CHAPTER 31: Stuck with you

370 26 12
                                    






"What?!"gulat kong bulalas matapos marinig ang sinabi ni Dad sa kabilang linya.

"Hindi ka naman siguro bingi. Sinabi ko na. Nais ng mga Lolo mo na ipakasal ka sa apo ni Don Buenza."

Agad akong napailing iling at mahigpit na napahawak sa cellphone ko.

"Is that a joke, Dad? Anong pumasok sa isip ng matatandang yun at ganyan gusto nila? At paano nila nalalaman na hinahanap ko ang apo ni Don Buenza? Don't tell me sinabi ninyo?"

Kahit hindi pa siya sumasagot ay alam ko ng tama ako ng iniisip. Sino nga naman makakaalam sa misyon na ginagawa ko kung hindi ang sarili ko lang namang ama. Tutal siya ang madalas nakakausap ng mga matatandang Genovese.

"I'm sorry, Son."

Napangiwi ako sa kaniyang sinabi.

"Nangako kayo na wala pang kamag-anak natin ang makakaalam nito dahil nga wala pang kasiguraduhan kung mahahanap ko nga ang apo ni Don Buenza."

Nung binigay niya sa akin ang misyon na ito ay nangako siyang ito ay mananatilihing lihim sa angkan namin pero wala na. Sinabi niya na.

"Actually, ang Uncle Spade mo ang nagsabi sa kanila. So, wala akong choice kung hindi patotohanan yun."

Napamura ako sa aking isipan ng maalala si Uncle Spade. Hindi ko malilimutan ang ilang beses na pagtatangka ng taong yun para patayin si Ace. Kahit mag-kamag anak kami ay hindi ko siya basta-basta mapapatawad or should i say silang lahat na gustong mawala ng Kambal ko.

"Anong reaksyon nila Lolo?"naisipan kong itanong.

"Nagulat pero natuwa dahil matagal na nilang hinahanap ang apo ni Don Buenza. Diretsahan kong sinabi sa kanila na sa oras matagpuan mo siya ay maari na nilang tanggapin si Ace sa Genovese Clan at balewalain ang walang kwenta nilang pamahiin."mahaba niyang paliwanag.

Noong unang beses kong malaman na may kambal ako at sadyang inilayo sa akin ay alam ko ng hindi iyon kagustuhan ni Daddy at Mommy. Wala silang choice kaya sumunod sila sa gusto at paniniwala ng angkan namin. Kaya nga nagpakalayo-layo si Mommy at umastang patay na dahil dun.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now