CHAPTER 34: Love Triangle?

Začať od začiatku
                                    

"Itong bagay sayo."sabi niya at patuloy akong sinipa.

Hindi ako makatayo dahil nakabantay siya at patuloy niya lang akong sinisipa gamit ang mahaba niyang binti. Ang bigat pa ng suot niyang rubber shoes.

Pagdepensa ulit ang ginawa ko gamit ang dalawa kong braso para hindi matamaan ang pagmumukha ko. Kaya lang maraming beses na natatamaan niya na ako mismo sa mukha.

Nang makahanap ng tyempo ay hinila ko ang isang paa niya. Malakas siyang napamura ng bigla na din siyang mapahiga at ang ending bumagsak siya sa ibabaw ko. Parehas kaming natigilan at nagkatitigan.

Muling bumalik sa isipan ko ang eksena nung isang araw. Actually kagabi yata yun.

Yung eksenang nginitian niya ako kaya naging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Napagtanto kong ganun din ang naramdaman ko noon kay Queen Ice. Ang kaibahan lang ay mas malakas ang impact nitong kay Red.

Tangina. Hindi pwede ito.

"Anong drama yan?"biglang sulpot ni Black na nasa gilid namin nakatayo.

Natigilan kami at napatitig kay Black.

"Red, labanan lang. Walang patungan."seryosong komento ni Black habang nakatitig sa kapatid.

Dali-daling umalis si Red sa ibabaw ko at diretso tumayo ng tuwid. Bumangon din ako mula sa pagkakahiga at tumayo na. Nakangiwi kong pinagpagan ang damit kong nagusot.

"Tama na nga ito. Nakakaumay na."iiling iling na sabi ni Black.

"Ayawan na?"tanong ko habang papalit palit ang tingin sa kanila.

Hindi umimik si Red. Si Black naman ay tumango.

Natahimik ako ng biglang lumapit si Black sa akin. Ang kaniyang isang kamay ay hinawakan ang kanang pisngi ko dahilan para matigilan ako at mapatulala.

"Kawawa ka naman. Puro galos ka na. Halatang may galit saiyo si Red."

Peke akong natawa sa sinabi niya. Ramdam kong may ilang galos nga ang mukha ko pati na rin sa magkabilang braso dahil sa hapdi nito.

"Tara. Gamutin natin yan."pag aya niya pa na hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa pisngi ko.

Natanggal lang yun ng tabigin ni Red.

Parehas kami ni Black na napatingin sa kaniya.

"Kaya niyang gamutin sarili niya. Hayaan mo siya."sabi nito at tumalikod na. Tahimik siyang naglakad palabas ng silid.

Napasimangot ako. Ang sama talaga nito.

"Ang Jelly niya talaga."biglang sabi ni Black.

Napakunot noo ako.

"Jelly? You mean Jealous?"tanong ko.

Natawa siya at pumalakpak.

"Akalain mong alam mo ang ganung term?"

"Yeah."tipid kong sagot.

Matagal akong pagala-gala kaya kung sino-sinong tao ang nakakasalamuha ko. Pati mga salita, kilos at pag uugali nila ay alam ko na.

"Sabagay, minsan ako din ganun."

Natahimik ako at napaisip sa kaniyang sinabi.

Nakangisi niya lang akong nilagpasan at naglakad na din palabas ng silid. Naiwan akong mag isa at nakatitig lang sa pintuan na nilabasan nila.

Ilang minuto ay nagpagdesisyunan ko ng umalis din at bumalik sa kwarto ko. Dahil nga pawisan na ako.

Pagpunta dun ay naligo akong muli at nagpalit ng bagong damit. Tumambay muna ako at hindi lumabaa hanggang sa gumabi na. Nang mag hapunan ay lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa Dining room. Nagulat ako ng maabutan dun si Lady Chloe kasabay ang iba pang Soldato.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now