25. Oh Yes!

186K 5K 918
                                    

Hindi kita ibabalik hangga't hindi ka nabubuntis kaya mag-ready ka na.

Kung gaano katagal na kaming nasa byahe ay ganoon din ang tagal nang panlalaki ng mga mata ko. Kung ano-anong sinasabi ni Javier Consunji! Nanlalaki din ang mga mata ko dahil ngayon ko lang na-realize na nakasuot talaga siya ng abito. May malaking krus pang nakasabit sa kanyang leeg. He really look like a priest. Pero kahit ganoon ay nagawa ko pa ring pagsusuntukin siya sa balikat. Naiinis ako. He ruined my okay ending!

"Danelle, masakit!" He yelled at me. Bigla siyang bumaling sa akin na naging dahilan para kumawala ang buhok niya mula sa pagkakatali nito. Napasinghap ako. How was it possible that every damn time I look at him, mas nagiging hot pa siya? Pinagalitan ko ang sarili ko dahil hindi dapat ang hotness niya ang inaatupag ko kundi ang pagpupumiglas para makabalik sa kasal ko. Buo naman na kasi ang desisyon ko pero bakit may nararamdaman akong katuwaan ngayong nandito si Javier sa tabi ko.

Nandito siya sa tabi ko. Hindi lang iisang beses kong inulit ang bagay na iyon. Nasa tabi ko siya. Kinuha niya ako mula sa kasal ko at magkasama na kami. Ibig sabihin hindi niya ako sinukuan. He fought and maybe that means something.

Hindi na ako nagsalita. Pinatahimik ako ng realization na iyon. Kinakabahan naman ako ngayon. Parang sirang plaka kasi sa isipan ko ang lumabas na mga salita sa bibig niya.

Bubuntisin niya ako. Nataon naman na fertile ako ngayon. I am ovulating at sa kadahilanang iyon baka magtagumpay siya sa plano nya. Lumiko kaming dalawa. Napansin ko na nasa labas na kami ng mismong siyudad at wala na akong nakikita kundi gubat at dagat sa kabila. Lumiko ka isang eskinita at makalipas ang ilang saglit at inihinto ni Javier ang sasakyan.

Ni-park niya ang kotse at saka bumaba. Umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan. Suot niya pa rin ang abito niya at kahit ayoko ay natatawa ako habang nakatingin sa kanya. He wanted to be a priest pero hindi naman bagay sa kanya ang pagiging pari.

Medyo bad boy kasi si Javier at kung naging pari siya, hindi bagay. I imagine the girls who will attend church every Sunday. Javier will be like a priest rock star. Hindi bagay sa kanya ang maging pari. Hinatak niya ako palabas ng sasakyan. Hatak niya pa rin ako habang naglalakad. Tila ba ayaw na niya akong pakawalan. Hindi naman na ako kumibo o nagpumiglas pa.

Mahal ko siya and being with him and considering the effort that he put in now, naisip kong ayoko pala ng okay ending lang - gusto ko ng happy ending. I want that with him. Ayoko nang maging playing safe. Minsan sa buhay ko naging pariwara ako - I was a risk taker back then and no matter how dark the past was, I knew that some of the brightest memory I had. Pinipigilan ko lang ngumiti.

He plans on getting me pregnant - all I could think is -- tuloy na ang spg namin! Oh my god!

Napansin ko na papalapit kami sa dagat. At napansin ko rin na naroon ang mga pinsan niyang babae. Kung kanina sa simbahan ay naroon ang mga pinsan niyang lalaki, ngayon naman ay ang mga babae pagkatapos ay ang kapatid niyang si Casiel. Nina Consunji was there too with that little girl. May isa pa silang kasamang babae na nakasalamin and of course the high and mighty, Hera Consunji - Vejar.

May nag-iisang lalaki silang kasama, his eyes were green and he was standing beside Yza Demitri.

"Helios! Ate Yza, Hera, Gianna, Yna, Nina. Bathseeba and of course, Baby..." Sigurado ako na si Casiel ang baby na tinawag niya.

"Meet Danelle, my wife. Now, enough of the greetings, pagbalik na lang namin. Hush now and bye!"

Nagugulat talaga ako kay Javier. Para bang madaling madali siya. Maiiwan ba kami ng flight? Saan niya ba ako dadalhin? Ano ba ang balak niya sa akin. Nahigit ko ang hininga ko. Para bang sikip na sikip na ako sa gown na suot ko. It's like the dress was never meant for me - parang kami ni Roge.

Harder to breatheWhere stories live. Discover now