CHAPTER 40: End Game?

410 24 13
                                    






"Masakit ba?"tanong ni Katashi na halata mong nangangasar.

Inis ko siyang sinimangutan habang dinidiinan sa mukha ko ang cold compress na hawak. Feeling ko kase magkakapasa ang ilong ko dahil dun ako banda sinuntok ni Red. Medyo masakit kaya ilang beses akong napangiwi. Matapos ang eksenang yun ay nag walk out si Red na parang walang nangyari kaya ang ending wala na siya dito ngayon.

Sabi ni Blue kanina lang ay dumiretso na daw ito sa kwarto nito at baka natulog na. Wala ng gana mag swimming at makipag inuman. Dedma nalang ako dun dahil hindi ko naman kasalanan. Gayunpaman, nagpatuloy ang celebration ng birthday ni Blue habang lumalalim ang gabi. Nakakapagtaka nga na wala pang nalalasing sa kanila.

"Ano ba kasing sinabi mo sa kapatid ni Asul at nagalit saiyo?"tanong ni Katashi.

Napatitig ako sa kaniya. Nandito pa rin ako sa kinauupuan ko. Sila Blue kasama ang iba pa ay nasa di kalayuang lamesa at masayang nag iinuman.

"Wala. Biniro ko lang."sagot ko.

Napailing iling ako ng maalala ang iritadong mukha ni Red ng bawiin ko ang sinabi kong gusto ko siya.

Teka nagalit ba siya dahil dun?

Napasimangot akong muli ng makitang natatawa si Katashi.

"Hindi kasi lahat ng biro. Nakakatawa. Minsan nakakasakit yan. Kaya ikaw, Ungas. Mag sorry ka dun kay Pula. Sayang bagay pa naman kayo."

"Hinihingi ko ba opinyon mo? Manahimik ka dyan."

Hindi naman niya inintindi ang sinabi ko. Basta tawa lang siya ng tawa. Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy na diniinan ng cold compress ang mukha ko. Buti na nga lang binigay ito ni Black kanina. Obvious na concern siya sa akin. Sana lang inaway niya si Red dahil sa ginawa ito sa akin.

Bahagya akong natawa sa isip. Parang ang sama ko naman dun.

"Dyan ka na nga. Kukuha pa ako ng iinumin."paalam ni Katashi at tumayo sa upuan.

Naglakad siya palapit sa lamesa nila Blue. Napataas ang isang kilay ko ng makitang tumayo si Black sa kaniyang upuan ng sandaling lumapit sa pwesto nila si Katashi. Seryosong naglakad palayo si Black. Natatawang sinusundan lang siya ng tingin ni Katashi.

Napapaisip tuloy ako na may something sa kanilang dalawa. Mukhang hindi sila basta magkakasundo. Sabagay, parang kami lang ni Red.

Mga babae talaga. Mahirap minsan intindihin.

Napakurap kurap ako ng mapansing patungo si Black sa direksyon ko. Bago pa ako makapag react ay nakaupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ayos ka na?"bungad niyang tanong.

Tumango ako at pekeng ngumiti sa kaniya.

"Masakit lang sumuntok si Boss Red. Hindi ko napaghandaan."pag aamin ko at inilagay na sa lamesang ang cold compress kong hawak.

Sanay ako masuntok. Pero sana naman dapat yung ready ako.

"Malamang napikon yun."sabi niya at tumawa.

"Mukha ngang pikunin siya."pagsang ayon ko.

Natahimik ako ng mapansin kong panay ang sulyap niya kay Katashi.

"Gaano kayo katagal na kayo magkakilala?"

Agad siyang bumaling ng tingin sa akin habang nakakunot noo.

"Sino?"

Inginuso ko si Katashi. Natawa ako ng makitang mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now