CHAPTER 10: Make out

600 25 6
                                    






Nakangiwi kong hinimas ang aking batok sabay ilang beses bumuga ng hangin. Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Ace sa kabilang linya.

"Paano nangyari yun?"taka kong tanong.

"Nakaraang araw sinabi ni Light na ang main base o tirahan ng Scorpion Onźe ay nasa Magnium Guild. Pero hindi pa sure kung saan mismong City kaya nga nagtugo siya dyan. Then ngayon lang, tinawagan niya ako. Confirm nasa Mackenzie City ang eksaktong kinaroonan ng mga kaaway natin."mahaba niyang pagsasalaysay.

Kasunod nun ay ipinaliwanag niya pang lahat sa akin ang buo detalye ng pinag usapan nila ni Light.

"So, kaya pala siya nandito sa Mackenzie City."sabi ko.

"Nagkita kayo?"

Dama ko sa tono ng boses niya ang pagkagulat.

"Oo, kanina dahil sinundan ko yung isa sa mga ampon ni Nicanor. Dumaan kami sa isang fast food resto. Tapos dun natanaw ko si Light. Binalaan niya nga ako na hindi ko naunawaan masyado dahil nagmamadali siya."pagkukwento ko.

"Kambal, iyon nga ay tungkol dun. Delikado para saiyo manatili dyan. Sa oras na malaman ng Supremo nila na hindi talaga ako si Lord A. Obviously hahanapin nila ang totoo. Hahanapin ka nila. At tingin mo ba hindi ka nila madaling matutunton? Lalo na nasa iisang lugar lang kayo?"

Napailing ako. Hindi ko nagugustuhan ang pinupunto niya.

"So, anong gusto mong gawin ko? Umalis dito?"

"Exactly."

"No. Hindi pwede."giit ko.

Hindi talaga pwede dahil may trabaho pa akong inakasikaso. Mahalaga ito at inaasahan ni Daddy na magagawa ko ito sa loob ng ilang buwan.

"Makinig ka naman sa akin. Oo nga at ikaw si Lord A. Pero kakaiba ang Scorpion Onźe. Lalo na alam nila ang real identiy mo."

Nakagat ko ng mariin ang aking labi  sa inis.

"Ace, baka nakakalimutan mo. Hindi ako narito sa Mackenzie City para lang mamasyal. Mahalaga ang sadya ko rito. Kailangan kong magawa ang inuutos ni Daddy para sa ikabubuti ng pamumuhay mo sa mga susunod na taon. Para saiyo kaya ko ito ginagawa."

"It means, mas mahalaga yan para sa sarili mong kaligtasan? Ganun ba?"

Mabilis akong umiling kahit pa hindi niya ako nakikita.

"Alam kong nag aalala ka sa akin. Alam kong natatakot ka na matulad ulit yung nangyari noon na muntikan ko ng ikamatay."

"Buti alam mo."

May inis sa tono niya base sa aking narinig.

"Pero intindihin mo. Isa akong Mafioso, Capo, at Genovese. Oo nga may kahinaan ako at hindi perpekto. Pero magtiwala ka sa akin. Magtiwala ka sa kakayahan ko. Tulad ng pagtitiwala ko saiyo."dagdag ko pa.

Naiintindihan kong sobra pag aalala niya sa akin. Pero hindi ako ganun kaduwag para lang matakot sa Supremo ng Scorpion Onźe. Sa dami ko ng pinagdaan sa buhay. Sa dami ko ng misyon na pinagdaan at sa dami ko ng nakasalamuhang kaaway. Alam ko na ang gagawin ko.

Siguro nga nagkamali ako nung nakaraan. Dahil masyado akong nagtiwala sa mga tao bagong kakilala at sa babaeng nagustuhan. Pero pinagsisihan ko na yun. At hinding hindi na yun mauulit.

"Hindi sa wala akong tiwala saiyo. Ayoko lang na lumaban kang mag isa na walang kasama. Tulad dati. Kaya nga ako nandito para tulungan ka."

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now