CHAPTER 20: Acceptance

351 20 4
                                    





Sa ilang minutong paghahanap sa sinusundang sasakyan ay napahinto ako sa isang abandonadong bahay. Sandali ko itong tinitigan mula dito sa kinatatayuan ko. Dahil masyadong mababa ang tarangkahan nito ay kitang kita ko ang kabuuan ng bahay na may simple disenyo at may second floor pa. Pero mahahalatang luma na. Sira-sira pa ang mga bintana.

Base sa nakikita ko ay walang katao-tao sa loob. Lalo na at madilim sa pa. Lalagpasan ko nalang sana ito dahil mukhang wala dito ang hinahanap ko. Kaya lang, sa paglapit ko ng husto sa tarangkahan ay natanaw ko sa di kalayuana ng sasakyang hinahanap ko. Nakaparada ito sa gilid ng bahay. Agad na umatake ang excitement ko.

Bingo. Nahanap ko rin.

Muli kong binalik ang tingin sa bahay. Napangisi ako ng bumukas ang ilaw sa second floor. Confirm may tao.

Tumama ang hula ko ng may makitang taong dumungaw sa bintana sa second floor. Mabilis kong hinila ang bisikleta kong dala patungo sa gilid kung saan napakaraming halamang nakatanim. Itinago ko doon ang bisikleta. Saglit akong nag isip ng mabuti kung anong gagawin.

Kung sumugod kaya ako ngayon din? Kaso malabo. Bukod sa nag iisa ako ay wala akong dalang baril o kahit anong sandatang panlaban. Sure akong armado ang mga kalaban na nasa loob. Buti sana kung may super powers ako. Panigurado, isang atake lang ay patay na silang lahat.

Kung tawagan ko kaya sila Gucchi? Para humingi ng back up? Pwede naman.

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Akmang idadayal ko na ang numero ni Gucchi ng biglang may tumawag sa akin. Napakunot noo ako ng makita ang UNKNOWN NUMBER sa screen. Kahit walang ideya ay sinagot ko ito.

"Hello?"

"Uy, si Hetti ito."

Nagulat ako sa narinig.

"Hetti?"

Rinig na rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Yes, ako nga."

"Paano mo nalaman ang number ko?"

Wala akong natatandaang ibinigay ko sa kaniya ang cellphone number ko.

"Binigay ni Gucchi nung isang araw. May kailangan kasi ako ngayon kaya naisip kitang tawagan."

Napangiwi ako.

"Hetti, wrong timing ka. Busy ako ngayon. Kailangan ko pang iligtas si Archielyn."sabi ko.

"Oh, bakit? Anong nangyari?"

"May mga kumidnap sa kaniya at sinundan ko sila."

Muli kong tinanaw ang bahay na kinaroroonan ni Archielyn. Nananatili itong tahimik at wala akong kahit anumang ingay na naririnig.

"Shit ka. Talagang gumagawa ka ng ikapapahamak mo."

"Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Nanay siya ni Green at ngako akong pagbabatiin ko silang dalawa."

Nangako ako sa kaniya at tutuparin ko yun.

"So, ginagawa mo yan dahil kay Boss Green?"

Natigilan ako at bumuntong hininga.

"Oo."

Napasimangot ako ng marinig na naman ang tawa niya.

"Fine. Sabihin mo kung nasaan ka."

"At bakit?"

"Wala naman akong gagawin. Kaya tutulong nalang ako."

Sandali akong natahimik sa kaniyang sinabi. Sa tono ng pananalita niya ay mukha namang seryoso siya.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now