CHAPTER 19: Trouble

336 18 3
                                    






"Good evening, Miss Archielyn."nakangiti kong bati sa kaniya.

Nagulat siya ng makita ako at agad luminga sa paligid. Bakas sa mukha niya ang gulat.

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?"tanong niya.

Bumuga ako ng hangin.

"Pinagtanong ko."simple kong sagot.

Ngumiti siya ng tipid at mas niluwagan pa ang bukas ng pintuan.

"Pasok ka."paanyaya niya.

Tumango ako at naglakad papasok sa kaniyang bahay. Pinaupo niya ako sa isang mahabang sofa na medyo may kalumaan na. Siya naman ay umupo sa sofang nasa tapat ko lang.

Agad kong iginala ang aking tingin sa buong paligid. Simple ngunit malinis ang itsura ng kaniyang bahay. Wala ring masyadong kasangkapan. Pero maaliwalas tignan. Napansin ko ang ilang picture frame na nakadikit sa dingding. Ito ay picture niya kasama ang isang lalaki at dalawang bata.

"Yan ang asawa ko at mga anak."rinig kong sabi niya kaya napatingin na ako sa kaniya.

"Asawa at mga anak?"

Tumango siya.

"Mula ng mamatay ang una kong asawa at ang Kambal ni Amy. Tapos siya naman ay nawala rin sa akin. Nakahanap ako ng taong tumanggap sa akin at nagmahal. Sa kabutihan ng diyos ay binigyan kami ng dalawang anak."paliwanag niya.

Sa madaling salita. Ang lalaki sa larawan kasama ang dalawang bata ay bago niyang pamilya.

"Masaya ako para sa inyo."sabi ko.

Kahit paano ay masaya siya dahil sa pagkakaroon ng bagong makakasama sa buhay. Kahit pa wala na sa kaniya si Green.

"Nasaan sila?"naisip kong itanong dahil sa kuryusidad.

Pagpasok palang dito sa kaniyang tahanan ay napuna ko ang matinding katahimikan. Halatang nag iisa lang siya.

"Nasa byenan ko. Doon muna sila hanggat hindi ko pa naayos ang problema ko. Pero malapit ding matapos yun."

Napakunot noo ako. Bigla akong kinutuban sa narinig.

Balak ko pa sanang magtanong ng tungkol dun. Kaso lang, halata sa mukha niyang ayaw na itong pag usapan.

"Gabi na ah. Buti hindi ka hanapin sa mansyon ng mga Morpeheous."

Napangiwi ako sa kaniyang sinabi. Naikwento ko sa kaniya na isa akong soldato sa Morpeheous. Kaya madalas kong kasama sila Green.

"Nagpaalam naman ako."pagsisinungaling ko.

Ang totoo hindi ako nagpaalam. Matapos naming mag usap ni Green ay dito na ako dumiretso sa bahay ni Archielyn. Sa Arlington palang kanina ay nalaman ko na kung saan siya nakatira kaya nga heto at nakarating ako dito.

"Ano bang kailangan mo sa akin?"

Bahagya akong ngumiti dahil sa hiya.

"Ang totoo wala naman. Pero hindi lang ako mapakali hanggat hindi ko kayo nakakausap."

Tahimik lang siyang nakatitig sa akin.

"Nag usap kami ni Green kanina. Pasensya na pero nagalit ako ng bahagya sa kaniya at pilit kong pina-intindi sa kaniya ang side mo. Kaya lang, matigas ang puso niya."dagdag ko pa.

"Ayos lang. Naiintindihan ko. Hindi mo na ako kailangang tulungan."sabi niya.

Umiling ako bilang pagtutol.

"Hindi. Tutulungan ko pa rin kayo."seryoso kong sabi.

Ngumiti siya dahilan para mapangiti rin ako. Naalala ko sa kaniya ang sarili kong Ina.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now