CHAPTER 43: Plan

467 32 10
                                    






"Tutulong ako sa inyo." Iyan ang litanya ni Katashi matapos naming pag usapan ang tungkol sa sarili niyang problema.

Nag alok siyang tutulong sa amin sa pagsugod sa hideout ng Scorpion Onźe. Pero sa isang kondisyon.

"Anong kondisyon?"tanong ni Ace.

Napangiwi ako ng mapansin ang kakaibang ngisi ni Katashi.

"Kailangan ninyong mapapayag si Black Page na tulungan ako sa problema ko."sagot nito.

Natawa ako sabay iling.

"Ungas, salamat sa offer. Pero hindi namin kailangan. Kaya naming pabagsakin ang Scorpion Onźe ng hindi hinihingi ang kooperasyon mo."nakasimangot kong sabi.

Sumimangot din naman siya.

"Malaki ang maitutulong ko. Alalahanin ninyo. Isa din akong Warlord King. Marami akong tauhan. Basta ba mapapayag ninyo lang si Black Page na umayon sa offer ko."

"Bakit hindi ikaw ang kumausap sa kaniya? Dadamay mo pa kami."komento ni Acel.

Hindi ko mapigilang matawa.

"Alam niya kasing galit sa kaniya si Black kaya imposibleng mapapayag niya ito."sabi ko.

Sumimangot si Katashi at hindi nakapagsalita.

Nakuha ko ang pinupunto niya. Oo nga at malaki ang maitutulong niya sa amin. Pero kaya ko naman kasama si Ace. Sa kabilang banda, gusto ko din naman siyang matulungan. Lalo na at ako nag suggest sa kaniya na si Black ang sagot sa problema niya.

Naramdaman ko ang marahang pagsiko sa akin ni Ace kaya napatitig ako sa kaniya.

"Anong sagot mo?"

Ngumisi ako at bumaling ng tingin kay Katashi.

"Fine. Kakausapin ko si Black. Gagawa ako ng paraan para mapapayag siya. Kaya gumawa ka din ng paraan para makatulong sa amin."

Lumapad ang ngiti ni Katashi at napalakpak.

"Wala lang talaga akong choice. Kung ako ang tatanungin. Ayoko kay Black."

Sabay kaming natawa ni Ace sa kaniyang sinabi. Halatang labas sa ilong.

"Talaga lang ah."hirit ni Ace.

Napailing iling ako.

"Nga pala, lahat ba ng miyembro ng Scorpion Onźe papatayin natin?"biglang tanong ni Katashi.

"Kung ako ang masusunod. Ganun ang gagawin ko."sagot ni Ace sabay sulyap sa akin.

Napahimas ako sa aking batok.

"Okay. Sige lang. Patawag ninyo ko kapag nagpulong na kayo tungkol dun patawag ninyo ko. Nagugutom na ako."sabi niya at tumayo na sa sofa bitbit ang bag niyang dala.

Napakunot noo ako ng talikuran niya kami at magsimula ng maglakad patungo sa pinto nitong silid.

"At saan ka pupunta?"tanong ko.

Agad siyang humarap.

"Sa Dining room. Nagugutom na ako."natatawang sabi nito.

Peke akong tumawa at tumango nalang.

"Saan nga pala magiging kwarto ko?"

Ngayon naman ay si Ace ang natawa.

"Tanungin mo si Claud. Siya ang maghahatid saiyo sa guestroom."sagot ko.

Tumango tango si Katashi at tuluyan na kaming tinalikuran. Diretso siyang naglakad palabas ng silid. Napabuga ako ng hangin.

"Sure ka bang mapapayag mo si Black Page?"tanong ni Ace.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora