24. Dearly beloved

149K 4.9K 1.1K
                                    

I was just guessing at numbers and figures

Pulling your puzzles apart

Questions of science; science and progress

Do not speak as loud as my heart...

Tell me you love me

Come back and haunt me

Oh and I rush to the start

Running in circles, chasing our tails

Coming back as we are...

 

 

Everything is set. I am getting married today but here I am and I am listening to the best break up song I have ever heard. Hindi ko alam kung anong meron sa kantang iyon pero gusto ko itong pinakikinggan palagi. Somehow, it reminded me of the pain  am feeling whenever I think of Javier Consunji.

Nasaan na kaya siya? Wala na akong naging balita sa kanya at kahit na gusto kong makibalita ay hindi ko naman alam kung kanino ako lalapit. I sighed. Nasa loob ako ng kwarto ko sa mansion namin. I was looking at my reflection in the mirror. I am getting married today and I don't feel like getting married at all.

Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan. Bumuukas iyon at nakita ko si Mommy na pumasok na. Kasunod niya si Georgina na hindi naman maipinta ang mukha. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Hindi ko na nga maintindihan kung bakit. Kami nila Marcus at Pablo ay ayos na, si Georgina na lang talaga. Madalas silang mag-away ni Czareena dahil sa akin. Hindi ko naman na gaanong pinagpapansin. Malaki na si Georgina, alam na niya ang tama at mali, nga lang, mas pinipili niya ang mali.

"Good morning to the bride!" Mom exclaimed. "I'm so excited for this, baby! Hindi ako makapaniwala!" Hinagkan ako ni Mommy sa pisngi tapos ay tinawag si Georgina. She was staring at me. Akmang may sasabihin si Mommy nang ma-realize niya na hindi niya pala naisama ang make- up artist na gagawa sa akin. Naiwan kami ni Georgina sa loob ng silid ko.

"Hindi ka masaya." Wika niya bigla. "It's your wedding and yet..." She shook her head. "Nakakatuwang isipin na hindi ka masaya sa desisyon mong ito, Danelle." Napanganga lang ako. Hindi ko na lang papansinin ang mga sinasabi ng kapatid ko. Kailangan ko munang i-relax ang sarili ko dahil araw ng kasal ko ngayon at kailangan maganda ako. Kung hindi titigil si Georgina sa pinagagawa niya ay babanatan ko na lang siya. Sana 'wag na siyang dumagdag sa frustrations ko sa buhay.

"If you're not happy, why are you doing this?" Nagulat ako sa pagbabago ng tono ng kanyang boses. Napatingin ako kay Georgina. "Wedding mo ngayon pero The Scientist ang pinakikinggan mo? Are you breaking up with Rogelio?" Parang nangiinis na wika niya. Hindi ako kumibo. I hate my sister – lalo na kapag naalala ko na may nangyari sa kanila ni Javier. Isang bagay din iyon kung bakit hindi ko sila matanggap – kung bakit hindi ko mapili si Javier. No matter how intense my feelings are for him, he slept with her.

"I know what you're thinking." Sabi pa niya. "Walang nangyari sa amin ni Javier noon. Iniinis lang kita. Naiinis kasi ako sa'yo, Dan, why do you have it easy? Ako iyong mabuting anak, ako iyong sumusunod sa yapak ni Daddy. Ako ang next hospital director, ako ang matalino and yet they love you more than me. Addict ka eh, pero ako na sober, na matalino, number sa boards, scholar, maraming achievement, ako pa ang nakulong  sa'yo, Inggit na inggit ako sa'yo, Dan. So when you left and did drugs, I was so happy. Ako na ang magaling but still..." She sighed. "You're still the best ad that pissed me off more."

"Hindi ko kasalanan iyon." Mariing wika ko. I cannot believe that I am having this conversation with her.

"Alam ko. I just hate you." Wka niya pa. She even made a face. "But no matter how much I hate you, I can't let you be sad forever. Why would you marry Roge if you don't love him? Our parents love each other, I know you know what love looks like, Dan, why marry him?"

Harder to breatheWhere stories live. Discover now