Di n'ya ba ako napansin or naramdaman man lang?

"Bakit di ka man lang kumatok? Para alam kong may tao d'yan." Sambit nito sabay bangon pero hawak padin ang cellphone.

"Ah nakabukas kasi yung pinto kaya tinulak ko nalang gamit ang paa ko tsaka isa pa di ko rin naman magagawang kumatok kasi may bitbit ako,ayan oh" paliwanag ko sabay turo ng tray na may lamang pagkain.

"Ay sorry di kita napansin" pag papaumanhin nito.

"Ok lang,kain ka na." nakangiti kong sambit kahit sa loob-looban ko parang may kakaiba nanaman sa nararamdaman ko.

"Kaya mo ba?" Pag aalala ko dahil baka nahihilo s'ya or di n'ya kayang kumain.

"Yup,kaya ko" sambit nito sabay kuha no'ng tray na kanina lang ay nakalapag sa lamesa.

Pinanuod ko lang s'ya kumain. Habang pinapanuod ko s'ya ay pinag mamasadan ko narin ang kagandahan n'ya.

Ang ganda mo talaga 'no!

Walang kupas ang ganda mo kahit may sakit ka!

"Ang sarap nito ha!" Biglang sambit nito na nakapag pabalik sa'kin sa kasalukuyan.

"Ah o-oo special kasi 'yan p-para sa'yo" nauutal kong sambit.

Nang mapansin n'yang tulala ako kanina ay natigil ito sa pag nguya at tiningnan ang sarili.

"Anong tinitingnan mo?" Takang tanong nito.

Bigla naman namawis ang kamay ko sa itinanong n'ya

"A-ah wala pinapanuod lang kita kumain" pag papalusot ko.

"Ah gusto mo rin ba nito?" Tanong nito sabay turo sa pagkain n'ya.

"Ah hindi sayo lang 'yan,kumain na 'ko" sangguni ko na nakapag patango sa kanya.

Para hindi s'ya ma-bother sa tingin ko ay kinausap ko nalang ito.

"So bakit ka nga nag kasakit?" Tanong ko dito na ngayon ay nakatuon na ang attensyon sa cellphone.

Parang kanina lang kausap n'ya ako ngayon nasa cellphone nanaman ang attensyon nya.

Ilang minuto akong nag hintay sa tugon n'ya pero hindi padin s'ya sumasagot.

Nag isip nalang ako ng iba pang tanong na pwede kong matanong sa kanya para pag tuonan nya ako ng pansin.

Alam ko na! "Matagal na ba kayo mag kaibigan ni Ivan?" Tanong ko dito ngunit di padin ako tinutuonan ng attensyon.

Sino ba ang ka-text nito at hindi man lang ako magawang tuonan nang attensyon?

Panay nalang ang dutdut nya sa cellphone nya at hindi man lang ako magawang tuonan nang attensyon. Pati sa pagkain napapatigil sya sa pag nguya dahil lang sa cellphone.

Nice talking huh!

Palagi nalang pag cellphone ang kaharap n'ya iba ang expression n'ya,pero pag kami lalo na ako masyadong normal at hindi n'ya maibigay ang expression na ibinibigay nya sa cellphone nya pag kami ang kaharap nya.

Hindi ko na matiis ang makitang naka ngiti s'ya kapag cellphone ang kaharap n'ya at hindi ko narin matiis na di n'ya ako mapansin dahil sa lintik na cellphone na 'yan kaya naman tumayo ako at hinablot ang cellphone na kanina lang ay hawak nya.

"A-ano ba ibigay mo sa'kin yan!" Sigaw nito at Pilit na abot ng cellphone nya sa kamay ko.

Ganon na ba talaga kahalaga ang cellphone na 'yan sayo? Huh?

Nang makuha ko na ito ay agad kong tiningnan kung ano ba talaga ang meron sa cellphone na 'to.

1 text message  from Ivan

___________________________

Kain ka na para gumaling ka

Receive: 6:53 am
__________________________

With a heart pa talaga huh?!

"Akin na kasi 'yan!" Pilit nitong agaw sa cellphone nya.

Sa sobrang inis ay naihagis ko ito sa sahig dahilan para mabasag ito.

"Ano ba'ng problema mo?!" Sigaw n'ya sabay tulak ng malakas sa'kin.

"Tingnan mo ngayon ang ginawa mo sa cellphone ko?!" Sambit nito habang hawak-hawak ang basag-basag n'yang cellphone.

"Ano ba kasing problema mo?!" Naiinis nitong sigaw.

Bigla nalang kumuyom ang kamay ko sa sobrang galit.

"Ayan! Ayan ang problema ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ano?"

"Ayan! Palagi nalang d'yan nakatuon ang attensyon mo?!" Pasigaw na sambit ko.

"Kinakausap kita ng maayos pero hindi mo na ako magawang pag tuonan ng attensyon dahil sa lintek na Ivan na 'yan?!" Dugtong ko pa.

Di ko na ma-control ang sarili ko dahil sa galit.

"Ano ba'ng problema mo sa kanya?! Hindi ka naman n'ya inaano ha?!" Kunot noo'ng sigaw nito sa'kin.

"S'ya ang problema ko?! Dahil palagi nalang sa kanya nakatuon ang attensyon mo?!" Di ko na mapigilang ilabas ang galit ko dahil sa Ivan na 'yun.

"Ano naman kung sa kanya nakatuon ang attensyon ko?!"

"Atsaka Hayden! Hindi na kita kilala,hindi ko alam bakit nag kakaganyan ka! Nag ba-ba-bago ka na!" Sumbat nito sakin.

"Ow wow! Ako pa talaga 'yung nag bago ha!" Sambit ko sabay pakawala nang pekeng tawa.

"Oo ikaw! Ikaw ang nag bago dahil hindi ka naman ganyan sa'kin dati!" Pag didiin nito na tama ang sinabi nya.

"Bakit di mo kaya itanong sa buong squad members natin kung sino talaga ang nag bago?! 'Yung totoong nag bago?!"

"Alam mo nakakapikon ka na ha!" Pilit nyang pag papakalma sa sarili nya pero napapasigaw padin sya.

Totoo naman talaga na s'ya ang nag bago. Gano'n na ba sya kamanhid dahil sa letseng Ivan na 'yun.

"Fine! Edi aalis nalang ako! Baka kasi nakaka storbo pa ako sa inyo n'yang Ivan mo!" Nanggagalaiti kong sigaw sabay sarado ng pinto.

Pag labas ko ng kwarto nila ay agad akong dumiretso sa kwarto naming mga boys.

Di ko na talaga mapigilang ilabas ang galit ko ni hindi ko na magawang ikalma ang sarili ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

To be Continued..

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Where stories live. Discover now