15. The truth

164K 4.6K 544
                                    

I won a date with Javier. It's kind of funny because he is practically my boyfriend and I won a date with him - nakakatawa kasi kahit ordinaryong araw lang kaya kong makipag-date sa kanya at hindi ko na kailangan siyang bilhin pa pero para sa charity - bakit hindi? Ang nakakatawa pa, unang pagkakataon ito sa buhay ko na nasupalpal ko ang kapatid kong si Georgina. She was mad at me for embarrassing her at the anniversary but I don't really care, if Javier is my boyfriend, he is mine and I don't like the idea of someone else calling my property hers of his.

It was a Sunday morning and Javier told me to dress pretty because he's taking me to somewhere today. Sinunod ko naman siya. I wore my pretty yellow knee length dress and I found myself so beautiful. Hindi naman ako nagbubuhat ng bangko pero maganda ako. Mana ako sa Mommy ko. I got her nose and her eyes and the rest ay kay Daddy na. I was putting color to my lips nang marinig ko ang busina ng kotse ni Javier. Sumilip muna ako sa bintana at hindi nga ako nagkamali because I saw him standing just outside his car while looking up at my window. He saw me and he smiled. Javier looked dashing in his khaki pants and red gap polo shirt. He looked so fresh. I made a mental note to bury my head on his neck and smell him until the end of this day. Iniisip ko na kung saan kami pupunta. Sana sa isang lugar na kaming dalawa lang para naman...

I bit my lower lip.

Binawalan ko ang sarili ko na mag-isip ng kung ano-ano kay Javier. Hindi naman masyadong halata na excited ako para sa bagay na iyon.

Lumabas ako ng silid at doon nakita ko si Georgina na paakyat sa hagdan. Hindi ko pinansin ang pagtataas ng kilay niya sa akin. Lalagpasan ko siya nang bigla niyang hablutin ang braso ko.

"Alam na ba ng lalaking iyon ang pinagagawa mo noon, Big Sis? Kapag nalaman niya, alam mong iiwan ka niya? Your heart will be broken again and you'll be in pieces. Poor you, walang magmamahal sa'yo dahil sa naging desisyon mo noon. You may have the boy now, but when he finds out, he'll leave you out in the cold."

Pinalis ko ang kamay niya at tinitigan siya mula ulo hanggangn paa. She was wearing her red dress, her lips were red too and her cheeks were a bit red - sa madaling salita namumula ang kapatid ko, hindi ko alam kung pasko ngayon, pero wala akong pakialam sa kanya, masaya ako. Maybe it's time for me to finally not care about what other people think. Siguro ay dapat ko na ring tigilan ang kakaisip kung kailan ba ako matatanggap ng mga kapatid ko. As long as tanggap ako ni Mommy at Daddy at ni Javier - iyon lang ang mahalaga.

"Alam mo Georgina, ang inggit ay nakamamatay." Nilagpasan ko siya. Hindi ko na siya binalikan ng tingin. Parang may pakpak ang mga paa ko na lumabas ng bahay para puntahan ang sundo ko na matyagang nag-aantay sa akin. When Javier saw me, he walked towards me and gave me a piece of ling stemmed white rose tapos ay ginawaran niya ako ng halik. I closed my eyes and wrapped my arms around his neck and kissed him back. Nakalimutan ko na agad kung nasaan kami at kung anong oras ngayon basta ang alam ko, si Javier lang ang mahalaga at ang bawat halik niya.

"Lika na..." Wika niya nang tapusin niya ang halik na iyon. Nakalutang pa rin ako sa hangin habang nakasakay kami sa kotse. Hawak niya lang ang kamay ko habang nagmamaneho. Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko rin maghawang tanungin sa kanya kung saan kami pupunta kasi hindi talaga ako makapagsalita.

Napansin kong lumiko kami sa isang kurbada. Pabundok na ang lugar na iyon. Hindi ako pamilyar sa mga dinaraanan namin. I took a deep breathe. Parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung bakit may ganito. Pakiramdam ko ba ay napaka-secluded na lugar ang pupuntahan namin - iyong tipong kaming dalawa lamang tapos ay... tapos ay... I grinned to myself. I could imagine how he is going to touch all of me, how he is going to take me. He is now separating us from society - away from all the disturbances in our lives and I couldn't be more excited about this. Humigpit ang hawak ko s akamay ni Javier at pinakatitigan siya. Sa isipan ko ay gumagawa na ako ng plano tungkol sa mangyayari ngayong gabi.

Harder to breatheWhere stories live. Discover now