CHAPTER 25: Death Battle

334 21 5
                                    






"What? Si Black?"gulat kong tanong.

"Yep. Si Black Page Morpeheous. Siya yung isa sa nurse na inutusan ni Kareshi para bantayan nung time na comatose ka pa."

Napangiwi ako at napailing.

"Wait, paano? Bakit?"

"Hindi ko rin alam. Pero sigurado ako, si Calix, Nickson at yung mga taong nakapaligid saiyo nung time na yun. Si Black Page ang taong yun. Hindi kami pwedeng magkamali lalo na at tumira siya sa mansyon mo ng ilang buwan."paliwanag ni Ace.

Kahit naguguluhan. Naiintindihan ko ang kaniyang sinasabi. Sila ang mas nakakakilala dun sa babaeng madalas nagbabantay sa akin nung comatose pa ako. Dahil nga sila ang gising habang ako'y mahimbing na natutulog.

Pero ang ikinapagtataka ko. Paano nangyari yun?

"Kambal, paano nangyari yun? Paanong si Black na galing sa isang mafian family ay maging isang nurse? At makapasok sa mansyon ko?"

Napakunot noo ako ng marinig ang tawa niya sa kabilang linya.

"Iyan ang magandang tanong. Kahit ako nagtataka. Nung time na sinabi sa akin ni Claud na pinahahanap mo yung babaeng nurse na naka-toka saiyo nung comatose ka pa. Pina-background check niya ito. Ang pangalang ginamit ni Black Page ay Maria Lopez."

Kung ganun. Malinaw na nakapasok si Black sa mansyon ko sa ibang pangalan para nga naman walang maghinala sa identity niya. Lalo na at sikat ang totoo niyang apelyido.

"Tapos? Anong nalaman niya?"

"Nalaman niyang walang nurse na may pangalang Maria Lopez ang nag tatrabaho sa Hospital na kung saan kumuha si Kareshi ng magbabantay saiyo. Meaning, hindi nga totoo ang identity niya dahil siya si Black Page Morpeheous."

Nakangiwing napahimas ako sa aking batok.

"Kung ganun. Nagpanggap siya?"tanong ko.

"Mismo. Nagpanggap siyang nurse para makapasok sa mansyon mo at makalapit saiyo."

"Bakit niya gagawin yun? Don't tell me trip niya lang? O may iba siyang pakay."

Iyon una kong nakukutuban. Bakit ang tulad niya ay magpapanggap na isang nurse? Anong mayroon?

"Exactly, may iba siyang pakay. Hindi yan trip lang. Obvious na sinadya niya ang lahat para gawin ito at malapitan ka. Sa totoo lang, nung una ko siyang makita sa mansyon mo. Iba na ang kutob ko sa kaniya. At hindi pa siya makatingin ng diretso sa akin. Iyon pala may tinatago siya."

Sa mga narinig kay Ace ay pakiramdam ang ulo ko. Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

Nasa poder ako ng Morpeheous para hanapin ang pinahahanap ni Daddy. Hindi ko akalain na isa sa mga anak-anakan ni Nicanor ay minsan ng nakalapit sa akin at mukhang kilala na ko nito. Pero ng unang beses ko silang makita. Umakto si Black na parang hindi niya ako kilala. Although may pagkakataong napapansin iba ang titig niya sa akin.

Shit.

"Dapat ko ba siyang kumprontahin? Para malaman ko ang totoo?"naisip kong itanong kay Ace.

"At tingin mo magsasabi siya ng totoo? Aamin siya? Malabo yan, Acel. Lalo na at halatang mayroon siyang hidden agenda. Kung wala siyang ganung binabalak. Dapat unang beses palang na nagkita kayo dyan sa mansyon nila. Umaamin na siya saiyo. Pero hindi, diba?"

Napatango ako bilang pagsang ayon. May punto siya dun.

"Makinig ka sa akin, Kambal."sabi pa niya.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now