twenty-nine~~ New Year (part 1)

3.2K 87 0
                                    

Daphne's POV

Ilang linggo na ang lumipas pero hindi ko parin makalimutan ang nangyari na parang kahapon lang.

Anong klase siyang ina na para pabayaan ang anak niya. Mukha namang mabait si Kuya Benjamin pero ang asawa nito ang problema. At sa tingin ko ay may gusto ang Claire na yun kay Blaze.

Lahat ay busy dahil maraming pupuntang bisita daw at dito kasi gaganapin ang New year. Nakausap ko naman si Blaze na doon magpasko kina mama at papa na pinayagan naman niya. Pero puro ilangan lang ang nangyari. Si mama at Ate Eris lang ang halos nakausap ko at bati na ang mga bata.

Sa tingin ko ay hindi parin nila tanggap ang nangyari sa akin. Pero ngayon ay dito ako magbabagong taon. Maraming ang bisita, teka nandito rin sina Claire, may bwisita din.

"Ma'am, ano pong gusto niyong ilagay na dekorasyon sa pinto?..."

"Ok lang kahit na ano, kago na ang bahala.."

"Sige po..."

Sa tagal ko dito ay parang nasasanay na ako sa paligid. At lalo na kay Blaze, mabuti na ang pakikitungo ko sa kanya pero kapag gumawa siya ng katangahan ay bahala siya.

Siguro sa kwarto lang ako kapag marami nang bisita dito kasi hindi ko naman sila kaano-ano. Sa balcony nalang ako at papanuodin sila. Hindi naman nila makikita kong may tao sa balcony ko hindi nakabukas ang ilaw doon.

Ayaw ko lang makisalamuha sa mga taong hindi ko kaano-ano, at sa pamilya pa ni Blaze.

Wala dito si Blaze, nasa kompanya niya pero sabi niya sa akin ay maaga siyang uuwi.

Ok lang naman sa akin kung anong oras siya makakauwi. Pero nakakapagtaka lang kasi linggo ngayon at hindi siya pumupunta sa kompanya niya tuwing linggo kaya anong gagawin niya doon. Hmmm...gusto niya lang umalis para ako ang istorbuhin ng mga designers dito. Aba, yung lalaking yun talaga ahhh...

Gusto ko sanang makasama ngayon ang mga kaibigan ko pero alam.kong may kanya-kanya silang kasama sa bagong taon.

Pumasok na ako sa kwarto ko at kumuha ako ng malapad na kumot. May natuklasan akong pwedeng puntahan kaya hindi na ako sa balcony mamaya magtatambay.

Sa mismong bubong ng mansion, nang wala si Blaze ay sinubukan kong gumala-gala sa buong mansion at nung pumunta ako sa balcony ay nakita kong pwedeng akyatin doon ang bubong kaya sinubukan ko at ayun na nga, maganda ang view doon kasi nakikita ko ang buong lungsod. Doon nalang ako tatambay kapag marami ng fireworks, maganda ang view.

Hinahanda ko lang ang dadalhin ko doon. Hindi pwede itong kumot kaya kukunin ko nalang ang teddy bear para may kayakap ako kasi malamig doon. Bahala sila kong hanapin nila ako, mas maganda mga yun.

Maganda kasi dito kasi flat ang bubong niya na pwedeng paghigaan at siguro blanket na maliit lang ang dadalhin ko,maganda magstar gazing dito. Dito nalang ako buong magdamag kapag marami nang bisita.

********

Halos lahat ng makita ko sa paligid ay puro nag-uusap na tao, nakasimpleng dress lang ako at nang makita ko si Claire ay tinignan niya ang simula ulo hanggang paa.

"Tsk, gold digger..." rinig kong sabi niya bago umalis. Aba! Hindi ako gold digger, kung alam niya lang kong ano ang totoong ugali ko ay hindi ganitong simpleng dress ang isusuot ko, pang-royalty dress ang isusuot ko. Nagsearch ako sa pamilya niyang Galvez at isa ang nalaman ko, na mas angat pa kaming Clarkson sa Galvez sa usapang kayamanan. Tsk!

Kasama ko sa tabi ko si Blaze at sa tuwing may dadaan sa harapan namin ay pinapakilala niya ako, patay ako nito. Pinapakilala niya na ako sa buong pamilya niya kaya mahihirapan akong makawala sa kanya. Napangiti ako ng makita ko si Brent na nakaupo lang sa isang tabi at may kinakaing biscuit.

Nakasimangot siya habang kumakain nun na sa tingin ko ay ayaw niya. Nakatingin siya sa mga pagkain sa mesa.

Kinausap ko si Blaze na pupuntahan ko si Brent dahil mag-isa lang siya. Nakita ko ang galit sa mukha ni Blaze dahil mag-iza na naman si Brent at nasaan ang ina niya, syempre nagmamayabang na naman kung saan-saan.

Wala daw si Kuya Benjamin kasi nandoon sa ibang bansa, kasama ang papa niya. Ibig sabihin ay si Claire at si Brent lang ang pumunta. Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Blaze para ligawan noon si Claire.

"Hi Brent!!"

"Mommy Daphne!" Binitawan niya ang biscuits na hawak niya at yumakap sa akin. Parang lumambot ang puso ko sa ginawa ng bata.

"Kamusta ka dito?"

"Ok naman po.."

"Bakit yan ang kinakain mo? May pagkain sa mesa.."

"Sabi ni mama, huwag daw ako kukuha kasi nakakahiya daw..."

Napatingin ako sa mga mesang may pagkain, wala masyadong kumukuha ng pagkain at halos lahat ay busy sa kausap, puro wine lang ang hawak nilang lahat.

Hinawakan ko ang kamay ni Brent at lumapit doon sa mga mesang maraming pagkain at kumuha ako sa kaniya.

"Gusto mo nitong ice cream?"

"Opo!!"

"Ok...eto na.."

Masayang kumakain si Brent, nakakainis lang kasi biscuit lang ang kinakain niya. Unti-unti na akong naiinis kay Claire.

Napatingin ako sa pinto ng nakita kong pumasok doon si Kuya Benjamin at lumapit sa amin.

"Papa!!!"

Masayang lumapit naman ang ama sa anak niya. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa dahil pupunta na ako sa tambayan ko kasi malapit nang mag-12.

11:30 pm na.

Kumuha ako ng ice cream at pumunta na sa hinanda ko sa taas.

Bahala sila kung hanapin nila ako. Nang makarating ako doon ay kitang-kita ko ang liwanag ng lungsod.

Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng kaluskos at nang napatingin ako doon ay nakita ko si Blaze na palapit na sa akin. Paano niyang nalaman na nandito ako, sa tingin ko ay ako palang ang pumunta dito.

Nakakunot ang noo ko na napatingin sa kaniya. At ngayon ko lang napansin na may dala siyang pagkain. Bakit nandito siya? Paano ang mga bisita niya doon? Hindi pwedeng iwan sila doon...

Paano niyang nalaman na nandito ako?.....

....

..

CS4: My Possessive Husband Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt