1. Ecstasy

293K 6K 1.2K
                                    

"Merry Christmas, Mama!"

Halos takbuhin ko ang distansya ng pintuan at ng Mama Aura ko. I was very happy to go home and be with my family this Christmas. Matagal ko rin silang hindi nakita dahil hindi naman ako lumalabas ng semenaryo para uumuwi. Madalas ay sila ang dumadalaw sa akin pero noong mga nakaraang buwan ay hindi sila nakakapunta dahil na-dengue si Casiel at matagal siyang na-confine sa ospital. Ayo slang naman sa akin ang mahalag ay gumaling si Casiel. Isang beses ay lumabas ako para dalawin siya sa ospital. Tulog lang siya noon maghapon kaya hindi rin kami nagkita.

Mama hugged me so tight. Naluluha pa siya habang tinitingnan ako. She even kissed the side of my lips and hugged me again. Mukhang miss na miss ako ng Mama ko. Niyakap ko rin naman siya nang napakahigpit. Ang buong akala ko ay hindi ako papayagan ng mga pari na lumabas dahil hindi naman nagsiuwi ang mga kaklase ko - they will be celevrating Christmas inside the seminary and for me that's just sad.

"Bakit naman pumayat ka? Hindi mo ba kinakain ang mga padala ko? Kulang ba iyon, anak?" Napapahikbi si Mama. Hinalikan ko siya sa noo. Kinakain ko naman ang mga padala niya kaya lang ay may kahati ako. Nahihiya naman kasi ako sa mga kaklase ko na halos walang makain - ang iba ay hindi pa natitikman ang pagkaing ipinadadala sa akin kaya binibigyan ko rin sila. Isa pa - hindi talaga ako main. Mas gusto kong tahimik lang at nagbabasa. Iyon lang naman ang buhay ko sa semenaryo.

"Puntahan mo ang Papa mo sa itaas at miss na miss ka na rin noon." Nakangiting wika ng Mama ko. Tumango ako at dinala ang mga gamit ko. Pinuntahan ko si Papa sa private office niya - pagpasok ko pa lang ay agad ko na siyang nakita na nakatingin na naman sa planong nakalatag sa harapan niya. Like what I've said before - my father is one of the richest man in the country - hindi lang siya kundi ang mga kapatid niya. But my dad, he is dominating the architectural industry. Siya at ang Uncle Lukas ko ang madalas manalo sa mga bidding ng kompanya. They have that kind of reputation - corporate people call the two of them The Demonic Tandem.

"Pa." Tinawag ko siya. He looked up at me and smiled widely after seeing me. Niyakap niya ako nang napakahigpit. Parehomg-pareho sila ni Mama ng reaksyon. Matagal pa kaming nag-usap ni Papa. Kinakamusta niya ang buhay ko sa semenaryo at kahit pabiro ang tanong niya kung sigurado daw ba talaga ako sa pagpapari ko - alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. I know that he wants me to follow his footsteps. He wants me to be a businessman but the things is - God called and this is me following what my heart truly desires.

Matapos ng usap ay pinuntahan ko si Casiel sa silid niya para surpresahin siya pero habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kanya ay ako naman ang na-surpresa. Casiel was sitting on her study table, she was watching something on the internet and I got the biggest shock of my life when I realized what she was watching.

"Casiel! Bakit nanonood ka ng porn?!"

"Ku-kuya!"

"Por dios por santo!" I exclaimed. Agad niyang pinatay ang computer at saka humarap sa akin. Wala siyang nagawa kundi ang magkamot ng ulo at ngumiti na tila ba nahihiya. She was biting her lip too.

"Sorry kuya, curious lang naman ako. Iyong mga classmate ko kasing lalaki nanonood ng porn. Gusto ko lang maintidihan sila." Mahinang paliwanag niya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. She was watching porn for the sake of her friends?!

Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinatak ako. "Huwag mo akong isusumbong kay Papa, kuya papaluin niya ako!" Huminga ako nang malalim. Ginulo ko ang buhok niya.

"Wag mo nang ulitin ha! Halika nga dito at na-miss kita bunso!" Natatwang wika ko. Nakangiti na siya nang yumakap siya sa akin. Hinagkan ko naman siya sa pisngi tapos ay inaya sa labas pata tulungan si Mama sa pagkabit ng Christmas tree.

Harder to breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon