12. 360

190K 4.6K 397
                                    

"Bakit ba hindi ka makipag-date para hindi ka palaging nakikita ng mga kapatid mo?"

It was a Sunday morning and I decided to spend the day with James. We went to the gym and I told him about my siblings who still thinks about what I did in the past. Iyong tipong naka-move on na ang lahat ng tao pero silang tatlo - lalo na si Georgina. Halos araw-araw niyang ipinamumukha sa akin ang mga pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. It's one of the reasons why my ex-boyfriend Jessico left me. I told him about my dark days, I was thinking that he would understand because he said that he loves me pero nang malaman niya ang nangyari sa akin at ang mga ginawa ko ay iniwan niya ako. That reason alone was enough for me to be aloof with every guy - except for James and my cousins. Kilala na kasi nila ako, alam nila ang tungkol doon at kahit kailan ay hindi nila ako hinusgahan because of that. Kaya hanggang ngayon, sila pa rin ang kasama ko, at hanggang ngayon ay takot ako sa tao.

"What for?" Tanong ko kay James habang tumatakbo ako sa thread mill. James was on the other thread mill walking. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan niya pang mag-work out, buff naman siya. He has an eight pack abs, he had a body that every girl will die for. Iniisip ko na sumama siya sa akin para hindi ako mag-isa. I know him, nararamdaman niya siguro na may problema ako.

Huminga ako nang malalim. Hindi naman problema si Javier Consunji. Ang ayoko lang ay ginugulo niya kasi ang isip ko. Hindi nga ako makapaniwala na pinatulog ko siya sa bahay nang gabing iyon. I let him inside my room, I let him in my bed and I let him kiss me until I fall asleep. Iyong mga bagay na hindi ko nagawa noon ay Jessico ay nagagawa ni Javier sa akin at hindi ako naiilang. Para bang iyon ang pinaka-natural na bagay na pwede naming gawin. Nakatulog ako nang nakapalupot sa buong katawan ko ang mga kamay niya. It felt so good. I never sleep so soundly before. Nang magising ako at nakita kong wala na siya sa tabi ko ay ganoon na lang ang pagkalungkot ko. I want to see him. I want to be with him. I want him. Period. Gusto ko siya at inuulit-ulit ko iyon sa sarili ko and there's nothing wrong with liking him.

Javier is a very likable person. Creepy at first, but likable. I kinda miss him too. Ilang araw na siyang walang paramdam. Ang huling sabi niya sa akin ay nasa Cebu siya. Gusto kong itanong kung anong ginagawa niya doon pero I stopped myself because I'm not in the right place.

"To have fun, to experience, para kiligin ka. Kapag naiihi ka na lang yata kinilig." Tumawa pa siya nang malakas. Namula ang mukha ko. Iniarapan ko siya tapos ay binato ng tuwalya. Nagkulitan na lang kaming dalawa habang naglalakad ako sa thread mill. James is indeed very fun to be with. Walang dull moments pagdating sa kanya.

Umalis kami sa gym nang alas dos ng hapon. Dumiretso kami sa yellow cab para kumain. Nagkekwentuhan pa rin kami. Kinukulit niya ako tungkol sa pakikipag-date ko sa iba. He said that he would pair me up with one of his friends. Umayaw ako. Kilala ko naman lahat ng kaibigan ni James. It includes, Zachary Drew - the international singer, father of one and currently dating someone really special, Adrian Christopher, son of Robi And Ian Santos, Atlas Katigbak, singer, song writer, award winning director, Gerd Brian - weirdo. Iyon ang mga tinatawag niyang kaibigan at lahat sila, may kaso sa akin. Hindi sa hindi ko sila gusto pero kinalakihan ko sila and I'm so used to them.

Nag-ikot pa kami sa Mall Of Asia. I was holding my favorite cold drink while James was on the phone talking to his secretary. Nagtitingin lang ako sa mga display windows ng mga boutique. Lakad lang kami nang lakad hanggang sa makarating kami sa sea side ng mall. I was standing on the bridge overlooking the ocean.

Looking at the ocean calms my nerves, naiisip ko pa nga na kung nandito sana si Javier, it will be calmer. Gusto ko siya talagang makita. Napatingin ako kay James. Kausap niya pa rin ang secretary niya, sumenyas ako na bababa lang ako sandal at lalapit sa Ferris wheel. When I got there, I noticed a bunch of people carrying a big box. Hindi ko naman na pinansin but as I walk around, roaming aimlessly, nabangga ako sa kung saan and it hit my head hard, napaupo ako sa pavement. Nakadama ako ng pagkahilo.

Harder to breatheWhere stories live. Discover now