CHAPTER 34: Love Triangle?

344 22 13
                                    






Seryoso siyang nakatitig sa akin. Ang kaniyang mga mata ay tila nag aalab sa inis at anytime ay bubugahan na ako ng apoy. Hindi ko mapigilang mapangiwi.

Pagdating talaga sa akin para siyang laging high blood na daig ang matandang dalaga. Kulang nalang ibaon niya ako ng buhay sa hukay para mawala ang inis niya. Ganun ang na fe-feel ko sa tuwing tinitigan ako nitong si Red Queen.

Tulad nalang ngayon. Ilang segundo na ang nakakalipas ng mag prisinta siyang kami naman daw ang maglaban. Dahil dun ay si Black ang na upo sa kinapupwestuhan niya kanina.

"Simulan ninyo na. Hanggang anong oras kayo magtitigan dyan."rinig kong sabi ni Black sa di kalayuan.

Sinulyapan ko siya at bahagyang inilingan.

"Masyado yatang na ga-gwapuhan sa akin ang kapatid mo kaya tulala siya."pangangasar ko.

Akmang ibabaling ko na ang tingin ko kay Red ng maramdaman kong pasugod na ito. Napaatras ako ng bigyan niya ako ng sipa sa sikmura. Napayuko ako ng bahagya.

Shit.

Mabilis naman akong nag angat ng tingin sa kaniya. Nang muli siya umatake ay na alarma na ako. Agad kong ipinagkrus ang dalawa kong braso upang depensahan ang mga parating niyang suntok. Atras lang ako ng atras paikot dito sa bilog na hugit.

"Yabang mo. Hindi ka gwapo."sabi ni Red.

Natawa ako.

"Talaga lang ah?"

Ngumisi siya at tumango.

Nakaramdam ako ng inis dun. Hindi pala ako gwapo, huh?

"Hindi ka rin naman maganda."pambawi ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Nang mapagod na ako kaka-depensa ay ako naman ang sumugod. Sinipa ko siya sa binti kaya agad siyang umatras palayo sa akin. Ngayon naman ay ako sumugod.

Pinaulanan ko din siya ng mga suntok. Wala na akong pakialam kung babae pa siya at Boss ko. Basta kailangan hindi ako matalo. Dahil dignidad ko nakataya dito.

Pero nang makalayo ulit si Red ay sandali akong huminto sa pagsugod.

"Acel!"rinig kong tawag ni Black sa akin.

Napalingon ako dito habang nakakunot noo. Nginisian niya ako.

"Para sa akin, gwapo ka."

Napakurap kurap ako at tinaasan niya ng isang kilay.

"Pinagtitripan mo ba ako?"tanong ko.

Hindi ko na nahintay pa ang kaniyang sagot dahil naramdaman kong may sumipa sa likuran ko. Sino pa ba gagawa? Syempre walang iba kung hindi si Red.

Pagharap ko kay Red ay magkasalubong na naman ang mga kilay niya.

"Ako ang kalaban mo. Kung san-san ka nakatingin."

"Yung kapatid mo kasi dakilang istorbo."palusot ko.

Narinig ko naman ang halakhak ni Black. Bago pa ako makapagsalita ulit ay sumugod na naman si Red. Hindi ko napaghandaan ang atake niya. Dahil bigla niya akong natamaan sa balikat gamit ang kaniyang kanang binti. Napahiga ako at napamura ng maramdaman ang matigas na sahig.

Sandali akong napapikit.

"Tangina."mahina kong usal.

Agad kong dinilat ang mga mata ko ng maramdamang may sumipa sipa sa akin. Nakita ko si Red na nakangisi. Ngayon natitigang mabuti ang suot niyang simpleng T-shirt at maong pants na fitted. Infairness bumagay sa kaniya.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now