CHAPTER 28: The Evil Sisters

428 21 11
                                    





"Baliw ka na."sabi ko dahilan para matigilan siya.

Nilingon niya ako at sinimangutan.

"Mas baliw ka."sabi niya at muling tumalikod.

Diretso siyang naglakad palabas ng kabahayan. Tahimik ko naman siyang sinundan. Matapos niyang asarin at galitin si Black ay nagmamadali siyang lumabas sa kwarto nito. Agad ko naman siyang sinundan.

Sa pagsunod ko sa kaniya ay nakarating kami sa garahe. Akmang bubuksan niya na ang pinto ng Van ng lumingon siya sa akin. Huminto ako sa kaniyang tapat.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo? Bakit mo ko sinusundan?"tanong niya.

"Anong binabalak mo?"pagbabaliwala ko sa tanong niya.

Bumuga siya ng hangin at seryosong tumitig sa akin.

"Tulad ng sinabi ko kay Black. Pupunta ako sa Leggeiri City. Kakausapin ko yung si Madam X para tigilan niya na si Black."

Napangiwi ako sa narinig.

"Sasamahan na kita."sabi ko at inagaw sa kaniya ang susi ng sasakyan.

Bago pa siya makapareklamo ay nilagpasan ko na siya. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob. Pumwesto ako sa driver seat dahil obviously bilang soldato ay kailangan kong ipagmaneho ang Boss ko.

Wala siyang nagawa kung hindi pumunta sa kabilang bahagi nitong sasakyan at pumasok na din. Umupo siya sa tabi ko.

Pagtapos kong ikabit ang seatbelt sa akin ay binuhay ko na ang makina at pinaandar ito. Hanggang sa makalabas na kami sa gate ng mansyon at makarating sa kalsada. Tahimik lamang siyang nakatuon sa cellphone na hawak.

Ang cellphone na iyon ay kay Black. Kinuha nitong si Red.

"Hello!"pagalit na sagot ni Red sa kausap sa cellphone.

Tahimik ko lamang siyang pinakikinggan habang nagmamaneho ako.

"Wala si Black. Huwag mo siyang hanapin. Pupunta ako dyan ngayon. Magkita tayong hinayupak ka."

Pagkasabi niya nun ay tinapos niya na ang tawag at agad ibinulsa ang cellphone sa kaniyang palda.

"Sino yun?"tanong ko.

"Yung assistant yata nung Madam X."

Biglang pumasok sa isipan ko yung lalaking kausap ni Black ng sundan ko siya sa Death Batte Arena.

"Anong sabi niya? Hinahanap niya ba si Boss Black?"

"Obviously, hinihintay nilang pumunta si Black ngayon. Neknek nalang nila."sagot niya na natatawa.

Napailing iling ako at sinulyapan siya.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Ayon sa nalaman ko. Halos karamihan ng mayayamang VIP sa Death Battle Game ay mga Mafian Boss. Meaning, makapangyarihan sa lipunan. Hindi sila basta-bastang kalaban. May kung anong transaksyon si Black sa kanila. Hindi sila papayag na hindi magpakita ito ngayon. Lalo na at finals na pala niya sa Death Battle Globe."mahaba kong paglilitanya.

Alam kong galing si Red sa mafian family. Pero hindi pa siya ganap na mafioso. At wala dito ngayon ang ama-amahan niyang si Don Nicanor. Wala siyang panama kay Madam X. Lalo na kung maraming tauhan ito. Dalawa pa sila ni Black ang malalagay sa alanganin.

"Minamaliit mo ba ang kakayahan ko?"tanong niya na nagpabalik sa kasalukuyan.

Natigilan ako at nanahimik. Ang buo kong tingin ay nasa minamanehong sasakyan.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon