two~~ love life?

7K 133 0
                                    

Daphne's POV

Nagising ako sa mga ingay sa baba. Parang may naghahabulan na ewan. Agad akong bumangon at tumingin sa bintana. Napalaki ang mata ko ng makita ko ang family van nina Kuya Damon. Kaya agad akong pumasok sa CR at nag-ayos ng sarili.

Kailangang mabura ang mga make-up na nilagay niya. Napatingin ako sa cellphone dahil siguradong tutunog ang notification ko sa messenger dahil ganun talaga ang dalawang yun.

Pero agad akong nalungkoy ng maalala ko ang kagabi. Yung natuklasan ko ang mga pagpepeke nila sa akin. Agad na akong lumabas sa pinto.

"Aww....where's tita?!" Rinig ko ng sigaw ni Scarlett..

"Sinong love si Tita!!" Sigaw ko ng makababa ako sa hagdan.

"Me!!!!"

"Me!"

Agad na naunang tumakbo sa akin si Scarlett bago si Sean. Agad nila akong niyakap ng sobrang higpit.

"Miss you na tita!"

"Oww, miss ko rin ang mga baby pamangkin ko.." binigyan ko sila ng kanya-kanyang halik sa pisnge.

Napatingin ako kay kuya na kausap sina mama.

"Baby laro muna kayo doon, mag-uusap lang kami ni mama mo.."

Sinamahan naman sila ng mga maid doon kaya agad na akong lumipat sa pwesto ni Ate Syrene.

"Oh Daphne, kamusta ka?"

"Eto, ganito lang.."

"Siguradong meron ka na?"

"Oo, nagkakaroon pa naman ako, ikaw ahh hindi pa ako menopausal nohh"

"Hindi yun, ang gusto kung sabihin ay may love life ka na ba?"

"Amm...wala pa, pihikan kasi ako.."

Yan lang ang lagi kong dahilan sa bawat nagtatanong sa akin. Dahil hindi ko rin alam kung bakit, hindi sa desperada ako na maghanap ng lalaki pero minsan ay inaalam ko kung ano bang meron sa akin para tumagal naman ang mga lalaki sa akin.

Naniniwala ako na ang sex ay nagaganap lang sa dalawang kasal na, sa mga nagdaang boyfriend ko ay yun pang ang hanap sa akin. Hindi ako ganuung klase ng babaeng ibibigay na. Hello....hindi naman na boyfriend mo nga yung tao ay kayo hanggang huli. Parang tikiman lang kayo tapos adios...

Hindi ako ganuun, gusto ko ibibigay ko lang ito sa taong makakatuluyan ko. Kahit mahilig ako sa bar o kung saan man ay hindi ako nagpapagalaw. Nakahalik na ako, oo sa mga nagdaang boyfriends ko pero gusto nila mas higit pa doon. Eh sa ayaw ko, edi nakikipagbreak na ako. Inuunahan ko na sila magbreak dahila alm kong hindi naman sila tatagal.

"Daphne, alam mo maraming lalaking maghahangad ng isang katulad mo. Kahit hindi mo siya hanapin, kusa siya darating sayo..."

"Talaga?"

"Oo, ganun ko nakilala ang kuya mo, kahit na maraming nangyari na dati ay hindi ko ginusto, yung nakita mo pa....mga hindi inaasahang pangyayari ay eto ako masaya ako. Kaya alam kong may tamang araw para sayo...darating siya at magsasama kayo..."

Napangiti ako sa sinabi ni Ate Syrene.

"Sana nga, sana nga talaga....dahil sa totoo lang, sa edad kong ito ay mukhang mahihirapan na ako. Dapat sa edad kong ito ay may anak na ako pero heto, parang tatandang dalaga na ako. Isa rin sa mga naging boyfriends ko kaya kami naghihiwalay ay dahil sa edad ko.rin siguro....gusto nila ay mas bata...."

"Huh?! Hindi ka pa nga mukhang matanda, para sa akin ay mukhang kalang 22 promise..."

"Yun nga ehh, mukha akong bata kaya nagkakaroon ako ng boyfriend pero kapag nalaman nila ang real age ko, ayun adios na"

"Marami pa namang lalaki sa mundo kaya may isang nararapat sayo..."

"Yahhh..."

Napatingin ako sa mga batang naglalaro ng jackstone. Napapangiti ako kapag nakikita ko silang tumatawa, mahilig kasi ako sa mga bata, kaya nung nalaman ko yung ginawa ni Eris kay Jacob ay salute ako sa kanya. Hindi ko talaga mapaniwalaan ang ginawa ni Eris. Hindi siya mahilig sa mga bata pero heto siya...may bata na, kambal pa...

Ang bilis talaga ng panahon na kailan lang ay naglalaro pa kami nina kuya at Eros kasi si Eris ay nagbabasa lang ng libro.

Pero ngayon, may kanya-kanyang buhay na. Naiwan na ako....

Kailan kaya ako magkakapamilya, pero gusto ko ay dito kami sa bahay titira kasi malaki naman ito, kung gusto ng magiging asawa ko at ng parents ko ay palalakihin pa ito. Dahil ayaw kong iwan sina mama at papa. Gusto ko kasama ko sila sa bahay.

"Ate sana lahat ng mga sinabi mo ay matupad, dahil kapag tumuntong na akonsa edad na 35 ay parang paghihinaan na ako ng loob nun..."

"Hmmm....dati kasi yung mga kaibigan ko ay nagboboyhunting sila na huwag mong gagawin ok? hindi mo dapat gawin iyun dahil mga desperada sila. Pero ikaw, maraming maghahangad sayo kahit hindi mo gawin iyun...ikaw pa ba?"

" yahh, siguro...tara na at kakain na daw.." rinig kong sabi ni mama at Kuya Damon. Kaya tumayo na kami at pumunta na sa hapagkainan. Habang ang mga bata ay naglalaro, nauna na kasi silang kumain daw sa bahay nila.

Ngayon ay lima kami dito sa mesa, ako, sina mama at papa, at sina ate at kuya. Nakakailang din kasi nakatingin sila sa akin, si Ate at papa ay sa pagkain lang ang atensyon pero ang pamilya ko ay sa akin..

"Anak, may ipapakilala ka na ba sa amin..."

"Wala pa.."

Napatingin ako kay mama at kuya na nakatingin sa akin.

"Kuya, ma, pihikan ako sa ganyan...gusto niyo na agad akong magpakasal.."

"Hindi ka na kasi bata Daphne? Ang gusto lang ni mama ay may kasama ka..."

"Kasama ko naman kayo at saka kusang darating sa akin kung sino mang lalaki yan"

Napatingin ako kay Ate Syrene na nakangiti sa akin. Pero si papa naman ay tumingin sa akin.

" alam mo Daphne, masyado ka paring bata para magkaasawa agad--aray"

Napatingin ako kay mama na hinampas siya kasi sa sinabi nito.

"Ikaw talaga lalaki ka, kaya hanggang ngayon ay wala paring asawa itong si Daphne kasi binababy mo parin.."

"Bakit? Babygirl ko si Daphne..."

"Asuuusss..."

"Ma, alam kong darating siya, gaya ng sabi sa akin ni Ate Syrene ay darating din ang lalaking parin sa akin, kusa siyang darating sa akin..."

Natahimik nama sila sa sinabi ko kaya kumain na ako, kahit na nanghihinayang na rin ako......

...

.

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now