twenty-four~~ mansion

3.4K 83 0
                                    

Daphne's POV

Nakatingin lang ako sa bintana habang nagmamaneho si Blaze. Kinakausap niya ako kung OK lang ako o ano man. Nakita niya daw kasi akong lumabas sa coffee shop na umiiyak at doon na nga sa inabutan niyang dala ko lahat ng damit ko.

Hindi nalang ako nagsalita kasi kasalanan niya iyun. Dahil sa hickeys na nilagay niya ay ang daming taong naghusga agad sa akin.

Kapag may nagawa kang tama ay walang nakakapansin. Kapag nakagawa ka naman ng mali ay makikita nila, kasama na ang huhusgahin pa nila. Ganoon ang sitwasyon dito at tulad din ng iba.

"Alexis, kinakausap kita, ano na?"

"Pwede bang tumahimik ka muna, nag-iisip pa ako na pwedeng isabi sa sinabi mo.."

"Ahh ok"

Bahala siya..

Kung kaya ko ay hindi talaga ako sasama sa kanya pero heto ako kasama siya. Baka pwede namang subukan din.

Iniisip ko ngayon ay si Jonathan na hindi ako nakapagpaalam. At hindi rin ako nakapagpaalam sa kanya na aalis na talaga ako.

Siguro, hanggang sa muli naming pagkikita.

Nakarating na kami sa bahay niya o mansion pala niya. Mayaman siya, totoo yun.

Binati kami ngbmga guards doon. Nagulat nga ang ibang guards ng makita ako. Lalo na yung mga nalusutan ko.

Inakbayan ako ni Blaze na kinagulat ko. Tatanggalin ko sana pero binigyan niya ako ng matalim na tingin kaya wala na akong nagawa kundi sundin siya.

Sinalubong kami ni Manang Celia.

"Anak!, oh iha kasama ka pala. Mabuti nalang at naparami ang luto ko. Nararamdaman ko kasing may kasamang uuwi si Blaze, lagi kasing kasama niya yung kaibigan niya."

"Ahhh ganun po ba.."

"Oo, teka, nasaan nga ba ngayon yung kaibigan mo 'nak"

"Ahh busy po kasi siya ngayon.."

"Ahhh sige, pasok na kayo at nang makakain na kayo ng tanghalian..."

Totally kumain na ako doon sa coffee shop. Napatingin ako sa mesa at parang nagutom ulit ako dahil sa mga nakahain.

Mabuti nalang at hindi ko sinabi na kumain na ako.

Habang kumakain ay nakatingin lang sa akin si Blaze na kinailang ko. Bakit siya ganyan makatingin sa akin.

"Iho, mabuti naman at naiuwi mo ang asawa mo.."

"Mabuti nga po" sabi ni Blaze na nakatingin parin sa akin.

"Balita ko ay umuwi yung asawa ng kuya mo. Naghahanap siya ngayon ng matutuluyan.."

"Marami namang pong hotel dito--"

"Pasensiya na 'nak pero nasabi kong pwede siya rito..Hindi ko naman kasing alam na uuwi na ang asawa mo"

"Pero po, nandito po ang asawa ko. At saka bakit siya nandito? Bakit hindi niya kasama ang pamangkin ko, tsk..wala talagang kwenta"

"Bibig mo 'nak ayusin mo, nasa harapan mo lang ang asawa mo.."

"Sorry.."

Ok lang naman na magbangayan sila sa harapan ko. Kumakain lang naman ako at wala naman akong pake sa topic nila.

"Oo nga pala iha, yung huling pagkikita natin ay umalis ka raw, bakit?"

Napatingin ako kay Manang nang kinausap niya ako.

"Ammm, ano"

"Kailangan niya na kasing umalis po"

"Ahhh ganun ba, nagulat talaga ako ng bigla kang umalis. Mukhang nagmamadali ka talaga.

