa akin ang bata at napangiti ito. Parang nawala ang lungkot sa puso ko sa ngiti ng bata. Tunay ngang nakakapawi ng lungkot ang mga bata pero hindi parin mawala sa isip ko kung ganito itong galing...

"Sino ka po?"

"Ammm...ako ang--"

"DADDY DALE!!!!!!"

Napatingin ako kay Blaze na kakarating lang at may dala pang briefcase. Nakatingin siya sa bata at sa akin, ako naman sa kaniya at sa bata.

May pagkahawig sila at masasabi kong mag-ama nga...

..
...

CS4: My Possessive Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon