CHAPTER 44: Saving the queen

552 31 7
                                    









Hindi ko mapigilang matawa habang nakatitig kay Katashi na nakikipagbulyawan kay Black. Para silang aso't pusa. Hindi ako magtataka kung isang araw magising ako na magka-inlaban ang dalawang ito. Sabi nga sa kasabihan.

The more you hate. The more you love.

"Bakit ba katabi kita? Dun ka nga."inis na sabi ni Black.

"FYI, babaeng maitim ang budhi. Ako ang na una dito. Kaya ikaw ang lumipat ng upuan."sabi ni Katashi.

Nawala ang atensyon ko sa kanila ng marinig ang mahinang pagmumura ni Ace sa tabi ko.

"Patahimikin mo nga ang dalawang yan. Nagsisimula na akong mainis."sabi niya habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan.

Nakangiwi kong nilingon si Black at Katashi na nakapwesto sa likuran lang namin ni Ace. Kasalukuyan kaming nandito sa Van kung saan si Ace ang magmamaneho habang ako nandito sa tabi niya.

"Tigilan ninyo na yan. Para kayong mga bata."saway ko.

Sabay sila napatingin sa akin. Tumaas lang ang isang kilay ni Black bago itinuon ang tingin sa bintana. Si Katashi naman ay nakakalokong ngisi lang ang sinagot.

Iiling iling na muli kong tinitigan si Ace.

"Tara na."pag aya ko.

"Ready na ba lahat?"

Bago pa ako makasagot ay naramdaman kong nilapit ni Katashi ang mukha niya sa espasyong nasa pagitan namin ni Ace. Kahit hindi pa ako lumilingon ay alam kong siya. Obvious dahil sa pamilyar niyang amoy na nakakahilo.

"Tara na guys. Nakasunod na sa atin ang mga tauhan ko."sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Isinuot ko lang sa kanang tainga ko ang earpiece na kanina ko pa hawak. Saktong nakabit ko ito ng marinig ko ang boses ni Claud sa kabilang linya.

"Boss."tawag niya sa akin.

"Ready na ba lahat?"pag uulit ko sa tanong ni Ace.

"Naka-ready na ang second at third van. Signal ninyo nalang ang hinihintay."

Napatango ako.

Tatlong naglalakihang Van ang dala namin ngayon.

Para sa unang sasakyan ay si Ace ang magmamaneho na ang sakay ay ako, si Katashi, at si Black. Sa ikalawa naman si Nickson. Sa ikatlo ay si Calix. Parehas nilang kasama ang magagaling kong tauhan sa Genovese Famiglia.

Ang grupo nila Craig ay na una na sa Forest Grield. Doon nalang kami magkikita kita. Hindi naman sila agad gagawa ng hakbang dahil wala pa kami.

Ang mga tauhan naman ni Katashi ay susunod daw sa amin tulad ng kaniyang sinabi.

"Okay."tanging na sabi ko kay Claud at nawala na siya sa kabilang linya.

"Bakit hindi mo sinama si Claud?"tanong ni Katashi sa akin.

"Hindi na kailangan. Marami naman na tayo. Mas okay ng nasa mansyon lang siya."sagot ko.

Natawa ako ng masulyapan si Ace na busy sa kaniyang cellphone. Mukhang ka-text si Scarlet. Naiwan din ito sa mansyon tulad ni Claud.

"Ace, tara na."

Agad siyang tumango at sinilid sa bulsa ang hawak na cellphone bago binuhay na ang makina ng sasakyan. Mabilis niya itong pinaharurot palabas ng gate. Nakasunod naman sa amin ang dalawa pang sasakyan na minamaneho ni Calix at Nickson.

Nang makarating kami sa highway at nakaramdaman ako ng halo-halong emosyon kung anong mangyayari aa oras na makaharap ko ulit si Red. Syempre kasama ang sira ulo niyang Tatay-tatayan na si Nicanor.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon