Epilogue: Change

255K 6.6K 2.3K
                                    

"Ma!"



Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Javier. It's been three months since that last time I saw him. My baby boy had had his very happy ending with the love of his life. Parang maayos na nga ang mga anak namin ni Adam. Kaagad akong lumabas ng kusina para salubungin ang bunso kong lalaki at bigyan siya ng yakap at halik. He hugged me back. Hawak niya ang kamay ni Danelle na nakatayo sa kanyang gilid. Matapos kong hagkan ang pisngi ni Javier ay hinagkan ko si Danelle at niyakap nang napakahigpit.


Kompleto ang mga anak naming ni Adam ngayon. Javier is here. Narito rin si Gabriel at siyempre ang bunso kong si Casiel. I was cupping Danelle's face.

"May laman na ba ito? O mahina talaga itong si Javier ko?"

"Ma!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Tinawanan ko lang si Javier at saka hinatak si Danelle patungo sa kusina. Pagpasok ko doon ay nadatnan ko si Mara na karga si Amriel – ang two years old kong apo. I smiled at my daughter-in-law.

"Sabi ko sa'yo 'wag mo nang masyadong kargahin si Amriel at maipit iyang nasa sinapupunan mo!" Kinuha ko ang apo ko at nilaro siya. Mara was laughing at me. Naalala ko noong unang beses siyang dinala ni Gabriel sa masyon na ito. Nagpakasal na sila noon – at talagang nakadama ako ng inis sa babaeng ito but when I saw how in love she was with my son – I couldn't get any happier.

"Kamusta na, Danelle? Buntis ka na ba? Iyon kasi ang huling salitang iniwan sa amin ni Javie." Mara giggled. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Gabriel kasama ang panganay nilang si Miguel. Lumalaki na ang mga apo ko at nadadagdagan pa sila.

"O! Dan! May laman na ba ang tyan mo?"

"Gab! Hindi nga tyan! Sinapupunan!" Mara said. Gab kissed her cheeks.

"Iyong amin meron na eh! Pang-tatlo! Mahina talaga si Gab! Naunahan pa yata ni Casiel!" Napuno ng tawanan ang paligid ko. Gustong-gusto ko ang mga pagkakataong ganito na nakikita ko kung gaano kakuntento ang mga anak ko.

Hindi ko napansin na sumunod sa amin si Javier. I asked him again. "May laman na ba?"

"Oo nga, bunso! Meron na ba?" Sinegundahan pa ako ni Gabriel ko. I was just smiling.

"Oo! Meron na! Mama naman! Mamaya pa namin sasabihin eh!" Inis na inis na wika ng anak ko. Hindi ako makapaniwala. The kids are growing fast and I feel like they are going to leave me soon. Nahihirapan akong tanggapin na may sari-sarili na silang buhay – ang tanging gusto ko lang ay ang tulad ng dati na isang tawag ko lang, nagdadatingan ang mga anak ko, but now, just in Gabriel's case, nasa Amerika siya, doon na sila nakabase ng asawa niya kaya hindi ko na siya madalas makita.

Si Javier naman, nandito nga siya but he's about to leave too. Sa dalawang manugang ko, si Mara ang nakatikim ng galit ko. Pakiramdam ko kasi noon ay inaagaw niya ang panganay ko. Ilang beses din naming pinag-awayan ni Adam ang bagay na iyon, but I came around. And now we're here.

Niyakap ko si Javier ko at si Danelle. Masayang-masaya ako para sa kanila. Matapos ang kantyawan at ang biruan ng magkakapatid ay nagpaalam akong tatawagin na si Adam para sa aming hapunan.

"Mara, Danelle, magpahanda na kayo ng mesa at baka gutom na ang Papa ninyo." Tumalikod ako para tunguhin ang hagdanan. Umakyat ako at nagtungo sa private office ng mahal ko. Natagpuan ko siyang nakatayo sa terrace at nakatingin sa kung saan. Mula sa likuran ay niyakap ko siya. Gumapang ang kamay niya palibot sa aking balikat. Gumanti siya ng yakap sa akin at hinagkan ako sa noo.

"Mahal ko..." Hanggang ngayon ay umiinit pa rin ang puso ko sa tuwing tinatawag niya ako nang ganoon. I looked up at him.

Adam Consunji – my Adam. The love of my life and the reason I am breathing.

Harder to breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon