CHAPTER 7: Band Aid

501 30 5
                                    





"Sino ka sa akala mo?!"bulyaw niya dahilan para mapangiwi ako.

Kanina pa siya sigaw ng sigaw kaya heto halos ang dami ng nanunuod sa amin.

"Isa lamang akong transferee na naawa dun sa babaeng ginugulpi mo."sabi ko at itinuro si Agatha na nakasalampak na ng upo sa damuhan.

Napansin ko sa di kalayuan si Gucchi na nakatanaw sa akin. Inalis ko ang titig sa kaniya at itinutok kay Markus.

"Gago ka!"sigaw nito habang naka-kuyom ang dalawang kamao.

Mabilis itong sumugod sa akin dahilan para ihanda ko ang sarili ko. Akmang dadapo palang sa akin ang kaniyang isang kamao ng may kung sinong humigit dito. Sabay kaming napalingon ni Markus ng makita si Black na seryoso ang mukha. Mahigpit niyang hawak ang kamao nito.

Kitang kita ng dalawang mga mata kong paano mag iba ang aura niya dahil kay Black. Kung kanina galit ngayon parang naging maanong tupa.

"P-page, ikaw pala."alanganing sabi nito.

Binitiwan ni Black ang kamao niya. Napasulyap ako sa paligid. Napansin ko ng dissapointed sa kanilang mga mata. Mukhang gusto nilang matuloy ang pa-usbong naming laban ni Markus. Kaso dahil sumulpot sa eksena si Black. Hindi na ito matutuloy.

"Anong ginagawa ninyo?"tanong ni Black na papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Markus.

"Yang pakialamero na yan. Biglang sumulpot dito at sinuntok ako."sumbong ni Markus at dinuro pa ako.

Tumaas lang ang isang kilay ko na hindi natitinag sa aking kinatatayuan.

"Deserve mo yun. Lalo na at walang awa mong binubogbog ang isang babae."sabi ko.

Automatic na dumako ang titig ni Black kay Agatha. Seryoso niyang tinitigan ito dahilan para tumuwid ng tayo si Agatha at maglakad palapit sa kaniya.

"Pasensya na Boss Black. Nabangga ko kasi Markus. Hindi ko siya napansin."dahilan nito.

Napapadyak sa inis si Markus.

"Anong hindi napansin? Ang sabihin mo nanadya ka."iritadong sabi nito.

Hindi nagsalita si Agatha. Yumuko lang ito na tila nahihiya.

"Tama na yan. Palamampasin mo na ito Markus. Gumagawa ka lang ng walang kwentang eksena."sabi ni Black.

Natigilan si Markus at nakangiwing hinimas ang batok. Walang paalam niya kaming tinalikuran at diretsong naglakad palayo. Ang mga tsismosong nanunuod kanina ay naglakad na rin paalis. Hanggang sa kami nalang ang maiwan dito. Ako, si Agatha at Si Black. Nakita kong palapit si Gucchi na dala pa rin ang mga binili naming pagkain sa Cafeteria.

"Agatha, umalis ka na. Hinahanap ka ni Red."sabi ni Black dito.

Tumango tango si Agatha.

"Tara. Sabay na tayo."pag aya ni Gucchi dito.

Hindi naman nagsalita si Agatha. Tahimik silang lumakad na dalawa paalis. Akmang susundan ko sila ng maramdaman kong hinila ni Black ang dulo ng polo ko. Nakakunot noo ko siyang nilingon.

"Hindi pa tayo tapos. Sumunod ka sa akin."sabi niya.

"Huh?"taka kong tanong.

Iiling iling na naglakad siya palayo. No choice akong sumunod. Sa paglalakad ay nakarating kami sa bandang dulo ng building kung saan ang classroom namin. Tumigil siya sa paglakad kaya huminto rin ako. Nang humarap siya sa akin ay bigla niya akong inatake. Bago pa ako makaiwas ay tumama na sa kanang pisngi ko ang isang kamao niya.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя