22. Kailangan Magmadali

143K 4K 634
                                    

Ahhh! Putang ina! I told you, Javier I can do this by myself!

Naririndi na ako sa kakasigaw ng kaibigan ni Javier. I was looking at his face, nawawalan na siya ng kulay - ang labi niya ay parang ibinabad na sa suka. Hindi ko na siya maintidihan. Bakit hindi niya dalhin ang kaibigan niya sa ospital? Binalingan ko si Javier na nakatayo lamang sa likuran ko. I was holding a tool - isang sterilized na plais tapos stainless na gunting. Ipinababad ko rin kay Javier ang karayom na gagamitin ko para sa pagtahi ng sugat niya.

"Bakit ba hindi mo na lang siya dalhin sa ospital? Mas may facilities sila doon!" Tumayo ako. Inilabas ko ang phone ko para makatawag na ako ng ambulance but Javier took my phone and smashed it to the wall.

"At ano? Kapag dinala ko si Adan doon, they will ask why he was shot, darating ang mga pulis. We have some questions that we cannot answer."

"Bakit? Hindi ko maitindihan. Is he.... A criminal?"

"Secret Agent." Sagot ng lalaki sa likuran ko. "Hi, I'm Adan Narciso. I work for SS." Nanlaki ang mga mata ko. If he works for the FBI why was he shot? May hinahabol ba siyang criminal? Does Javier works for the FBI too? How about my phone? Paano tatawag sa akin s Czacza at s Roge? Anong gagawin kong paliwanag kay Roge? Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Javier dahil baka kung anong isipin niya. Hindi nga dapat ako nandito.

At dapat hindi ako nagpatangay sa halik niya! Wala na kami! Iniwan niya ako! He shut me out! Napasabunot ako sa sarili ko. Ngayon lang bumabalik sa akin ang lahat ng pangyayari noon. Ngayon ko lang naiisip ang mga ginawa niya ay ang ginawa ko para makalimot at hind na maramdaman ang sakit. I looked at him.

"Hindi ako dapat nandito. Babalik na ako sa hotel!" I announced. Nanlaki ang mga mata ni Javier.

"And what? Iiwan mo si Adan nang ganyan? Mamamatay siya! Mawawalan siya ng dugo! I can't let him die!" He was now being frantic.

"Why? Is he your lover?!" I exclaimed. Don't tell me na noong hindi niya ako hinanap ay nag-convert na siya sa pagiging bakla? Hindi pwede! Bakit pa siya nagpalaki ng katawan kung magiging bakla lang din siya?

"I can't let him die because of my sister so please just try to operate on him." Sinserong wika niya. Somehow, I was touched by the way he begged me. Para sa kapatid niya. Mahal talaga ni Javier ang kapatid niya. I just sighed. Bumalik ako kay Adan. He was smiling kahit bakas na sa mukha niya ang sakit at hirap ng pakiramdam niya.

"Thank you, Adan." Narinig ko pa si Javier. "For saving my father."

"Didn't do it for you. It's for her. It has always been about her. There was never a moment that I didn't regret my actions, Javier. I wished it goes the same for you."

Napatitig ako sa lalaking ito na nagsasalita. Ano bang sinasabi niya?

"Right. Do you think that she thought about me even for a while, while she was away? But why would she do that? After seven months, she got engage."

I bit my lower lip. Napadiin din ang pagkakahawak ko sa sugatang parte ni Adan kaya napasigaw siya.

"Huwag ninyo akong pag-usapan habang nandito ako! At oo, tama ka Javier, hindi kita naisip habang nasa Spain ako! Why would I do that? You left me. You didn't even let me explain. You shut the door and called me whore tapos may gana ka pang magtanong kung inisip kita habang wala ako? Pwes hindi! Hindi ako ganoon Katanga para isipin ang taong nanakit sa akin!"

"Aray! Iyong sugat!"

Nabigla ako. Lalong lumakas ang dugo ng sugat ni Adan.

"I'm sorry!" I gasped. Nilagyan ko ng pressure ang part na iyon tapos at inutusan ko si Javier na takpan ng malinis na towel ang sugat na iyon. I am focusing on taking out the bullet. Iyon ang dapat kong ginagawa. Iniisip ko ang mga nakaraang operasyong pinanood ko sa ospital. Ganito lang iyon - hindi major, saglit lang. Wala akong dapat ikatakot.

Harder to breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon