17. Simula

147K 3.6K 330
                                    

"Where are you even going? Nandito ako, bisita ako, dapat asikasuhin mo ako!"

Nakasakay ako sa Ducatti ko habang tinitingnan ko si Georgina. Hindi ko alam kung anong pakay niya sa akin kaya takang-taka talaga ako na sa disoras ng gabi ay narito siya. I just shrugged. Wala akong panahon kay Georgina. Hindi naman siya mahalaga. Mas gusto kong puntahan si Danelle. Siya ang mahalaga. Siya ang dapat kong kasama. Siya naman ang pakay ko kaya kung may ibang pakay sa akin ang kapatid niya, kahit na ano pa iyon ay wala akong panahon.

Ni-start ko ang motor. Hindi na ako nag-abalang magsuot pa ng helmet. Saglit ko lang naming lalakbayin si Danelle, but then Georgina took a hold of me.

"Javier! Pansinin mo ako!" Tila ba galit na siya. I glared at her. "Ano bang nakita m okay Danelle? Do you know how fucked up she is? Drug addict siya! Kung ano-anong ginawa niya dati! Hindi na nga namin alam kung anong hindi at kaya niyang gawin! She's fucked up! I have a feeling na hanggang ngayon, dependent siya sa drugs! Gugustuhin mo bang makasama iyon? Hanggang ngayon, may contact pa din siya sa dealer niya!"

I shook my head. How could she be this desperate? How could she do this to her sister? Hindi ba siya tinuruan ng mga magulang niya na galangin ang kapatid niya? My parents told us to love and respect our siblings. Lumaki akong malayo ang loob kay Gabriel pero kahit kalian hindi ko naman siya siniraan sa iba at kahit kalian ay hindi ako nakadama ng inggit sa kanya. I love Casiel - she is my only princess and no matter what she does, I will always love and cherish her pero ang babaeng ito.... I just smirked.

"Iba talaga ang nagagawa ng inggit, ano?" Nakangising wika ko. "Kung iyan pala ang ipinunta mo ditto, Dra. Varess, you're too late. I know that already, pero sigurado din ako na hindi totoo ang halos lahat ng sinabi mo. Danelle was an addict, but she has no more contact with her dealer. She's doing better, she's living a positive, healthy life and that's enough for me. Hindi ko na kailangan ng iba pang detalye -- lalo na kung nangggaling sa'yo. Have a good night, Doctor." Kinindatan ko siya at saka ko siya tuluyang iniwan. Hindi na ako lumingon pa.

Maingat ako nagmotor papunta sa babaeng gusto kong Makita at hindi naman ako nabigo dahil bago pa ako kumatok sa pintuan niya ay tinatawagan na niya ako. I answered her call and I smiled when she told me that:

"Javie, I couldn't sleep. Nasaan ka?"

There was such innocence in her voice that it actually melted something inside of me. Huminga na lang ako nang napakalalim at tinanong sa Panginoon kung napatawad na ba niya ako sa pagsira sa pangakong minsang binitiwan ko sa kanya para ibigay niya sa akin ang ganito kagandang regalo.

"I'm outside your doorsteps, baby." Sagot ko naman. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto and there was Danelle in her oversized shirt and bootleg short. Her hair was all over the place and she has no make- up on. Kahit na ganoon ay napakaganda niya pa rin. Lumapit ako sa kanya at nang nakatayo na ako sa harapan niya ay ipinalupot niya sa leeg ko ang mga bisig niya. She even wrapped her legs around my waist while put my arms around her and carried her like she is the most fragile thing in the world.

"I missed you. I can't sleep I kept on seeing you when I close my eyes. Good thing you are here."

Applicable ba sa lalaki ang kiligin?

Kasi kinikilig ako.

I cleared my throat. Dinala ko siya sa silid niya at doon ko siya hiniga sa kama. I laid beside her. Niyakap niya lang lalo ako. She, then looked at me.

"Narinig mo ba na gusto kitang makita?" Her eyes were wide and I see it sparkle. Hndi ko alam kung possible ba iyon but I can see it. Nakahilig ang ulo niya sa dibdib ko. Nakatingin lang naman ako sa kisame. I was talking with my God - asking him what I did to deserve this. Hindi kasi ako makapaniwala na kasama ko si Danelle ngayon at mas lalong hindi ako makapaniwala na mahal ko siya.

Harder to breatheWhere stories live. Discover now