EPILOGUE

1.1K 39 16
                                    






Naniningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa dalawang lalaking nasa di kalayuan. Seryoso silang nag uusap at panay ang sulyap sa mansyong nasa kanilang harapan. Napapadyak nalang ako sa inis.

Napalingon ako ng maramdamang may kumalabit sa akin. Bumungad sa akin ang nakangising pagmumukha ng kapatid ko.

"Gabi na. Kailangan na nating umuwi."sabi niya.

Napabuga ako ng hangin sabay tango. Nang maglakad siya palayo ay tahimik akong sumunod. Hanggang sa makarating kami sa aming sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada.

Magkasabay kaming sumakay at mabilis ng pinaharurot ng aming driver ito paalis. Inis nalang ako napailing ng maalala ang nakakairitang eksena kanina.

Yung lalaking gusto ko. Tahimik na nakamasid sa babaeng gusto niya. Habang ako nakamasid naman sa kaniya.

"Red."tawag ni Black sa akin.

"Oh?"

"Bad mood ka?"

Napatango tango ako.

"Nakakairita kasi. Mukhang nagkakagusto na siya dun sa Queen Ice Buertavle na yun. Hindi hamak na mas maganda naman ako dun."taas noo kong sabi at bahagyang hinawi ang buhok kong humahaba na.

Si Queen Ice Buertavle ay kapatid ni Damon Buertavle. Isa sa pinaka-sikat na Mafioso sa henerasyon ngayon. Ang babaeng iyon ang tinatangi ngayon ni King Acel Genovese ang leader ng Top Famiglias.

"So, anong plano mo?"

Umiling ako sa kaniyang tanong.

"Ewan ko."

Hindi ko alam dahil ayoko ng gumawa ng paraan para mapalapit sa kaniya. Lalo na at siya pala si Lord A na Leader nga ng Top Famiglias.

Simula ng ibigay sa akin ni Daddy ang Scorpion Onźe na isa mafian group ay wala na akong ibang inisip at minithi na mapatay si Lord A ng Top Famiglias. Ito ay sa kadahilanang gusto kong sumikat, maging mas mayaman at makapangyariha sa lipunan. Pero dahil si King Acel Genovese si Lord A. Lahat ng yun ay iwinaksi ko na.

Hinding hindi ko siya kayang patayin.

Kahit pa katumbas nun ay mawala sa akin ang lahat ng pangarap ko. Basta hindi ko siya papatayin.

Ang problema lang. Si Daddy. Nang sabihin ko sa kaniyang nagbago na ang isip ko tungkol sa pagpatay kay Lord A. Nagalit siya at sinampal pa ako. Hindi ko daw siya pwedeng suwayin. Nalaman ko nalang na inutusan niya ang isa sa mga tauhan ko na kumuha ng mga taong tatapos sa buhay ni Acel.

Isa nga sa mga ito ay si Devil Jae Battaglia. Kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nakakatawa lang na kasama din nila sa grupo si Queen Ice Buertavle.

"What?!"gulat kong bulalas matapos marinig ang sinabi ni Blue.

Tumatango siya at umupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa sala. Kasama pa si Black, Green at Gray na nasa kabilang sofa naman nakaupo.

"Yes, Red. Nakakuha ako ng info na nasa Rivaillè Universitá ngayon si King Acel Genovese. Naka-enroll siya dun bilang estudyante."sabi niya.

"What the hell? Anong ginagawa niya dun?"nakakunot-noo kong tanong.

Natawa si Green.

"Baka sinusundan si Queen Ice."sabi niya.

Napatango tango si Gray.

"Obvious naman na may gusto siya dun kay Queen Ice."

Napasimangot ako sa pinagsasabi nila.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon