eleven~~ familiar eyes

5.4K 108 0
                                    

Daphne's POV

Napahawak ako sa ulo ko, sa lahat ng mga nangyari ay hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Napatingin ulit ako sa marriage certificate, kinuha ko ulit iyun at chineck ang lahat na baka hindi naman ito totoo. Pero tulad lang ng sabi nung ano ulit ang name niya, Dale Blaze Frederick nga...

Yun yung nakasulat dito ehhhh...

Dale, tunog pambabae para sa akin kaya Blaze nalang. Bwenas na Blaze yun.

Ngayon ay hindi ko alam kung makakauwi pa ako. Ayokong pumunta kina kuya baka malaman niya na o baka alam niya na. Papagalitan nila ako. Pupuntahan ko nalang si Cyn.

Palabas na ako ng building ng kompanya ni papa ng mapatingin ako sa suot ko.

Pupunta ako sa kanila ng nakaganito lang? Hmmm, bahala na...

Pumara agad ako ng taxi at ng sasakay na ako ay may basta nalang may bumuhat sa akin. Para akong sako kung buhatin ng sino mang lalaking ito.

"BITAWAN MO AKO!!! SINO KA!!! BITAW!!!"

"Gusto mong bitawan kita habang buhat kita, sige"

Nabigla ako ng lumuwag ang pagkahawak noya sa akin kaya muntik na ako mahulog.

"BWISIT KA!! HINDI KO NAMANG SINABING BITAWAN MO AKO BASTA-BASTA!! teka.....kilala kita ahhh! IBABA MO AKO BLAZE!!!!!"

Agad niya akong binaba at doon ko lang napansin na nasa harap na ako ng kotse niya.

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Ehh malapit lang naman ang tao."

"Para ibaba mo ako.."

"Sakay..."

"At bakit ako sasakay diyan sa kotse mo huh? At bakit mo ba ako basta-basta binubuhat ng ganun. Alam mo bang nakadress ako."

"Ihahatid kita sa pupuntahan mo at alam kong nakadress ka, sinigurado kong wala nakakita sa pagmamay-ari.."

Nabigla ako sa diin ng sinabi niya.

"Amm, anong pagmamay-ari diyan...hmm?"

"Alexis, asawa na kita alam mo ba yun?"

"Asawa lang sa papel, kung totoo yun. Hindi kita kilala, sa daming nangyari ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi nga ako makauwi dahil magagalit na naman si papa kapag nakita niya ako. Hindi mo ba iniisip na maraming magagalit. Bakit mo ba ginawa yun ahh. Alam mo ba ang mga pinaggagawa mo..."

"Ayaw ko lang may gumalaw sa pagmamay-ari ko..."

"Na-possess ka ...."

"Sayo..."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya sa mga pinaggagawa niya. Hindi ko talaga siya kilala.

Pero wala na akong magagawa pa dahil ayaw ko namang gumawa ng iskandalo dito. Ayaw ko nang magalit pa ulit si papa.

Sumakay nalang ako sa kotse niya at siya naman ay naiwang nakatayo sa labas. Binuksan ko ang salamin at napatingin sa kanya.

"Hindi ka papasok?"

Ngumisi siya sa sinabi ko at lumapit pa ang mukha sa akin.

"Syempre papasok..."

Napakunot ang noo ko na parang dalawa ang ibig niyang sabihin. Baliw na siguro ako.

Habang nagbibiyahe ay hindi parin ako mapalagay. Like hello....asawa ko na itong katabi ko. Alam kong naghihintay lang ako ng kapartner in life pero gusto ko muna ay yung boyfriend-girlfriend thingy pero iba ang nangyari. Naging advance masyado, asawa agad.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Cyn..."

"Sinong Cyn? Lalaki?"

"Kaibigan ko at hindi lalaki. Yun yung nakasama ko sa bar. Bat ba tanong ka ng tanong?"

"Dahil hindi ko alam kung saan tayo pupunta. Unless kung gusto mong iuwi na kita."

"Gusto mo bang makatikim ng asawa?"

Tumingin naman sa akin si Blaze at bumalik ulit sa daan pero kita ko ang pagkapula ng tainga niya. At ang pagkakurap-kurap ng mata niya.

"B-Bakit, magpapatikim ka ba?"

"Oo, asawang sampal at suntok.."

"Yun yun..."

"Oo..."

"Nevermind..."

Napangisi ako ng hinayaan ko siyang magdrive lang pero pansin kong paikot-ikot lang kami. Kaya agad ko siyang kinausap.

"Bakit parang pabalik-balik lang tayo?"

"Hindi mo pa sinasabi ang direksyon ng tinitirahan ng kaibigan mo."

"Akala ko ba alam mo?"

"Bakit kaibigan ko ba?"

"Kainis...ano deretso diyan tapos...."

Saan nga ba siya nakatira...

"Tapos ano?"

"Ammm...teka tawagan ko siya....huwag ka ngang ngumisi diyan. Ano naman kung hindi ko rin alam. Kabanas toh..."

Nang magtext na si Cyn at sinabi nito ang address niya ay agad ko na nang sinabi kay Blaze.

May kalayuan din pala ang bahay ni Cyn, pero nakakasama ko siya sa pagjogging. Ang weird lang hahahha.

Napatingin ako kay Blaze na nakatingin lang sa daan. Hindi ko alam kung papaano kong sasabihin kay Cyn itong lalaking ito. Alam kong siya yung nagbigay sa amin ng wine na yun.

"Bakit mo nga pala ako ng binigyan ng wine. Alam mo ba ang presyo niyon para ibigay lang sa kin..."

"I don't mind kung gaano iyun kamahal..."

"Huh? Talaga lang huh?, siguro may nilagay ka doon..."

"Kung may nilagay ako doon ay sana hindi ka nandito..."

"Bakit? Saan mo ako ipupunta..."

"Sa bahay lang..."

"Alam mong hindi mo ako pagmamay-ari..."

"Asawa na kita kaya sa akin ka na..."

"Walang sino man ang nagmamay-ari sa sarili ko kundi ako lang. Wala kang karapatan, hindi kita kilala at yung nangyaring iyun ay pwede kita ipademanda dahil lasing ako nung mangyari iyun. Wala ako sa sarili ko para magpakasal sayo. At bakit naman ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala, huh?"

"Ipapademanda mo ako? Hindi mo magagawa?"

"At bakit?"

"Dahil ayaw mong magalit ang magulang mo, mahirap ako kalaban Alexis, at alam mo yun"

"Oh ano man, mahirap man o hindi ay kakalabanin kita.."

"Kahit ikasira ng dangal ng pamilya mo....at saka Alexis, kilala kita. Kilalang-kilala kita.."

"At saan naman mo ako nakilala?"

Hindi siya sumagot at huminto na ang sasakyan. Napatingin siya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at hindi ko sinasadyang napatingin ako sa mata niya. Sa familiar niyang kulay ng mata na hindi ko na alam kung saan ko nakita. Sa dami kong nakilalang tao ay hindi ko na alam pa kung saan pero etong mata ito ang nagbigay sa akin ng pansin.

Dahil parang nagtagpo na noon ang mga mata namin na hindi ko na maalala.

Napatingin nalang ako sa labas at nakita kong nandoon na pala si Cyn at kinakawayan ako. Napatingin naman ako kay Blaze..

Paano ko siya ipapakilala kay Cyn?

...

..

CS4: My Possessive Husband Donde viven las historias. Descúbrelo ahora