fourteen~~ disguise

4.2K 110 0
                                    

Daphne's POV

Nang mahatid na ako ni Blaze ay hindi na ako nagpaalam sa kanya. Ayaw ko muna siyang pansinin.

Nang makapasok na ako sa bahay ay walang sumalubong sa akin, kahit nga mga maids wala.

"Ma....nasan kayo?"

Baka nasa kwarto nila, kaya agad na akong pumunta sa kwarto nila at kumatok pero wala. Kaya bumalik nalang ako sa sala. Tinext ko si mama na nandito na ako sa bahay.

Nakarinig ako ng tunog mula sa kwarto ko kaya agad na akong umakyat at nakita ko doon si papa at si mamang pinipigilan siya.

"Demon, ano yang ginagawa mo diyan? Bakit mo kinandado ang pinto ng kwarto ng anak mo. Bakit mo yan ginagawa?!"

"Miles, para sa kaniya rin ito. Kailangan niya nang matuto sa buhay. Yang may asawa na siya ay dapat doon na siyang tumira. Matanda na si Daphne, masakit sa akin na wala na yung baby girl ko dahil may asawa na siya pero hindi naman iyun mapipigilan."

"Demon, alam mo na pwedeng magdemanda si Daphne ng kaso diyan kay Mr. Frederick na yan. Yung lalaki ang may mali--"

"May mali man o wala, dapat niya iyung sulusyonan. At saka, matanda na nga si Daphne at dapat sa edad na iyun ay may asawa na siya"

"Anong ibig mong sabihin huh?"

"Mananatili na doon si Daphne at kailangan niyang mabuhay ng may asawa. Alam.kong kaya niya iyun. Siya pa ba..."

Napahawak ako sa bibig ko at dahan-dahang umalis, papunta sa sala. Hindi ko in-expect na ganun pala si papa. Gusto niya lang na may matutunan ako, pero may sakit din akong naramdaman dahil sa narinig kong matanda na ako. Oo na matanda na ako...

Napatingin ako kina mama at papa. Nakita kong biglang nagbago ang mukha ni papa mula sa kalmado sa naging istrikto. Lihim akong napangiti..

"Doon ka na tumira sa bahay ng asawa mo.."

"Bakit pa?"

"Dahil doon ka na nararapat, nandoon ang asawa mo kaya doon ka. Makinig ka sa sinasabi ko Daphne..."

"A-Ayaw niyo na po ba sa akin?"

Medyo napaluha ako sa part na sinabi ko iyun.

Nakita ko na nagbago ang mukha ni papa na mula sa strict ay napunta sa pagkaawa.

"Hindi naman ganun, ang gusto ko lang ay gawin mo ang nararapat. Matanda ka na Daphne, act at your age"

"Bakit ganyan kayo! Puro kayo matanda na ako! Matanda na ako! Eh ano naman? Ehh ganito ako bakit hindi niyo tanggap?"

"Kasi anak, gusto ko ay may makasama ka kung sakaling--"

Hindi na natapos ni papa ang sinasabi niya dahil alam ko naman yun. Napatingin ako kay mama na tumango lang sa akin. So payag sila na doon ako tumira sa bahay ng asawa ko.

"Geh na anak, sundin mo nalang ang papa mo"

Napayuko ako, si mama ay sang-ayon sa sinabi ni papa kaya wala na akong magagawa pa. At alam ko naman na gusto nilang may matutunan ako mula roon. Para naman ito sa ikakabuti ko kaya kahit ayaw ko ay sige, papayag na ako.

Hindi na ako sumagot at tumalikod na sa kanila. Habang naglalakad ay napatingin ako sa reflection nila mula sa salamin ng bintana. Nakita kong nagpunas si papa ng luha sa kanyang mata.

Eto ang ayaw ko kaya ayaw kong mag-asawa. Ayaw kong nakikita na ganun sila, ayaw kong iwan sila. Ayaw ko ng ganun.

Pero sila na ang nagsabi sa akin kaya anong magagawa ko. Bago ako makaalis mula sa gate at napatingin ako sa kanila at sa buong bahay.

Pangako, hindi ko kayo bibiguin. Kaya ko ito, kaya ko itong mag-isa. Nang makalabas na ako sa gate ay nag-iisip na ako kung saang apartment akong tutuloy.

"Hey..."

Nagulat ako ng makitang nandoon si Blaze na nakasandal sa pader ng gate namin.

"Masaya ka na, pinalayas na ako sa bahay. Kaya ko na mag-isa dahil matanda na ako. Oh ano, masaya ka na?"

"Hindi...."

"Kasalanan mo ang lahat!"

Nagsimula na akong maglakad. Napatingin ako sa likod ko nang makitang nandoon si Blaze at sumusunod sa akin.

"Bakit ka sumusunod huh?"

"Dahil kailangan, dahil asawa kita."

"Asawa sa papel, kaya huwag mo akong masundan-sundan. Dapat ba lahat ng ginagawa ko ay alam mo huh?"

"Oo, dahil asawa mo ako"

"Tigilan mo nga yang asawa mo ako, asawa mo dahil wala akong pakialam diyan.."

Hindi niya na akong pinansin. Binilisan ko na rin ang paglakad at salamat naman ay hindi niya na ako sinusundan. Nakarating ako sa park, umupo nalang ako sa bench doon at tinignan ang mga tao sa park.

Hmmm, wala na dito yung pulubi.

Napatingin ako sa may bandang dulo ng park, may binabato sila na nasa sako na ewan. Medyo naglakad ako palapit doon.

Bakit nila binabato ang sako?

Habang palapit ako kay naririnig ko na ang tawanan ng mga batang nasa 13 o 15.

Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng daing. Kaya agad akong lumapit doon at habang palapit ako ay nakita kong may tao sa sako. Mukhang doon na nagtatago.

Nang makarating ako doon, ay babatuhin na sana nung bata yung pulubi ng agad kong napahawak ang kamay niyang may bato pa.

"Bakit kayo nanakit huh?, alam ba yan ng magulang niyo huh? Alam niyo bang nakunan ko kayo ng video.." pakita ko sa cellphone ko kahit wala naman talaga, panakot lang naman sa kanila.

"Kitang-kita ang mga ginagawa niyo at kitang-kita kayo roon, kapag pinakita ko ito sa mga magulang niyo at sa ibang tao ay huhusgahan kayo. Mali yang ginagawa niyo... ma-matanda na kayo para hindi alam ang tama at mali. Doon na kayo.."

Kita ko ang takot nila pero hindi parin sila umaalis.

"Sorry po, hindi na po uulitin. Burahin niyo lang po video.."

"Buburahin ko yun kung hindi niyo na yang uulitin.."

"Hindi na po.."

"Sige umalis na kayo, buburahin ko iyun.."

"Sige po, Salamat po..." at agad na silang tumakbo palayo. Pumunta ako doon sa pulubi at tinanggal ang sako. Siya yun......yung lalaking may kakaibang mata.

"Ayos lang po ba kayo..."

Tumango lang siya at nang inangat niya ang mukha niya ay napatingin ako sa mata niya. Ang familiar na mata niya na parang may kahawig.

Parang......parang si Blaze.

Baliw naman kung siya ito..

"Salamat....."

Napalaki ang mata ko sa narinig ko. Kaboses niya pa..

Agad akong napahawak sa balbas niya at agad na hinila.

"Blaze!!!!"

...

...

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now