CHAPTER 37: Confession

377 23 10
                                    








Alas dose na at katatapos ko lang kumain ng tanghalian. Dumiretso ako sa hideout nila Craig dahil nga may usapan kaming nag uusap ngayong araw. Nagawa kong makatakas saglit sa mga Amo ko. Dahil sa tulong ni Hetti. Siya na daw bahala kala Red kung sakaling hanapin ako.

Ngayon nga ay kaharap ko na sila Craig. Prente siyang nakaupo sa kabilang sofa. Katabi sina Markus, Vander at Jack. Habang ako ay nasa kanilang tapat at nakaupo din.

Nandito kami sa isang silid na bihira daw nilang ipakita sa mga hindi miyembro ng kanilang grupo.

"Nakita mo na?"biglang tanong ni Craig.

Napabuga ako ng hangin at ibinaba sa lamesang nasa tapat ang mga litratong hawak.

Ito ay litratong kinuhanan nila sa pagsisiyasat sa mansyon ng nga Morpeheous kagabi. Medyo dissapointed lang ako dahil akala ko mas matibay na ibidensya ang makukuha nila. Pero gayunpaman, okay na itong nakuha nila.

Ang mga litrato ito ay kuha sa mga silid ng soldato ng Morpeheous. Sa silid ni Flavian, Rolly, Garry, at Harvel.

Kinuhanan nila ng litrato ang importanteng gamit o ano man na makakapagturo sa totoong pagkakilanlan ng mga soldato.

"So, tama ang hula ko. Si Flavian ay si Eliseo Hordon."sabi ko.

Kita sa litrato ang ilang papeles tungkol sa isang Eliseo Hordon at mukha ni Flavian ang naroroon. Bukod dun ay ang pagkakaparehas ng inpormasyon tungkol sa kanila.

Pero nang magre-search ako at si Claud dito kay Eliseo Hordon ay wala kaming nakuha.

"Obvious naman na sila ang mga soldatong hinahanap natin. Dahil ang Amo nila ay nandun mismo sa mansyon."sabi ni Markus.

Tama nga naman siya.

Nung malaman namin na kumpirmadong may ugnayan si Nicanor sa Scorpion Onźe dahil isa sa Ampon niya ang Supremo. Obvious na ang ilan sa kanilang mga tauhan dito ay miyembro din ng Scorpion Onźe. Sila yung gumagawa ng eksena dito sa Mackenzie City dahilan para makaagaw atensyon sila sa mata ng madla. Kaya maraming gangster at mafian groups ang tuma-target sa kanila.

Wala akong ideya kung anong purpose nila. Bakit sila gumagawa ng eksena para matakaw pansin ng ilang grupo. Dahil kung desidido talaga si Supremo na patayin ako. Dapat unang tungtong ko palang sa mansyon ng mga Morpeheous ay agad na akong namatay lalo na at nasa iisang bubong lang kami ni Supremo.

Pero hindi yun nangyari.

Siguro ginawa niyang pakilusin ang ilan sa kaniyang soldato para hindi ko mahalata o mapansin na nasa iisang pamamahay lang kami.

Kapag nasa labas, ako ay kanilang kaaway. Pero kapag sa loob ng mansyon. Magpapanggap sila na ako ay kanilang kakampi.

"Balak sana din naming pasukin ang kwarto ng magkakapatid lalo at lasing na ang mga ito. Kaso, hindi na namin ginawa dahil kulang na sa oras at biglang dumating yung step mother nila."sabi ni Jack na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Buti nagawa ninyong pasukin ang kwarto ng mga soldato?"tanong ko.

Tumawa si Craig at sumulyap sa kaniyang mga kasama.

"Isa yan sa special skills namin."sabi niya.

Tumaas ang isang kilay ko.

"Dati kaming miyembro ng Bukas kwarto Gang."natatawang sabi ni Vander.

"Oo kaya expert kami pagdating sa mga ganyan."sabi naman ni Markus.

Hindi ko alam kung matatawa din ako sa kanilang mga sinabi dahil para nagbibiro lang siya. Tumango na lamang ako bilang pag intindi.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now