CHAPTER 38: Angry Bird

356 27 11
                                    








"Anong meron?"tanong ni Red na papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Black.

Hindi ako nagsasalita. Nakatitig lang ako sa kaniya. Walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Wala naman. Nagkita lang kami dito sa labas."sagot ni Black kaya binalingan ko siya ng tingin.

Peke akong ngumiti at muling tumitig kay Red.

"Yes, Boss."tanging na sabi ko.

Kumunot ang noo ni Red na tila hindi convincing sa aming dalawa ni Black.

"Mauna na ako mga Boss."paalam ko.

Hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Dire-diretso ko silang nilagpasan at tumungo na sa kwarto ko. Pagpasok palang sa loob ay tahimik akong umupo sa kama ko at napatulala.

Muling sumariwa sa isipan ko ang sinabi lang kanina ni Black.

Ang kababatang tinutukoy ni Red sa mga kwento niya ay nagngangalang King Acel Genovese.

Anong ibig sabihin nun? Ako ang kababata niya? Pero paano nangyari yun?

"Bakit hindi ko siya maalala?"tanong ko sa sarili ko.

Nagka-amnesia na kaya ako? Pero hindi. Kilala ko pa kung sino ako at ang mga taong malalapit sa akin. So imposibleng may alala akong hindi natatandaan.

Inis akong napahimas sa aking batok at mabusising iniisip kong minsan ko na bang nakilala si Red noon. Pero hindi. Never ko pa siyang nakita.

Naalala ko yung litratong nakita ko sa kwarto ni Red. Yung batang babae at lalaki. Obvious na siya yung babae. Pero yung lalaki? Hindi ako yun. Kaya imposibleng sa ganung edad ay nagkakilala na kami.

So, paano ako ang magiging kababata niya? Napaka-imposible. Hindi kaya pinagtitripan lang ako ni Black? Pwedeng oo. Pwedeng hindi.

Sa patuloy na pag iisip ay naisipan kong tawagan si Daddy. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at mabilis na dinayal ang kaniyang numero pero hindi niya sinasagot. Iritado kong initsa sa tabi ko ang cellphone ko. At pagod na humiga sa kama. Napatitig ako sa kisame nitong kwarto ko at pilit inalala ang mga nakaraan nung ako'y musmos palang. Hanggang sa maipikit ko ang aking mga mata ng hindi ko namamalayan.

Nagising lamang ako sa malakas na tunog. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang cellphone kong panay ang tunog. Nakangiwi ko itong dinampot. Nakita kong pasado alas onse palang ng gabi. Mukhang ilang minuto din akong nakatulog.

Pagtitig sa screen ay bumungad sa akin ang pangalan ni Gagliardi. Kahit wala sa mood ay sinagot ko nalang ang tawag niya.

"Hello."malumanay kong bati na nanatili pa ring nakahiga.

"Ungas, sabi na gising ka pa."

Napasimangot ako.

"Busy ako ngayon. Saka mo na ako istoborhin."

"May sasabihin lang ako kaya ako napatawag ngayon."

Tumaas ang isang kilay ko sa narinig. Kahapon lang ay nag usap na kami. Ngayon ay may sasabihin na naman siya.

"What is it? Sabihin mo na. Matutulog na ako."sabi ko sabay hikab.

Nakakaantok isipin si Red.

"Si Tedesco, nang invite sa engagement party niya sa susunod na Linggo."

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon