CHAPTER 29: Craig Revelations

391 25 9
                                    




"Ayos ka lang?"tanong ni Hetti dahilan para mapatigil ako sa paglakad.

Wala sa sariling tinitigan ko siya.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Craig kanina lang."

Katatapos lang namin kumain ng tanghalian. Ngayon ay patungo na kami sa classroom. Ako at si Hetti.

Yung magkakapatid kasama si Gucchi ay dadaan lang daw muna sa hideout. So, tanging ako at si Hetti ang magkasama ngayon.

"Kung totoo ang sinabi niya. Meaning kailangan mong mag ingat. Dahil ikaw pala ang target ng mga soldatong yun."sabi niya.

Napatango ako at natahimik. Alam nitong si Hetti na ang pangalan ko ay si King Ace Genovese ay isa sa Warlord ng Top Famiglias. Pero hindi niya alam na ako si Lord A.

"Kaya lang, nagtataka ako. Bakit ka hina-hunting ng mga taga-Scorpion Onźe?"bigla niyang tanong.

Ngumiwi ako at mahigpit na hinawakan ang magkabilang straps ng bag kong nasa likuran ko.

"I don't know. Siguro trip nila ako. Dahil marami silang perks na makukuha once na isang Warlord ang mapatay nila."paliwanag ko.

Kapag galing ka nga naman sa isang premenenteng mafian group. Marami kang makakaaway at maraming magkaka-interes na patayin ka para sa pansarili nilang kagustuhan. Syempre para sa popularity din at estado sa mafian world.

"Ganun ba? Parang ang weird lang."komento niya.

Peke akong natawa.

"Basta, manatili sanang lihim ang identity ko para maayos nating magawa ang mga misyon natin."

Agad siyang tumango bilang pagsang ayon.

"Mukhang kailangan kong itutok ng mabuti sa paligid mo. Dahil obviously, ikaw ang puntirya ng kalaban. Ayos yun, kapag nahuli ko sila. Matatapos ko na ang misyon ko."nakangiti niyang sabi.

Napailing iling lang ako. Akala niya ganun yun kadali.

"Mauna ka na. May pupuntahan lang ako."sabi ko.

Kumunot ang noo niya.

"Saan naman?"

"Sa Hideout ng mga Morpeheous. May nakalimutan akong kunin kay Gucchi."pagsisinungaling ko.

"Okay."tipid niyang sabi at tinalikuran na ako.

Nang makalayo siya sa akin ay mabilis na akong naglakad paalis. Balak kong bumalik sa Hideout ng Amadeo para personal na kausapin si Craig. Medyo naghihinala ako sa mga sinabi niya kanina habang nananghalian kaming lahat.

Personal ko siyang tatanungin ng mga tanong na naglalaro sa isipan ko ngayon. Kailangan ko ng kasagutan tungkol dun.

Nagmadali na ako sa paglalakad dahil halos bente minutos nalang ay muli ng magsisimula ang klase para sa hapon.

Ilang sandali pa ay narating ko ang hideout building nila. Hindi ko na inabala ang sarili kong kumatok. Diretso akong pumasok sa loob. Natigilan ako ng makita si Vander, Jack at Markus na prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang nanunuod ng TV.

Ang itsura nila ay para nasa bahay lang kung titigan mong mabuti.

Nang makita ako ay napataas ang isang kilay ni Vander. Si Jack at Markus ay seryoso lang nakatingin.

"Anong kailangan mo at bumalik ka?"tanong ni Vander.

Nanatili sila sa kanilang kinauupuan na tila tamad na tamad tumayo.

"Si Craig nasaan? Gusto ko siya makausap."

Nagkatinginan silang tatlo at may kung anong inginuso si Vander sa di kalayuan.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now