"Bigla na lang siyang tumawid sa kalye. Inakala kong nabunggo ko siya dahil bumagsak siya sa harap ng sasakyan. Dito ko siya dinala dahil ito ang pinakamalapit na ospital," he added the last sentence unnecessarily.

Tumango-tango ang doktor. "So hindi mo siya kilala?" Nilinga nito ang babae sandali na nanatiling nakatingin sa kawalan. Bumalik ang mga mata nito kay Aidan. "Hindi siya nagsasalita. She looked like as if she's in shock. Gusto mo ba siyang ipa-confine?"

Ipa-confine? Bakit naatang sa mga balikat niya ang gayong responsibilidad? Kung hindi niya nabundol ang babae ay wala na siyang pananagutan dito. He might as well went home. He needed his sleep that evaded him hours ago.

Out of curiosity, his eyes flew to the woman. Sino ang babaeng ito? Ano ang nangyari dito? She looked frightened. Nakaupo ito sa gilid ng stretcher na para bang nakahandang tumalon at tumakbo anumang sandali.

"You took her here, somehow, responsibilidad mo ang pasyente, Mister...?"

"Fortalejo. Aidan Fortalejo," wala sa loob na sagot ni Aidan. He was unable to tear his gaze away from the woman. Something about her brought out something in him he didn't care to understand. At hindi niya napuna ang bahagyang panlalaki ng mga mata ng doctor pagkarinig sa pangalan niya.

"Fortalejo as in Kristine et cetera?" ang doktor uli.

Doon lang inalis ni Aidan ang mga mata sa babae. Tinitigan ang doktor na tila ba may nasabi siya ritong hindi dapat.

"Kung kinakailangang i-confine ang pasyente ay gawin ninyo, doktor. I'll shoulder all expenses." Kung bakit niya sinabi iyon ay hindi niya alam at huli na para bawiin.

"Okay, follow me." Mabilis na tumalikod ang doktor, naroon ang eagerness na maibigay ang mabuting serbisyo. Hindi man sinagot ni Aidan ang tanong nito ay nakatitiyak itong isa sa mga lalaking Fortalejo ang kanyang kausap.

Sumunod sa doktor si Aidan. Unaware of all the covetous glances na ibinibigay ng mga naroroong nurses at pasyenteng babae.

Nang akmang magsasalita sa reception ang doktor ay hinawakan ito ni Aidan sa braso.

"Irehistro mo ang pasyente sa kahit na anong pangalang maisip mo, doktor. Jane Doe... no." Umiling siya. "Jane Worth..." Bahagya pa siyang nagulat sa pangalang lumabas sa bibig niya. Napatitig sa doktor. "I–I'm sure you understand."

"Of course, of course," nasisiyahang sagot ng doktor. Hindi nakakalimot ng utang-na-loob ang mga Fortalejo, gaano man iyon kaliit. This was his lucky day.

Habang ang doktor mismo ang nag-asikaso sa pagpapa-confine ng babae sa ospital ay sandaling natilihan si Aidan. Hindi pa nangyaring sa nakalipas na labing-pitong taon na nabanggit man lamang niya ang sariling pangalan. In fact, no one knew about it. Kay tagal na niyang kinalimutan iyon. Bakit bigla ay ang sariling apelyido ang unang pumasok sa isip niya?

Nakadama siya ng bahagyang guilt. Na para bang isa iyong kataksilan sa mga taong kumupkop sa kanya... sa mga taong itinuring siyang tunay na anak at itinuring din naman niyang sariling pamilya.

Ang maging incognito ay normal na nilang ginagawang magkakapatid at magpipinsan, subalit minsan man ay hindi niya naisip na gamitin ang sariling pangalan.

Bakit ngayon?

Bigla ay nakadama siya ng kalituhan. Napatingin siyang muli sa kinaroroonan ng babae. Naroon pa rin ito. Tuwid na nakaupo. Ang mga mata ay nagbabadya ng takot. Iniisip niya kung alam kaya ng babaeng kanina pa niya ito pinagmamasdan.

Subalit sa nakikita niya ay tila wala itong pakialam sa paligid, sa ingay sa loob ng ER, sa tawagan ng mga nurses at doktor. Nakaupo lang ito nang tuwid at tahimik. Nakatitig sa kawalan, in some distant point in space that only she seemed aware of.

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now