CHAPTER 9: Warning

439 28 11
                                    


"Blue!"malakas na tawag ko sa pangalan nito.

Napailing ako ng mapansing wala ng masyadong tao sa paligid. Mukhang halos karamihan ng mga estudyante ay nakauwi na. Ako, nandito pa sa Arlington at hinahanap si Blue. Kung saan-saang parte na ng eskwelahan ko siya hinanap pero wala pa rin. Kanina ko pa nga siya tinatawagan. Pero hindi niya sinasagot. Kaya ring say-say na hiningi ko ang copya ng cellphone numbers niya kay Gucchi kanina bago mag uwian. Hindi rin naman nito sinasagot.

Sandali akong huminto sa paglalakad at sinulyapan ang wrist watch ko. Napasimangot ako ng makitang mag a-alas sais na ng gabi. Sakto pang may panibagong text sa akin si Gucchi ng kunin ko ang cellphone sa bulsa ko.

- Hindi pa rin umuuwi si Boss Blue. Umuwi ka na. Uuwi rin daw yun sabi nila Boss Red.

Pagkabasa ko nun ay muli kong ibinulsa ang aking cellphone at naglakad ng muli. Nag decide na akong umuwi nalang talaga. Bukod sa hindi ko mahanap si Blue ay nagugutom na ako. Sana lang, umuwi na rin siya kaagad.

Paglabas ko ng gate ng Arlington ay walang taxi o kahit jeep na dumaraan. So, naisipan kong maglakad pa sa bandang dulo may makita na akong masasakyan. Ilang beses pa akong napaabuga ng hangin at hindi mawala-wala sa isipan si Blue. Sana ayos lang siya.

Huminto ako sa gilid ng isang kalsada at nag abang nalang ng masasakyan. Hanggang sa magawi ang tingin ko sa mga kababaihang maingay sa kabilang bahagi ng kalsada. Namilog ang mga mata ko ng makita si Blue na pilit hinihila ng dalawang babae patungo sa isang madilim na iskinita. Tapos may dalawa pang nakasunod sa kanila.

Hindi na ako nag abala pang tumingin sa kanan at kaliwa ko kung may daraang sasakyan. Basta tumakbo na ako patawid sa kabilang kalsada. Agad kong pinuntahan ang isikinitang pinagdalhan kay Blue.

Natanaw ko sila sa kaduluhan na pinagtutulungang bugbugin si Blue. Ang dalawa pa sa kanila ay may dalawang pamalo.

"Fuck! Tigilan ninyo yan!"sigaw ko at tumakbo na palapit dun.

Nagulat sila sa pagdating ko kaya agad silang lumayo kay Blue. Mabilis ko itong dinamayan. Lumuhod ako ng makalapit sa kaniya. Napailing ako ng makitang nakahiga na siya sa mabatong lupa habang umiiyak. Inalalayan ko siyang maupo. Napansin ko agad ang mga galos at sugat niya sa kaniyang mga braso at mukha. Ang buhok niya gulo-gulo na tila na rape ng kung sino.

"Ayos ka lang?"tanong ko.

Tumango siya habang patuloy pa ring umiiyak.

Inis kong binalingan ng tingin ang mga babaeng gumulpi sa kaniya. Ang mga babaeng ito ay nanatili sa kanilang kinatatayuan.

Base sa kanilang nga unipormeng suot ay mga estudyante din sila ng Arlington. Marahil ang mga ito ay kasama sa 10% ng mga babaeng estudyanteng hindi miyembro ng Morpeheous. Tulad ni Emma.

"Ano sa tingin ninyo ginagawa ninyo?"tanong ko sa mga ito.

Tinaasan ako ng kilay ng isa sa kanila.

"Binibigyan ng leksyon ang babaeng yan. Masyado siyang insecure kay Emma."sabi nito.

Peke akong natawa sa narinig.

"So, si Emma ang nag utos sa inyo?"

Walang sumagot. Nagkatinginan lang sila sa isat-isa. Dahan-dahan akong tumayo at inalis ang bag kong nakasabit sa likuran ko. Binagsak ko ito sa sahig at seryosong tinitigan ang mga babaeng nakapaligid sa amin.

"Matagal-tagal na akong hindi nakikipag away sa babae. Gusto ninyo ng sample?"

Seryoso ang tanong ko pero nagtawanan lang sila.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now