Naging tahimik na ang buong bahay nang tapos na kaming kumain. Puro pagkwekwento ang nangyari habnag kumakain kami. Namimiss ko tuloy si mama. Siya at ako kasi ang maingay kapag nasa mesa na at kumakain.

"Alexis, diyan ang kwarto mo. Kumpleto na yan, oh eto yung susi niyan. May duplicate key niyan si Manang for emergency .."

"Paano kung magtanong si Manang kung bakit magkahiwalay tayo"

"Edi pumunta ka sa kwarto ko. Yun yung master bedroom at kung gusto mong doon ka at pumunta ka lang" sabi niya na may ngisi sa labi.

"Ha-ha-ha, ano ako baliw para pumasok sa impyerno mong kwarto"

"Makakapasok ka rin doon sa tamang panahon, at tama ka nga. Impyerno ang lugar niyon dahil kapag nakapasok ka na ay mala-impyerno na ang lugat ko dahil sa.......init"

Nung sinabi niya ang huling salita ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at agad ring ni-lock. Nakarinig pa ako ng tawa ni Blaze.

Baliw talaga yun. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari sa amin ni Blaze. Muntik ko nang masuko ang kabataan na dapat sa future husband ko. Wala na palang future husband kasi kasal na ako. Kahit na kasal ako sa kanya at siya ang present husband ko ay hindi ko parin ibibigay yun, manigas siya.

Napatingin ako sa buong kwarto, doble toh sa kwarto ko sa bahay talaga namin, natandaan ko ang kwarto ko doon sa kinauupahan ko. Dahil lang sa malaki ang binibigay na pera at hindi ako nakapagbigay ng bayad sa tubig ay basta nalang ako pinaalis. At yung tingin nung may-ari ng bahay ay katulad ng mga taong nasa coffee shop, yung nakatingin sa basura. Nakakadiring tingin sa akin.

Akala nila ahhh...

Nilabas ko ang cellphone ko at tinext ko si mama kung OK lang ba sila. Nakakatext ko na si mama, minsan ay tinatawagan ko siya pero nagagalit siya, kasi nalalaro daw siya at rank game daw.

Hayyy....

Dumeretso ako sa isang pinto. Dalawa kasi ang pintuan dito. Kaya yung isa ang pinuntahan ko at nang binuksan ko na yun ay parang parang kasing laki nito ang kwarto ko kina mama at papa.

Puro damit at mga alahas ang nandito. Maraming damit at sapatos. Kumuha ako ng pambahay lang pero mukhang pang-alis lahat ng damit dito.

Lumabas na ako doon at pumasok sa CR na hindi ko alam kung CR ba toh o kwarto. Malaki din at maganda.

Mukhang kailangan kong masanay sa ganitong klaseng buhay.....

...

.












Jonathan's POV

"Anong ibig niyong sabihing basta nalang umalis?"

"Sir, umalis nalang po siya at balita ko po ay malandi daw kasi may mga hickey siya sa leeg"

Kahit nabigla ako sa sinabi ng tauhan ko dito sa coffee shop ay umalis ako at pinuntahan siya sa inuupahan niyang kwarto pero iba ang nadatnan ko roon sa kwarto niya.

"Ay! Wala na diyan si Alex, baka bumalik na sa asawa niya.

"S-Si Alex, may asawa?"

"Ahh oo.."

Parang nawalan ako ng buhay sa sinabi nung may-ari ng bahay. May asawa si Alex.

Hindi! Kapag nakita ko at sinabi niya sa akin na may asawa na siya ay doon ako maniniwala. Sa tingin ko ay hindi niya naman mahal ang asawa niya kung totoo man dahil bakit siya aalis at maninirahan sa upahang bahay at magtatrabaho. Umalis siya sa puder ng asawa niya.

Hahanapin ko siya at mapapasakin din siya.....

Maghintay ka lang Jonathan....

Maghintay ka lang......

CS4: My Possessive Husband Where stories live. Discover now