23. Utak muna

150K 4.2K 512
                                    


"Anong gusto mong motif ng kasal mo, anak? Uso ngayon ang mga pastel colors. Babagay iyon sa'yo."

Natutulala lang ako. Kasama ko si Mommy, si Aunt Ella at si Czacza. Nasa loob kami ng isang wedding shop kung saan matatagpuan ang wedding coordinator na ni-hire ni Mommy para sa kasal ko. Knowing my mom, she's being very emotional about me getting married this soon. Matagal na daw niyang hinhintay ang pagkakataong ito na may isang lalaking kukuha sa akin at paliligayahin ako. She was so convinced that Roge and I are so in love with each other.

Which is not true.

"Black?" Biglang nawika ko. Mom seemed appalled.

"Dandan! Kasal mo ito, hindi burol! Ano ka ba naman?!"

"I'm sure, Tita that she was just kidding!" Sabad naman ni Czacza. Napatingin ako sa direksyon ni Tita Ella. Titig na titig siya sa akin. May ngiti sa mga labi niya pero alam kong may ibang ibig sabihin naman iyon. Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pagbabasa ng weddng magazines.

Iniisip ko ang alok sa akin ni Roge. He is a good man and he promised me convenience. Sa puntong ito kasi ng buhay ko ay ayokong masaktan o makasakit kaya alam kong magiging komportable ako sa set up naming dalawa. We both need each other. We're both convenient for each other and I am okay with that but seeing Javier again makes me think that I don't want to be just okay.

I wanna be happy.

"Magtitingin lang kami ng tela sa side, Dandan. Ikaw na muna dito at si Ella." Mommy said. Umalis sila ni Czacza. Napansin ko naman na tumayo si Tita Ella at tumabi sa akin. I know that she was staring at me. She was looking at me like I'm some kind of rat inside a laboratory glass. Napalunok ako. She can see right through me. I'm no good at hiding my feelings – lalo na kay Tita Ella.

"Hindi mo siya mahal, bakit mo ito gagawin?"  Napaiyak na agad ako. How come Tita Ella know this already? How come Mommy doesn't know?

"Gagawin ko ito, Tita. I don't want to get hurt."

"Danelle, anak." Ipinalupot niya ang mga bisig niya sa akin. "Kung hindi ka nasasaktan, hindi ka nagmamahal." She fixed my hair. "Pain makes things real for humans, Danelle. Kung hindi ka nasasaktan, something is wrong. Dani is worried about you. Alam niyang may problem aka, but she doesn't want to ask you. Natatakot siya nab aka sabihin mo sa kanya na hindi sila kahit kailan naging sapat para sa'yo. Your parents tried hard, Dandan. They tried sheltering you from pain, but when you grew up, you changed, baby... Your father is the most affected of all. Tulad mo ay nasasaktan din sila. Danelle, this isn't you."

Yumakap ako kay Tita Ella. Ito siguro ang kulang sa amin ni Mommy – ang pag-uusap. Masyado ko nga kasing nilayo ang sarili ko sa kanila dahil sa guilt at sa takot na muli ko silang masaktan.

"Remember, anak – A relationship that started with lies..." Saulo ko na ang palaging sinasabi sa akin ni Tita Ella. Na ang relasyon na sa kasinungalingan nagsimula ay walang patutunguhan pero hindi naman kami nagsimula ni Roge sa kasinungalingan. Alam niya ang laman ng puso ko at alam niya kung anong totoo. An gamin lang, nahanap naming ang isa't isa sa mundong ito at pareho naming ayaw ng komplikasyon.

Kinalma ko ang sarili ko at kumalas kay Tita. Kailangan ko muna sigurong umalis sa lugar na ito dahil masyado akong nasasakal. Masyado kong dinaramdam ang mga pamilyar na pakiramdam na hatid sa akin ng muling pakiipagkita kay Javier. Hindi na dapat ako nagkakaganito. Kailangan ko siyang alisin sa sistema ko. Nagpaalam ako kay Titan a aalis muna. She smiled at me. Para bang sinasabi niya sa akin na alam ko na ang gagawin ko kaya pinaalis niya ako at wala na siyang masyadong sinabi sa akin.

I walked around the mall with Javier and the pros and cons in my mnd. Walang duda, pakakasalan ko si Roge. Nangako ako at hindi ko iyon babaliin and right now, I know that Roge is the best thing for me – lalo na at ayaw ko ng komplikasyon sa buhay. Ayokong masaktan. Gusto ko lang iyong maayos.

Harder to breatheDove le storie prendono vita. Scoprilo ora