CHAPTER 27: Substitute

449 24 7
                                    







Hindi ko alam kung tama bang umayon ako sa suhestyon ni Gucchi na makipagtulungan ang grupo namin sa grupo nila Craig. Mayroon akong kaunting agam-agam. Lalo na ng malaman kong mga mafioso pala ang mga ito. Pero gayunpaman, wala na akong magagawa. Nangyari na. Pumayag na sila Red sa naisip ni Gucchi. At pumayag na rin sila Craig dito. So mula ngayon ay magka-kampi na ang dalawang grupo.

Matapos ang tagpong iyon ay mabilis na dumaan pa ang mga araw. Kada tapos ng lunchbreak ay nagpupunta sa hideout ng Morpeheous Ladies ang Amadeous Fraternita. Pansin ko ang feeling at home nila kapag pumapasok sa hideout. Lalo na si Vander at Jack na halatang mas inaasar si Blue. Sama na dyan si Gray.

Kinakausap nila kami sa mga planong kanilang naiisip. Tahimik namang nakikinig lang ang magkakapatid.

So far naman, sa nakalipas na apat na araw mula ng huling umatake kay Craig ang isa sa mga soldato ng Scorpion Onźe ay hindi na yun umulit pa. May suggestion si Craig na plano para mapalabas ang mga target. Iyon nga ay ang gawin siyang pain. Dahil obviously, isa siya sa pinupuntirya ng mga soldatong iyon.

Pumayag si Red doon kaya lang. Kailangan daw munang paghandaan kung paano, saan at kailan gagawin ang plano. Kaya pagtapos ng kaunting pagpupulong ay bumalik na kami sa aming mga kani-kaniyang classroom. Habang naglalakad kami patungo doon ay pansin ko ang pananamlay ni Black. Hanggang sa matigilan kaming lahat ng bigla siyang mawalan ng malay at tumumba.

"Black!"sigaw ng kaniyang mga kapatid.

Dali-dali naman siyang nilapitan ni Gucchi upang tignan. Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi niya upang gisingin siya. Pero ng maramdaman kong matindi ang init ng kaniyang balat ay ipinatong ko ang isa kong kamay sa noo niya. Bahagya siyang dumilat pero pumikit ulit. Rinig na rinig ko ang mabilis na kaniyang paghinga na tila napagod sa kakatakbo.

"Shit. May lagnat siya."sabi ko.

"Mabuti pa. Dalhin na natin sa clinic."sabi ni Gucchi kaya agad akong tumango.

Binuhat ko si Black na pa-bride style at tinakbo na sa clinic. Nakasunod sa akin ang kaniyang mga kapatid. Pati si Gucchi. Dahil hindi naman ganun kalayo ang clinic ay nadala namin siya agad. Hiniga ko siya sa isang kamang nandito. Mabilis naman siyang tinignan ng Doctor na naka-duty sa mga oras na ito.

"Don't worry nilalagnat lang siya."sabi ng Doctor.

Pinainom niya ito ng gamot at nilagyan ng cold compress sa noo. Sabi ng Doctor ay hayaan daw muna namin si Black na magpahinga. Lalo na at nakatulog ito. Kapag daw nagising na si Black ay pwede na namin siyang iuwi at sa kanilang bahay nalang magpagaling.

Nagbilin ang Doctor na kailangang may isa daw magbantay kay Black diro sa Clinic. Wala daw kasi siyang nurse na kasama dito upang tumulong sa kaniya sa mga biglaang pasyente. Bukod kasi kay Black ay may estudyante ding nakahiga sa kabilang kama. Mukhang may sakit din. Agad kong naisip na mag volunteer na maiwan para bantayan si Black. Walang nagawa sila Red kung hindi pumayag. Bumalik sila sa classsroom ng sila lang.

Nagsabi si Gucchi na pagtapos ng klase ay agad silang pupunta dito upang maiuwi na si Black. Tumango lamang ako. Pag alis nila ay nanahimik ang buong kapaligiran. Ang Doctor dito sa Clinic ay tumungo na sa kaniyang opisina dahil may gagawin pa daw siya. So, naiwan ako dito kasama si Black at isa pang estudyanteng natutulog sa kama.

Tahimik akong umupo sa plastik na upuan na nasa tabi lamang ng kama ni Black. Seryoso akong nakatitig sa kaniyang mukha na tahimik na natutulog. Parang napakabait niya ngayong tignan. Pero kapag gising yan ay sobrang isnabera at taray. Malayong malayo sa taong nakilala nila Ace noon sa mansyon ko.

Siguro ito ang tunay niyang ugali. Ang ipinakita niya sa mansyon ko ay pagpapanggap lamang upang makalapit sa akin. Pero ang totoo hindi siya ganun.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now