CHAPTER 4: Soldato

805 36 19
                                    








"Ang tagal naman."mahina kong bulong habang sinisipa sipa ang mga batong nandito sa paanan ko.

Tahimik kong iginala ang aking tingin sa paligid. Natanaw ko sa di kalayuan ang mga lalaking naka-business suit na may bitbit na baril. Sa aking palagay sila ang mga bantay o soldato ng Famiglia na kinaroroonan ko. Ramdam ko ang mapanuri nilang titig sa akin.

Inalis ko ang aking tingin sa kanila at itinutok sa bahay na ilang hakbang lang ang layo.

Ito ay mansyon ng mga Morpeheous. Mula dito sa labas ay kitang kita ko taas at laki nito. Base sa hula ko ay may apat o limang palapag ang mansyon na ito. Modern ang klase nito. Hindi tulad sa Apex Mansion ko na Old type ang dating.

Hindi ganun kalakihan at kaliitan ang mansyon pero sapat na para sa isang Famiglia na sinasabing sikat dito sa Mackenzie City. Napaisip tuloy ako kung nandito ba ang Capo ng Morpeheous.

Kapag natapos ko ang misyon ko dito pwede kong kausapin ang Capo nila na kumampi sa Top Famiglias para mas maging makapangyarihan sila. Sakto sa mga susunod na buwan ay dito manggagaling ang isa sa apat na Warlords na kukumpleto sa Capo bastone ng aking Organisasyon.

"Excited ako mangyari yun."mahina kong bulong sabay mahigpit na hinawakan ang magkabilang straps ng aking back pack.

Sa pagmumuni-muni ay agad akong napalingon ng maramdamang may palapit sa akin. Peke akong napangiti ng makita si Blue at Red na palapit.

"Acel, okay na."nakangiting sabi ni Blue.

Tumango ako at tumitig kay Red.

"Salamat."sabi ko.

Pagtapos ng eksenang habulan kanina dun sa magnanakaw ay kasabay na namin itong si Red na pumunta dito sa kanilang mansyon. Tapos ay iniwan nila ako dito sa labas. Kinausap ni Blue si Red tungkol sa pabor na hinihiling ko.

"Fine. Pagbibigyan ko ang pakiusap ni Blue. Pwede kang magtrabaho dito sa amin."sabi ni Red na ang kanina pang seryoso ang mukha.

Napansin ko simula ng makilala ko siya kanina. Halata sa salita at kilos niyang medyo isnabera at masungit siya. Marami na akong nakilalang babae na tulad niya. Pero siya na yata ang pinaka-masungit. Parang terror teacher ang datingan.

"Salamat ulit."another kong pagpapasalamat.

"Ano ngang pangalan mo?"tanong niya.

Tumuwid ako ng tayo at ngumiti. Kailangan kong maging mabait at magalang para sa misyon na ito.

"Acel Deguzman. Mag 21 anyos."pakilala ko.

Napataas ang isang kilay niya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Sayang ang babaeng ito. Maganda sana pero masungit naman. Dinaig niya pa si Queen Ice sa kasungitan.

"Acel, siya si Red Queen. Ang pinaka-panganay sa amin."biglang sabat ni Blue dahilan para matawa ako ng bahagya.

Shit. Queen? Bakit ba hilig ng mga magulang na ipangalan ang Queen?

"Anong nakakatawa?"tanong ni Red habang ang mga mata ay naniningkit sa akin.

Umiling ako.

"Wala naman. Bumagay lang saiyo yung pangalan mo. Saka ang cute ng mga first name ninyo. Parang krayola."pagbibigay ko ng opinyon.

Bumugisngis si Blue.

"Si Daddy nakaisip niyan ng ampunin niya kami. Lahat ng first name naming lima puro colors."paliwanag niya.

Nang mabanggit niya ang tungkol sa iba pa nilang kapatid ay pumasok sa isip ko ang misyon ko.

So, isa limang magkakapatid ang target na hinahanap ko.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now